"Ma, huwag kayong maniwala sa nonsense nitong si Sean." Pagbawi ni Martin. "Joke n'ya lang yun, mahilig kasing magbiro ito, e." Inakbayan niya ang kaibigan. " Diba, sean?" "Hump!" Ismid ni Sean at nag-iba ng tingin Napagmasdan ni Roda ang magkaibigan. Pinakiramdaman n'ya kung nagsasabi nga ba ng totoo si Sean ngunit pinagtatakpan lang ni Martin sa kung anong dahilan. Pakiramdam n'ya ay may itinatago nga ang Anak sa kanya na may kinalaman pa rin sa pananatili nito sa Ormoc. "By the way, ma, si Sean. Kaibigan ko." Matapos magpakilala at bumati ni Sean ay umalis na rin ito at iniwan ang mag-ina. "Kanina, habang hinahanap ko ang suite ni Mayette ay may nakita akong cute na batang babae... Martin, kailan n'yo ba talaga ako bibigyan ng apo ni Claire? Ilang taon na kayong kasal, ikaw ang

