CHARLES GATMAITAN'S POINT OF VIEW Limang taon. Limang taon na ang lumipas nang mawala siya sa akin. Ang babaeng minahal ko. Isang insidente ang naganap, nagbago na ang lahat. Ito ba ang dikta ng tadhana? May pamilya na ako't lahat-lahat ngunit may kulang pa rin sa akin. Pakiramdam ko ay isa akong puzzle na hindi buo dahil sa kakulangan ng isang puzzle piece. Araw-gabi ko siyang iniisip. Nasaan na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? Iniisip pa kaya niya ako? Kumakain ba siya ng mabuti? Bitter pa rin kaya siya? Mahal pa kaya niya ako? Nakaupo ako sa aming kama ni Amira. Pinagmasdan ko ang buong paligid, ang ilaw na mula sa lampshade ay isang tanglaw sa kuwartong ito. Kuwartong puno ng lungkot, dilim at lamig. Napansin ko

