NAILAHAD na rin nina Donovan kay Gantrick ang mga naganap nang ito ay magising kinabukasan. Bagama’t may malay-tao na siya ay hindi pa rin tuluyang nakababawi ang kaniyang katawan mula sa mga pinsalang tinamo.
Nagpupuyos sa galit ang kaniyang dibdib nang mapag-alaman ang kataksilan nang itinuring niyang kaibigan na si Kirin.
“Ano kaya ang tunay na katauhan ni Kirin? Siya kaya ay espiya lamang o mayroon siyang mataas na katungkulan sa hukbo ng Puting Reyna?”
Natahimik naman ang lahat sa naging katanungan ni Gantrick. Hindi rin sila nakasisiguro kung ano ang tunay na katauhan ng dalaga o kung tunay nga bang Kirin ang pangalan nito.
Subalit ng mga sandaling iyon ay iisa lamang ang nasisiguro ng lahat. Hindi na nila ito maaari pang pagkatiwalaang muli.
“Don, can I have a minute with you?” pakiusap ni Gantrick.
Hindi naman na kailangan pang sabihan ang iba pa magkakasunod na nagmartsa palabas sa silid ng binata ang mga ito.
Tanging si Donovan na lamang ang naiwan sa harapan ni Gantrick.
“What is it?”
Hindi naman na nagpaligoy-ligoy pa si Gantrick. “Do you really think that we can trust that Priamos?”
“What do you mean?”
Bumangon mula sa pagkakahiga si Gantrick. Hirap man ay pinilit niyang makaupo upang mas makausap ng maayos ang kapatid.
"Look, I don’t want to sound rude or what, but we barely knew anything about him and yet you allowed him to join our group without even consulting me? What if he was a spy like Kirin? It’ll put our lives in jeopardy, Donovan.”
Napabuntong-hininga si Donovan.
Nauunawaan niya ang pinupunto ng kapatid. “I’m sorry kung hindi kita hinintay na magising bago ako nag desisyon. But I guarantee you that he’s on our side.”
“And how did you know?”
“Because I can feel it. I can feel that he’s not a bad person like what you are thinking.”
Sumusukong napapikit na lamang si Gantrick. Alam niyang hindi na niya mababali pa ang desisyon ng kapatid.
Hinihiling na lamang niya na sana ay mali ang kaniyang hinala.
Sa ngayon ay ipagpapasa-kamay na lamang ni Gantrick sa mga Bathala ng Babylon ang kanilang magiging kapalaran sa mundong ito.
ILANG araw na rin ang nakalilipas mula nang hilingin ni Donovan kay Yusuf na sanayin siya nito. Hindi man niya agarang nakumbinsi ang matanda ay napilit niya rin ito kinalaunan.
Bilang pagsasanay ay kinakailangan ni Donovan na tapikin sa balikat si Yusuf ng kahit isang beses lamang subalit apat na oras na ang nagdaan ay hindi pa rin niya ito magawang mahawakan man lamang.
Sa tuwing magtatangka kasi ang binata ay mabilis lamang siyang naibabalibag ng matanda. Maswerte na lamang siya at nababalutan ng makapal na nyebe ang lupa dahil kung hindi ay siguradong ang mga bali-bali niyang buto ang dadamputin niya sa mga oras na iyon.
Tagaktak na ang pawis ng binata. habol na rin nito ang paghinga ngunit hindi pa rin niya magawang matapik ang balikat ni Yusuf kahit na isang beses man lamang.
Nananakit na rin ang kaniyang katawan dahil sa paulit-ulit nito na pambabalibag.
“Hanggang diyan ka na lamang ba binata? Nagsisimula na akong mabagot,” pang-aalaska pa ni Yusuf kay Donovan.
Napatiim-bagang si Donovan dahil sa narinig. Hindi siya makapapayag na hindi niya magawa o matapos ang pagsasanay na ibinigay nito sa kaniya.
