ERICKA ANDROMEDA’S POINT OF VIEW Alam mo 'yong feeling na para kang multo? Nakakatawang isipin pero para akong isang multo sa paningin niya. Ang ganda ko naman maging multo! Wow lang! So ayun nga, makalipas ng limang taon nagkita na muli kami. Ang cliché lang, e, ‘no? Sisihin niyo 'yong manunulat! At aba, ‘yong nanay ko kasi pinabalik ako dito sa Pinas para lang maging representative niya sa meeting sa isang business firm na sa 'di inaasahang pagkakataon at sa kamalas-malasan ay pagmamay-ari pa ni Ginoong Charles Gatmaitan! And so what? Para namang apektado ako sa existence niya. Hindi ako apektado! Ni hindi ko nga pansin na parang mas nag-mature ang face features niya. Hindi ko nga rin napansin na mas nagkalaman ang kanyang hot, hunk at yummy body! Shet! Ang landi ko! Sa

