Tahimik akong kumakain sa hapagkainan habang si Rina ay nilalagyan ng cold compress ang kanyang pisngi gawa ng aking sampal kanina. Halos hindi ko na mailunok ang kinakain ko dahil ayoko talaga sumabay sa kanila.
Mabuti at mabait ang daddy ni Rina at hindi niya ako pinagalitan. Hindi ko alam kung totoo ba siyang mabait o baka naman ay may iba siyang agenda.
"Hon, pasensya talaga sa ginawa ng anak ko, ha. Don't worry, kinuha ko na sa kanya ang mga cards at iba pang ibinigay mo sa kanya," malambing na sambit ni Mommy sabay hawak sa balikat sa tahimik na si Mr. Ferrer.
Hindi ko siya matatawag na daddy dahil ayaw ko. At kung may malakas na loob lamang ako, sasabihin ko talaga na pera lang ang habol sa kanya ni Mommy at wala nang iba.
"Dad! Hindi mo na dapat iyan binibigyan ng luho! I saw tons of money in her room kanina!" sumbong ni Rina sabay tingin sa akin.
Matalim ko naman siyang tiningnan kaya nag-iwas agad siya ng tingin.
"Bakit mo naman ginawa iyon, Anna? Bigay ko iyon sa kanya kaya ibalik mo iyon sa kanya," malamig na sambit ni Mr. Ferrer sabay tingin sa akin. "Sana naman ay magkasundo na kayo ng aking anak, hija. Hindi ko nagustuhan na sinampal mo ang anak ko ngunit hindi ko rin gusto na inakusahan ka niyang magnanakaw."
"Dad!"
Naibaba ni Rina ang kanyang cold compress.
"Malaki na kayo pareho at ayoko na hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo nagkasusundo. Sampung taon na kaming kasal ng mommy mo, Anastasia, at inaasahan ko na magkasusundo kayong dalawa pero hindi pala."
Hindi ako nakasagot.
Paano naman kami magkakasundo? May lahing animal yata iyang anak niya. Insecure sa kagandahan ko at lahat ng mga style ko sa damit sinusunod niya. Hindi lang iyon! Ayaw niyang malamangan!
"Dad, gusto ko naman talaga siya maging ka-close pero palagi niya akong inaaway."
Umirap ako. Si mommy naman ay nasa akin na ang tingin kaya halos hindi na ako gumalaw dahil tingin ko lahat ng kilos ko ay binabantayan na niya.
Please, I want to get out from here. Someone save me from this freaking hell.
"By the way, natanggap mo na ba ang sulat galing sa mga Dela Cerna?" tanong ni Mr. Ferrer sa akin.
Si Rina naman ay mas lalo lang naging hyper. Gusto talaga siya lagi ang nasa atensyon.
"Dad, alam mo na may gusto ako kay Xyrus! Bakit siya ang pinadalhan ng sulat? I am willing to be his wife!"
Napasinghap ako. So alam niya...
I smirked. "But the letter is intended for me. Ang nasa sulat ay gusto niya ako maging asawa, Rina."
Nanlumo ang mukha ni Rina at napatingin sa daddy niya.
"Mom..." si Rina sabay hawak sa braso ni Mommy. "Convince, Dad. Love mo naman ako, right? Nangako ka sa akin na gagawin mo ang lahat makuha mo lang ang loob ko."
Sarkastiko akong tumawa kaya gulat silang bumaling sa akin. Tumikhim ako at saka uminom ng tubig.
"Hon, hindi mo ba pagbibigyan si Rina? Humahanga siya sa lalaking iyon at saktong-saktong naghahanap ng mapapangasawa ang lalaking iyon. He wants a powerful surname. Totoong anak mo si Rina, Rex. Sana naman ay pagbibigyan mo siya."
"This is business, Anna."
Natigilan ako at gulat na nag-angat ng tingin sa kanila.
"And I don't want my daughter to involve with that society. And the Dela Cerna wants my step-daughter."
Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko gusto ito ngunit kailangan ko na sumugal. Ayoko na palagi ang babae na lamang ang mananalo. Kukunin ko ang pinakagusto niya.
"And I am willing, Tito Rex," I smirked. "I am willing to be the wife."
"Anastasia!" banta ni Mommy at saka binalingan si Tito. "You can't be serious, Rex. Ang anak mo!"
Palihim akong napangiti. I can handle it. Wala akong pakialam sa kung sinong lalaki man iyan. Ang mahalaga ay papakasalan ko ang isang mayaman. And if I will become rich enough, I will escape. Aalis ako sa lugar na ito at hindi na magpapakita pa muli.
***
"What the hell are you thinking, Anastasia?!" singhal ni Mom nang kami na lamang ang dalawa. "You are going to get married? Iiwan mo ako rito?"
Ngumisi ako. "Ano naman ngayon, Mom?" Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. "Isn't that great? Yayaman na rin ako at makakaalis na ako sa impyernong ito."
"Wala ka talagang hiya. Alam mo ba na hindi sana kita isasama?"
"Oh? Bakit mo ako isinama? Nasa huling pagsisisi, 'no? Kung ibinigay mo lang ako kay dad, edi, wala ka na sanang sakit sa ulo ngayon. At bakit? Sino ba ang may gawa ng lahat ng ito? Hindi ba at ikaw naman? You made me like this. You made me crave for money. Just like you..." Inikutan ko siya at siya naman ay nanatiling nakatayo, matalim niya akong sinusundan ng tingin. "You made me crave for money and power. Just like you, Mom. Ako ang resulta ng pagiging makasarili mo at walang kuwentang ina."
Akmang aangat niya ang kanyang kamay ngunit tinaasan ko siya ng kilay.
"O, ano? Sasaktan mo ako?" Tumigil ako sa paglalakad. "Ako ang tunay mo na anak pero mas anak mo pa ang babaeng iyon na wala namang ginawa kundi ang gawin akong masama sa pamamahay na ito."
"Kaya ko nagugustuhan ang batang iyon dahil sumusunod iyon sa akin. Hindi katulad mo!" Umigting ang kanyang panga.
Kumirot ang puso ko ngunit mas tinapangan ko pa ang aking loob. "Hindi kasi ako aso, Mom." Ngumisi ako na ikinalukot ng kanyang mata. "By the way, Tito Rex told me to prepare. Makikipagkita na ako sa magiging asawa ko." At naglakad na ako paalis.
"You will regret this, Anastasia!"
Natigil ako sa paglalakad dahil sa sigaw niya.
"I will embrace it, Mom. Don't worry." At saka ako tumalikod na parang walang nangyari.