Sa mga pagkakataong ito pumapasok sa kaniyang isipan ang pagsisisi. Pagsisisi na naging manager siya ng hotel at hindi nag pulis katulad ng kapatid. Disin sana’y hindi siya nahihirapan sa ganitong klase ng pagsasanay.
Ngunit mahal niya ang kaniyang propesyon sapagkat ang kaligayahang dulot nang pagbibigay ng kaniyang serbisyo sa ibang tao ay hindi matutumbasan ng kahit na ano pa man.
Kung kaya’t ang pagsisisi na kaniyang nararamdaman ay napalitan ng kagustuhan na malampasan ang pagsubok na ibinigay sa kaniya ni Yusuf.
“Are you sure that that man is a several-hundred-year-old older than us?” Namamanghang tanong ni Gantrick na kasalukuyang nakaupo sa isang gilid habang pinapanood ang kapatid sa pagsasanay nito.
“Yep,” matipid naman na tugon ni Irene habang kumakain ng prutas.
“He’s really fast…and strong too!” dagdag pa ng binata. “Don, can’t win this.”
Muling napaupo sa lupa si Donovan dahil sa matinding pagod na nadarama. Hindi niya alam kung paano siyang naiiwasan ni Yusuf na tila isa lamang siyang paslit na humahabol dito.
Lumapit sa kaniya si Yusuf. “Ang pakikipaglaban ay nangangailangan nang matibay na pangangatawan. Hindi ka maaaring sumuong sa isang labanan kung hindi naman kaya ng iyong katawan dahil siguradong mapapaslang ka lamang.”
Naunawaan naman ni Donovan ang nais na iparating sa kaniya nito. Sinasanay ni Yusuf ang tibay ng kaniyang pangangatawan kaya nito ibinigay sa kaniya ang pagsasanay na iyon.
“Nabanggit mo sa akin na tumatagal lamang ang iyong hiram na kapangyarihan kay Astora ng ilang minuto, hindi ba?” Tumango si Donovan sa tinuran ni Yusuf. “Alam mo ba kung bakit? Dahil mahina ang katawan mo. Hindi nito kinakaya ang kakaibang lakas at bilis na dumadaloy sa mga ugat mo.”
Napaisip naman ang binata dahil dito. Kung tama nga ang sapantaha nito ay kinakailangan nga niyang palakasin ang kaniyang resistensya upang sa susunod na kailanganin niya ang kapangyarihan ni Astora ay magagamit niya ito nang mas matagal pa.
“Sasapit na ang dilim. Ipagpabukas na lamang natin ito,” utos ni Yusuf.
Mula sa pagkakaupo ay napahiga na si Donovan at napapikit. Nakaramdam naman siya ng ilang mga paghakbang.
Nang magmulat siya ay ang maamong mukha ni Ahura ang bumungad sa kaniya.
“Magaling ang ipinakita mo ngayong araw, Donovan.” Pagpapalakas loob sa kaniya nito kasabay nang pag-abot sa kaniya ng tubig. “Magpahinga kana sapagkat bukas ay nasisiguro ko na magagawa mo nang mapagtagumpayan ang ipinagagawa sa’yo ni Amang Yusuf.”
Binati naman siya ni Priamos na kagagaling lamang sa pangangaso hindi malayo sa kubo. Naalala na naman tuloy niya ang nangyari noong sila ni Gantrick ang nangaso at muntik pang mapatay ng mga Yuntir na tinatawag na nila ngayong mga Frost elves.
Panibagong umaga, panibagong pagkakataon para kay Donovan upang mapagtagumpayan ang hamon ni Yusuf. Hindi na niya hahayaan pa na muli na naman siyang mabigo.
“Handa ka na ba binata?” Nakangiting salubong sa kaniya ni Yusuf nang siya ay makalabas sa kubo.
“Handa na po,” tugon ni Donovan.
