ERICKA ANDROMEDA'S POINT OF VIEW Saturday. Nang matapos kong tignan sa aking cellphone kung anong araw ngayon agad akong napabalikwas. Sabado na pala ngayon! Oh, s**t! Ito ang araw na magbubukas ang kauna-unahang clothing line namin dito sa Pilipinas. And take note, ako lang naman. As in ako, si Ericka Andromeda lang naman ang may-ari nito. Naalala niyo pa 'yong secret na sinasabi ni Charles noon pa sa book 1, My Ampalaya Story? Ang secret na 'yon ay ang pagiging model ko sa clothing line namin. Ang Andromeda’s Couture. Ngayon, hindi lang ako model, may-ari na rin ng Andromeda’s Couture Philippines! Oh yeah! Sa katunayan ang clothing line namin ay kalat na sa buong mundo. Mayroon kami sa USA, France, England at iba pa. "Yaga Gags!" pagtatawag ko kay Yay

