HABANG mabigat ang kalooban na naglalakad at nilalampasan ni Donovan ang mga Sanyas na walang-awang pinaslang. Hindi katulad ng kaniyang kapatid na isang pulis at madalas malagay sa mga ganitong sitwasyon ay hindi sanay makakita ng mga duguang bangkay si Donovan. Ngunit sa kagustuhan niyang makatulong ay mabilis siyang nakapagdesisyon na pumarito. Napahinto sa paglalakad ang binata nang may mapansin sa isang gilid. Mayroong isang lalaki ang nakaupo at kasalukuyang walang-malay. Duguan ang damit nito at umaagos mula sa kaniyang tagiliran ang sariwang dugo. Nakita niyang gumalaw ang kamay ng lalaki. Ilang segundo muna ang lumipas bago tuluyang pumasok sa isipan ni Donovan ang mga nangyayari. Kumurap pa siya upang siguruhin na hindi siya dinadaya ng kaniyang mga mata. Agad niyang nilap