“Kung gayon ay mag simula na tayo,” anunsyo ni Yusuf.
Mabilis na tumakbo si Donovan patungo sa matanda subalit katulad kahapon ay mabilis lamang siya nitong naiwasan.
Ngunit hindi pinanghinaan ng loob ang binata bagkus ay mas binilisan pa niya ang kaniyang pagkilos.
Napansin naman ito ni Yusuf. “Madali siyang mauubusan ng lakas kung ipagpapatuloy niya pa ang ginagawa niya,” bulong ng matanda sa sarilli.
Mas binilisan pa ni Yusuf ang kaniyang pagkilos. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang katulad niya ay mas bumilis din si Donovan. Sa bawat pagdadagdag niya ng bilis ay ganoon din ang ginagawa ng binata.
Napangiti siya dahil dito. Nang mga sandaling iyon ay nananabik siyang malaman kung hanggang kailan nito kayang ipagpatuloy ang bilis na kaniyang ipinapakita.
Habang inoobserbahan ni Yusuf ang mga ginagawang pagkilos ng binata at kung paano nito nagagawang makahabol nang paunti-unti sa kaniyang lebel ay nagawa nitong matapik siya sa balikat.
Gulat na napahinto sa kaniyang mga paggalaw ang matanda. Habang si Donovan naman ay nakangiting napasalampak muli sa lupa.
Naglalandas sa mukha nito ang pawis na dulot ng kanilang ginawang pagsasanay.
Nanonood naman sa ‘di kalayuan si Gantrick. Mayroon pa itong mga benda sa katawan na pinalaman ng iba’t-ibang uri ng halamang gamot.
Napansin naman ni Irene ang hitsura ng mga kaibigan nang siya ay lumabas mula sa kubol. Para bang nakakita ang mga ito ng isang kahanga-hangang bagay dahil pare-pareho pa silang mga nakanganga.
“What did I miss?” tanong ni Irene kay Gantrick nang lumapit siya sa pwesto nito. “Did he win?”
“Everything,” tugon naman ng binata.
Maya-maya lang ay narinig ni Irene na binati ni Yusuf si Donovan habang nakasalampak sa lupa ang huli.
“Magaling Donovan. Nagawa mong higitan ang limitasyon ng iyong sariling katawan. Sa lalong madaling panahon ay maaari na nating simulan ang iyong huling pagsasanay.”
Tinalikuran na ng matanda si Donovan at nagbalik na sa kubo. Nang mapadaan ito kina Gantrick ay tinanong siya ng mga ito kung tunay nga bang nagawang tapikin ni Donovan ang kaniyang balikat.
“Oo. At hindi lamang niya isang beses niya itong nagawa kundi dalawa.”
Labis ang pagkabigla nina Gantrick at Irene sa narinig. Batid nila na mapapagtagumpayan ni Donovan ang pagsubok na ito ngunit hindi naman nila akalain na mas makahihigit pa ang ipapakita nito.
“Siya nga pala, Gantrick?” tawag ni Yusuf sa binata. “Dahil isa ka ring Gabay ay sasamahan mo sa pagsasanay si Donovan bukas. Ihanda mo ang sarili mo.”
Pagkatapos nito ay tuluyan na nga siyang pumasok sa loob. Bumangon naman mula sa kaniyang pagkakasalampak si Donovan at lumapit kina Gantrick.
“How the hell did you beat that old man? You cheated, right?” wika ni Gantrick.
“Would it kill you if you’d compliment me even just for once?” ganti naman ni Donovan.
Napahagalpak ng tawa si Irene dahil sa narinig na usapan ng magkapatid. Unti-unti na niyang nakakalimutan ang sakit nang kataksilan ni Kirin.
Dahil sa kaniyang mga kasama ay gumagaan ang kaniyang mabigat na kalooban. Kinawayan ni Irene sina Ahura at Priamos na kababalik pa lamang mula sa pangangaso.
