Kinaumagahan ay naghahanda na ako para sa pagkikita. I am not feeling nervous at all. Mas na-curious pa ako kung sino man si Xyrus Herbert na kinabaliwan ni Rina.
"Ma'am, naghihintay na po si Sir sa labas."
Tumango lang ako at napatingin sa salamin. I am wearing a trench coat na hapit na hapit sa akin. Pinaresan ko iyon ng brown boots at saka nagsuot din ako ng beret na siyang bumagay naman sa maliit ko na mukha. Inilagay ko agad sa bulsa ang kamay ko at napangiti.
Nang lumabas ako ay nakita ko agad si Rina na ngayon ay nakatunganga na sa akin.
"What?"
"Gagawin mo talaga ito? Alam ko na ginagawa mo lang ito para inisin ako, Anastasia." Hinawakan niya ang braso ko na siyang ikinagulat ko. "You will regret this! You will regret this, Anastasia. Hindi ko alam kung ano ang plano mo. Gusto mo ba ng maraming pera? I can give you that! Hindi ba iyon naman talaga ang gusto mo? Pera! I can give you that. Just let me replace you."
Sarkastiko akong tumawa at saka marahas kong kinuha ang braso ko mula sa kanya. Nakita ko ang kanyang paglunok.
"Sana sinabi mo iyan sa akin bago mo ginulo ang lahat, Rina." I smirked. "Hindi na sana hahantong sa ganito ang lahat kung noong una pa lang ay hinayaan mo na ako. Masyado ka lang talagang inggitera. Nasa iyo na ang lahat pero inggitera ka pa rin. Hindi na iyan normal. Sakit na iyan. Sakit na hindi basta-basta nalulunasan."
"Ang yabang mo." Umigting ang kanyang panga.
Nagtaas naman ako ng kilay at saka humalukipkip. "Mayabang nga. That's what I am, Rina. Mayabang ako. May ipagmamayabang naman talaga kaya mayabang ako."
"Ang taas-taas ng tingin mo sa sarili mo! Hindi ka magugustuhan ni Xyrus dahil arogante ka! May girlfriend na iyon at hindi iyon papayag sa gusto ng pamilya niya."
"Bakit? Ikaw? Magugustuhan ka ba, Rina?" Nakita ko na mas lalong nalukot ang kanyang mata. "At least I will experience being his wife. Magiging akin na ang lalaking pinapangarap mo at ikaw, habang buhay ka lamang mangangarap. Okay lang iyan, Rina. Libre lang naman ang mangarap."
Umirap ako sa kanya bago ako bumaba sa hagdan.
Isa lang naman ang gusto ko sa buhay at iyon ay ang makalikom ng milyong-milyon na pera. At kapag sakto na ang naipon ko, aalis na ako sa bansang ito. Iyon naman talaga ang plano ko.
Pagod na ako mabuhay sa bansang ito kaya aalis ako. Ngunit hindi ako makakaalis hangga't wala akong ipon na pera. Wala pa akong trabaho at hindi ako pinapatrabaho ni Mommy na siyang isa pa sa kinaiinis ko. Kinukulong niya ako sa bahay na ito at pinagmamalupitan na parang hindi niya tunay na anak.
Parang ang pagpapakasal ay isa sa mga hakbang upang tuluyan na akong makalaya.
Nang nakalabas na ako ay nakita ko si Mom sa may pintuan kaya binalingan ko siya. Malamig ang kanyang tingin sa akin habang pinapaypayan niya ang kanyang sarili.
"Halika na..."
Tumingin ako kay Tito Rex na ngayon ay naghihintay na sa akin sa loob ng kotse. Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa loob.
***
"I am sorry for making you do this, hija."
Ramdam na ramdam ko ang sinsero sa kanyang boses. Kasalukuyan kaming nasa kotse ngayon. Papatungo na ito sa lugar kung saan ko kikitain ang mapapangasawa ko.
Humalukipkip ako at saka huminga nang malalim. "Thanks to you. Makakawala na ako sa impyerno."
"It's just a year, hija. Masyado kong mahal ang anak ko kaya hindi ko siya puwedeng isugal sa mga Dela Cerna."
Tumango ako habang iniigting ko ang aking panga. Nakaramdam ako ng pagkakirot pero hinayaan ko na lamang iyon. Sanay na ako sa ganito.
"Alam mo Tito Rex..." Binalingan ko siya. "Mabait ka na tao. Alam ko iyon. Nararamdaman ko iyon kaya pasensya na minsan sa ugali ko."
"I understand."
"At masyado ka bang bulag? Obvious naman na piniperahan ka ni Mommy."
"I know..."
Namilog ang mata ko at napaayos ng upo. "Pero bakit? Alam mo naman pala. Hahayaan mo na lang ba siya na ganoon?"
"She's pregnant, hija."
Namilog ang mata ko. "What? Pregnant?"
Miracle baby nga ako, eh! Paano siya mabubuntis ulit?
Napalunok ako. "S-Sigurado ka ba?"
Tumango siya. "Yes. Nagpa-check up kami sa Doctor."
Natulala na lamang ako. Hindi ko akalain na nagpabuntis pala talaga si Mommy para sa pera niya.
I know her. Kilalang-kilala ko si Mommy. She wants money. Gusto niya ng pera dahil gusto niya ring maging parte ng mga elite. Lahat ng kanyang mga galaw ay pinag-aralan niya para sabihan siya na elegante at makibagay sa ibang mayayamang babae.
"Tutulungan mo ako, Anastasia. Tayong dalawa. We will lift ourselves up through his money. Tulungan mo ako, anak."
"Hindi ako magnanakaw, Mommy!"
"Para sa iyo lang din naman ito! Kapag may pera ka na ay mahahanap mo na ang Daddy mo. Makikita mo na siya dahil may pera ka na. Hindi ba at desperada ka ring makita ang daddy mong bigla na lang nawala na parang bula?"
"Mom!"
"Listen, Anastasia." Hinawakan ni Mommy ang magkabilang-balikat ko. "Kapag wala kang pera, nag-iiba ang tingin sa iyo ng mga tao. Tingnan mo ang ginawa ng mga kaanak natin. Minamaliit nila tayo dahil hindi tayo mayaman. Inaalipin at binabato ng mga masasamang salita dahil lang sa wala tayong salapi. Ayaw mo na maranasan iyon, hindi ba?"
Tumahimik ako.
Ngumisi si Mommy. "Sige na, anak. Money makes you powerful. You can do anything through money. At ang mga kaanak natin? Luluhod sila sa atin dahil marami ka nang pera."
Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Ayoko."
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko nang naalala ko na naman iyon. Iyon ang simula ng pagkalabuan namin ni Mommy. Simula noon ay si Rina na ang kinakampihan niya sa lahat ng bagay. Siguro kay Rina siya nakakuha ng pera kaya ganoon na lamang niya ito pinahalagahan.
"We're here..."
Bumaling ako sa bintana. Isang resort ang bumungad sa amin.
"Halika na, hija. Kanina pa naghihintay si Xyrus sa atin."
Tumango ako at saka lumabas na ng kotse.