Mahabang katahimikan ang bumabalot sa buong VIP room ng restaurant. Magkatabi sina Flavo at Keila sa long sofa habang kaharap nito si Jhimer na nakaupo sa single sofa. Nakadikwatro ito at nakataas ang kilay nakatitig sa kanilang dalawa. Sa gitna nila ay may tatlong baso ng juice at cupcakes nakapatong sa maliit na mesa. Hindi mapigilang mapalunok si Keila. Gosh! She is nervous. Totally nervous. Bitter pa naman tong kaharap niya. Pinisil ni Flavo ang kamay niya. Napatingin naman siya dito. Nakatingin ito sa kanya with his serious expression. Nakasuot pa din ito ng eyeglass with his black hat. Ang weird niyang tingnan. Promise! But she like his custom. Iwas gulo at para hindi ito makilala ng ibang tao. "So ano? Magtitigan lang ba kayo dyan?" masungit na tanong ni Jhimer. Yes! Jhimer her fr

