AMIRA CASSIOPEIA-GATMAITAN'S POINT OF VIEW "Mom!" paulit-ulit na sabi ni Ceejay. Naku talaga ang batang ito. Napakakulit. Laging nagpipilit, tulad ngayon gusto niyang sumunod kay Charles. "Alright! Pasalamat ka love ka ni mommy," pagsuko ko sa kakulitan niya. Pinahanda ko ang kotse at nagsimula ng magmaneho. Ngiting-ngiti naman siya dahil napagbigyan ko. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mall kung saan bibili ng screen protector si Charles para sa tablet ni Ceejay. Halos magtatalon sa tuwa si Ceejay ng makababa kami ng sasakyan. Daddy's boy talaga siya. Nag-escalator kami patungong second floor. Mga ilang lakad pa lamang ay tila nagkaroon ng sariling buhay ang mga kamay ko dahil bigla na lamang nitong tinakpan ang mga mata ni Ceejay. Mga baboy! Nakuha pang maghalikan. Aren't th

