Agad tumalikod si Rita para maitago ang kanyang mukha. Pinakinggan na lang n'ya ang mga sinasabi ng dating matapobreng amo: "Ang cute-cute mo naman, baby~ Hayy... sana talaga ay mabigyan na ako nila Claire at martin ng apo, at sana talaga ay maging kasing cute mo s'ya." Sinulyapan ni Rita ang biyenang hilaw at nakita n'ya ang paghimas-himas nito sa mukha ng kanyang anak habang nakatitig naman ang huli sa mga nagkikislapang ginto na suot nito. "Teka, e, nasaan nga ba ang mga magulang mo? Napakapabaya naman nila. Paano kung mawala ka o kaya ay may kumuha na lang sayo dito?" Nang magpalinga-linga si Roda ay tumama ang mga paningin n'ya sa nakatalikod na si Rita. Itinuro ito ni Sophia. "Yon... naynay."(Ayun si nanay) Tinawag ito ni Roda. "Miss!" Nang hindi ito sumagot ay hinawakan

