AMIRA CASSIOPEIA-GATMAITAN’S POINT OF VIEW "Who is she mom?" Biglang sabi sa akin ni Ceejay matapos kaming umalis ng elevator. Wala talagang delikadesa ang Ericka na iyon! Talagang may gana at tapang siyang sagot-sagutin ako. Sa harap pa mismo ng anak ko! Walang duda, masama talaga ang ugali niya. Tabas palang ng dila at anghang ng mga kataga, masasabing masama siya. Don't get me wrong pero hayun ang nasi-sense ko sa kanya sa bawat panahong nagkikita kami. ‘Yong pakiramdam na biglang dadaloy sa katawan mo ‘yong kumukulong dugo na mula sa presensya niya. Ano kayang nagustuhan sa kanya ni Charles? Hay, ito na naman ako. Ikinukumpara ko na naman ang aking sarili sa kanya. Halatang-halata na insecure ako sa kanya. Paano ka naman hindi mai-insecure? E, halos na sa kanya na ang