“Wow! Ang dami naman niyang dala ninyo!”
Ngumisi naman si Ahura. “Nagpaligsahan kasi kami ni Priamos kanina.”
“Paligsahan?” tanong ni Donovan.
“Oo. Nagpaligsahan kami kung sino sa amin ang mas magaling gumamit ng pana. At dahil nga walang nagpapatalo sa amin ay hindi na namin namalayan na marami na palang kuneho ang aming napapatay, kaya heto…magkakaroon tayo ng munting piging!” paliwanag ni Priamos.
HINDI pa tuluyang sumisikat ang haring araw ay gising na si Donovan. Nasa labas na ang binata habang nag-eensayo sa paggamit ng espada.
Inaalala niya ang bawat bagay na itinuro sa kaniya nina Urbed at Vector noong sinasanay pa sila ng mga ito.
“You’re early!” wika ni Gantrick nang lumabas ito sa kubol.
“What are you doing here? Don’t tell me you’re going to train as well?”
“Yep!”
“You sure? Okay na ba ang pakiramdam mo?”
“Lalo lang akong magkakasakit kung maghapon na naman ako hihilata, Don.”
Hindi na kinontra pa ni Donovan ang kapatid. Hindi rin naman niya mapipigilan ang lalaki kung gugustuhin nitong mag ensayo.
“Wanna spar with me?” aya ni Gantrick kay Donovan.
Hindi naman nabigo ang binata dahil agad din siyang hinarap ni Donovan.
SA PALASYO NG SANYAR
Nasa kaniyang trono si Haring Adelyon habang kausap ang ilan sa mga may matataas na posisyon sa kaniyang hukbo.
“Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ni Genic ang tatlong dayo. Hanggang ngayon ay malaya pa rin na naglalakad ang mga ito sa aking Kaharian!” Galit na wika ng Hari.
Hindi naman nagtatangkang mag salita man lamang ang ilan sa kaniyang mga komandante o mga Gurdashi sapagkat batid nila na hindi sila kakaawaan ng Hari kung sakaling hindi nito magustuhan ang kaniyang mga maririnig.
“Erebus!”
Mula sa hanay ng mga pinuno ay lumapit ang isang lalaki at humarap sa Hari.
“Kamahalan!”
“Hindi ko na mapagkatiwalaan pa si Genic dahil sa sunod-sunod niyang pagkabigo. Bumuo ka ng isang pangkat at manalasa kayo sa Sentro. Paslangin ninyo ang mga Sanyas na makikita ninyo!” Utos ni Adelyon.
“Ngunit mawalang-galang na po Kamahalan, sa anong kadahilanan at nais ninyong ipapaslang ang ating mga alipin?”
“Kung hindi natin mahanap ang tatlong dayo ay sila ang papalapitin natin. Gamit ang dugo ng mga Sanyas na ating alipin ay palilitawin natin ang mga dayo. Kung kaya’t ngayon din ay umalis kana at sundin ang aking tagubilin,”
“Masusunod, Kamahalan!” Bahagya munang yumukod si Erebus upang magbigay galang sa kaniyang Hari bago tuluyang lumisan.
At nang araw nga rin na iyon—sa utos ng kanilang Hari ay nanalasa sa Sentro ang pangkat ni Erebus. Marami sa mga Sanyas ang hindi na muli pang makakapiling ng kanilang mga mahal sa buhay.
Marami sa kanila ang pinagkaitan nang pagkakataon na mabuhay ng mapayapa.
Kahit ang mga babae at bata ay hindi rin nakaligtas sa kasamaang hatid ng pangkat ni Erebus.
SAMANTALA, humahangos na nagbalik si Priamos mula sa pag-eespiya sa Sentro. Nasaksihan niya ang kalunos-lunos na sinapit ng mga Sanyas nang araw na iyon.
“Mga kasama!”
Dahil sa pag sigaw ng binata ay tuluyan na ngang napalabas ang iba pa upang alamin ang dahilan ng kaniyang pagkabalisa.
“Ano’t sumisigaw ka kaibigan?” tanong ni Donovan.
Napaupo si Priamos na agad namang inabutan ni Ahura ng tubig. Matapos makainom at maibalik sa normal ang kaniyang paghinga ay inilahad na niya sa mga ito ang kaniyang nasaksihan.
“Ang mga Sanyas. Pinagpapaslang sila ngayon sa Sentro sa utos ng Hari!”
Nang marinig ito ay agad na pumasok sa kubo si Donovan upang hanapin ang kaniyang espada.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Gantrick.
“Sa Sentro. Ililigtas ko ang mga Sanyas!”
Bago pa muling makalabas si Donovan ay pinigilan siya ni Gantrick. “This is suicide, Don!”
Sinalubong ni Donovan ang nag-aalalang tingin ng kapatid. “I know. But we can’t let them to just die like that.”
“Then, I’m coming with you.”
Magkasunod na lumabas ang magkapatid. Nadatnan nila sina Irene at Ahura na kapwa naghahanda na sa pag alis.
“Hindi kayo sasama na dalawa,” wika ni Donovan. “Mas makabubuti kung kami na lamang munang tatlo ang magtutungo roon. Kung marami tayo ay madali nila tayong makikita.”
Nakakaunawa namang tumango sa kaniya ang mga dalaga kahit pa masama sa mga loob nito na hindi makatulong ng mga sandaling iyon.
“Priamos! Tayo na!”
Kahindik-hindik ang eksenang dinatnan nina Donovan nang sila ay makarating sa Sentro. Tumambad sa kanila ang mga duguan at walang-buhay na mga katawan.
Wala na rin doon ang pangkat ni Erebus na siyang may gawa ng karimarimarim na krimeng iyon.
Naging kulay pula ang lupa, ang hangin ay nabalot nang makalawang na amoy ng dugo. Halos maduwal pa si Gantrick dahil sa kaniyang mga nakikita.
“Kumalat kayo! Alamin ninyo kung mayroon pang mga buhay sa kanila na maaari nating matulungan,” utos ni Donovan
Agad naman na sumunod kay Donovan ang dalawa at nagtungo sa magkasalungat na lugar. Hindi maunawaan ni Gantrick kung bakit mayroong mga nilalang na kayang kumitil ng buhay ng mga walang kalaban-laban.
Sa Babylon man o sa mundong kaniyang pinagmulan ay hindi talaga nawawala ang karahasan at ang mga nilalang na gagawin ang lahat dahil sa kanilang kasakiman sa kapangyarihan.
Labis ang lungkot na nadarama ni Priamos para sa kaniyang mga kalahi. Matapos alipinin ay parang mga mabababang uri ng hayop na lamang sila kung patayin.
Lumuhod ang binata nang makakita ng isang katawan ng bata. Nababalutan ito ng dugo. Sinubukan pang alamin ng binata kung may pulso pa ito subalit bigo siya. Hindi na tumitibok ang puso ng paslit.
“Nawa’y mahanap mo na ang kapayapaan sa kabilang buhay munting binibini,” bulong ni Priamos.
“Kahabag-habag ang kanilang sinapit,” usal ni Gantrick na hindi namalayan ni Priamos ang paglapit.
Hindi nakaligtas sa matalas na paningin
ni Gantrick ang ginawang pagpahid ni Priamos sa kaniyang luha.
Nang sandaling iyon niya napagtanto na mali ang kaniyang hinala sa binata. Tinapik niya ito sa balikat upang subukang payapain ang kalooban.
Maya-maya lamang ay kapwa nila narinig ang pagtawag sa kanila ni Donovan.
“Gantrick! Priamos!” Agad nilang tinungo ang kinaroroonan ng binata.
Nanlaki ang kanilang mga mata nang mapagtanto ang dahilan nang pagtawag nito sa kanila.