Habang nagmamaneho ako pauwi ay may kakaiba akong nadarama. Kaba? Takot? Hindi ko alam. Ang tanging isinisigaw ng utak ko ay dapat na akong makauwi. Kailangan kong magmadali. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa garahe. Nang makababa ako ay tumungo ako sa porch at nadatnang prenteng nakatayo si Charles. Napangiti ako ng mapait. Siya ang taong nagbago sa akin. At siya rin ang taong babago sa amin. "Kanina ka pa hinahanap ni Ceejay," malamig na sabi niya at tumango lamang ako. Makailang hakbang pa ay hinigit niya ako, ibubuka na sana niya ang kanyang bibig upang magsabi ng kung ano ngunit bigla na lamang dumampi sa kanyang kaliwang pisngi ang kamay ko. Isang malutong na sampal ang iginawad ko sa kanya. "Masarap ba? Ano? Sabihin mo!" angil ko sa kanya. Heto na naman ang peste at traydor

