Chapter 34- RECRUITING NEW COMRADES

2188 Words

PINAG-UUSAPAN nina Donovan ang mga maaari nilang gawin habang sila ay nag-aagahan. Hindi na nila nais pa na maraming madamay dahil sa paghahanap sa kanila ng mga kawal. “Batid ninyo na ito ang nais mangyari ni Adelyon ngunit ipagpapatuloy pa rin ninyo ang pag-atake sa kaniyang palasyo? Nahihibang na ba kayo?” ani Yusuf. “Sa palagay mo ba ay kakayanin ninyo ang pwersa nila? Sinisiguro ko sa inyo na bago pa ninyo matunton si Adelyon ay mapapaslang na kayo ng mga kaaway.” Dagdag pa ng matanda. Napaisip naman si Ahura dahil sa mga narinig. Batid niya na tama ang lahat ng mga winika ni Yusuf. Nais man niyang matigil na ang paghahari ni Adelyon ay nakasisiguro siyang hindi nila kakayanin ang hukbong kanilang sasagupain. “May katuwiran ang lahat ng mga inilahad ng Amang. Sa kakaunting bilang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD