Keila Tulad ng plano niya, maaga siyang umuwi and now nasa pathway siya ng school. Naglalakad mag-isa habang bitbit ang ibang folder na may lamang papeles. Hinintay din niya ang tawag ni Aglaia but until now wala parin baka mamaya pa yun tatawag. "Miss Keila." Napahinto naman siya at lumingon sa likuran. Nakita niya isang kapwa niya guro habang tumatakbo papunta sa kanya. May dala-dala din itong folder at itim na bag. Nakangiti itong lumapit sa kanya at inayos ang buhok. "Ikaw pala Mr. Reyes." ngiting bungad niya dito at sumabay ang lalaking guro sa paglakad niya. "Musta? Matagal-tagal na din hindi tayo nagkausap." natatawa nitong sabi sa kanya.Napatawa din siya at napangiti. "Ayos lang naman at oo nga eh." awkward niyang sagot dito. Kahit naging kaibigan niya ito hindi pa rin siya

