Zaraine's pov
Ilang lingo na ang nakakalipas simula nung huling gabing nahalikan ako ni Gareth, halos araw-araw naiisip ko siya. Madalas lumilipad ang isip ko lagi na rin ako napag sasabihan ni Manang Adel dahil mali-mali na yung mga kinikilos ko.
Pinag mamasdan ko ang mga dahon na nililipad ng hangin, malamig na hangin aking nalalanghap dito sa itaas ng puno sa tambayan ko,
Katatapos lang ng klase kaya nandito ako ngayon, naasar na nga si Heidi sakin dahil lagi akong nawawala pag katapos ng klase. Mag papalipas lang ako ng oras at mamaya uuwi na ako.
"Zaraine!"
Inalis ko ang takip sa muka at dinungaw ang nasa ibaba ng puno
"Hoy babae bumaba kana diyan!"
Sabi na nga didistorbohin nanaman ako nitong kaybigan ko.
"Sandali lang po bababa na"
"Ang weirdo mo talaga no?! Ang daming pwedeng tambayan at dito mo pa napiling mamugad sa taas ng puno? Kaloka kang babae ka!"
Nang malapit na ako sa ibaba tinalon ko nalang ito.
"Hoy! Ok pa ba yang buto mo?" Yumuko pa ito kunwaring ine inspeksyon ang tuhod ko.
" ang OA mo ha, tara na nga" hinawakan ako nito sa siko upang pigilan.
"Sandali kaya kita pinuntahan dito kasi may ipapakita ako sayo, binuksan nito ang bag at may dinukot ta inabot ito sakin
"Ano to?"
"Ticket"
"Alam kong ticket ito, ibig kong sabihin para saan to?"
Pinanlakihan pa ako nito ng mata "ayan kasi lalayas kaagad pagkatapos ng klase! Ayan dimo alam kung para saan yan?" Naka pamaywang pa ito habang sinesermonan ako.
"Seryoso! Para saan nga ito?"
"May Retreat tayo sa friday na yun kaya binayaran ko nalang yung ticket para sayo," napatingin ako sa ticket bago ko sinulyapan ito, "o! Bat ganyan ka makatingin?" Tumaas pa ang kabilang kilay nito "uhmm! Thank you! Payakap nga! Hmmm!
"Pasalamat ka labs kita pero utang yan ah"
"Hmm! Akala ko libre, magkano ba ito?" Tumingin ito sa akin at ngumisi ng nakakaloko
"hindi magkano kundi Ano!! "
"Anong Ano?"takang tanong ko.
"Basta babayaran mo ako sa takdang panahon!"
"Baliw! Tara na nga" inaya ko na itong umalis.
"Zara ihatid mo nga itong tinimpla ko kape sa Patio," umuusok pa itong mga tasa na may lamang kape ng kunin ko ang tray, alas kwatro na ng hapon kakauwi ko lang galing skwela ng makapag bihis dumeretso agad ako dito sa kusina.
Ng makarating ako sa Patio bigla akong napatigil ng mapag sino ang kausap ni sir Del tore, nakita ko ito at di nga ako nag kakamali siya nga!
Pinagpatuloy ko ang pag hakbang hangang sa makarating ako at inilapag ang tray ng kape sa mesa.
"Zaraine iha!" Tiningnan ko lang si Sir Deltore at dina pinansin ang pana- uhin.
"Hindi mo ba babatiin ang nanay mo?"
Dahan-dahan ko itong nilingon at ng mag tama ang mga mata namin ay bigla ako nitong niyakap.
"Anak sumama kana sakin" umiiyak pa ito habang yakap ako. Nagpumiglas ako ng pasimple para makawala sa pagkakayakap nito. "Sige maiwan ko muna kayong mag ina"
Ng kami nalang dalawa ang naiwan hinarap ko ito, "Ano bang ginagawa nyo dito?! Nakita nyo naman na maayos ang kalagayan ko, nakakapag aral ako, kaya hayaan nyo nalang ako!" Dahan-dahan itong lumuhod sa harap ko at humahaguhol.
"Anak kung galit ka parin sa akin,paki-usap patawarin mo na ako, gusto ko lang bumawi sayo sa mga pagkukulang ko,"
Di ko na napigilang maluha pa, yung sakit ng nakaraan ay muli kong naramdaman! "Ganyan na ganyan ako noon sa inyo kahit mag lumpasay pa ako sa harap nyo, iniwan nyo parin ako!" Tinalikuran ko ito at pinunasan ko ang mga luhang kumawala.
"Umalis na kayo, pasensya na pero hindi ako sasama sa inyo!"
Umalis ako sa harap nito, naka ilang hakbang muna ako bago huminto at nilingon ito, naka yuko at naka luhod parin ito habang umiiyak, muling tumulo ang mga luha ko, muli ko na itong tinalikuran at tinakbo ang papuntang Quarters!
Pag pasok ko agad ako umupo sa kama at hinayaan kong mag unahan ang luha kaya basang basa ang pisngi ko.
"Zara!"
"Manang!" Lumapit ito sakin at niyakap ako. "Tahan na Zara"
"Manang bakit ganun? Parang ang sama-sama kong anak?
"Zara hindi ka masama tandaan mo yan! Hangat hindi ka magpapatawad mananatiling may galit diyan sa puso mo, pakawalan mo na ang galit na yan at matuto kang mag patawad"
"Manang!" Humahagulhol ako sa bisig ni Manang Adel, ito lang ang alam kong gawin sa ngayon ang i-iyak lahat ng hinanakit.
***
'Maaga akong gumising dahil ngayong araw na ang Retreat namin sa Baguio
Medyo umayos na ang pakiramdam ko simula ng magkausap kami ng Nanay ko.'
"Zara yung Jacket baka makalimutan mo ha! Malamig pa naman ngayon sa baguio"
"Opo Manang nasa bag ko na po"
"O sya mag iingat ka dun! At yung bilin ko na strawberry jam!"
"Noted po! Sige po alis na ako"
Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit ko na ito sa likod ko.
Papalabas na ako ng Gate ng mag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan ang screen kung sino, kumunot ang noo ko at nag salubong ang mga kilay ko ng makita ang numero international call ang naka lagay.
Sinagot ko ito baka importante
"Hello?"
"Take care!" Lumaki ang mga mata ko ng mabosesan ito.
"Salamat! Pero pano mo nalaman na aalis ako?"
"Nagpost sa social media ang University about Retreat to bagiuo, that's why?"
" ah gabun ba, so kamusta kana dyan?" Kinakabahan turan ko
"I'm good! Oh by the way i have to go, mag iingat ka bye"
"Bye" tanging sambit ko pero agad na nitong pinatay ang linya.
May kung anong saya sa kaibuturan ko .
Ilang minuto lang dumating na yung bus na sasakyan ko. "Zaraine! Dito ka sa tabi ko!" Pag akyat ko palang ng bus nakita ko kaagad itong si heidi na kumakaway, kaya agad akong lumapit sa kinaroroonan nya. "Here! Be thankful to me! Pina reserve ko talaga yang upuan para sayo!" Tumataas taas pa ang kilay nito. Pagka upo ko ay syang takbo ng bus
"O? Edi thank you po!"
"Teka! Parang may bago sayo?"
Tila ininpeksyon nito ang buong muka ko at naka hawak pa ito sa baba ko
"Anong ibig sabihin ng ngiting yan ha? Inlove ka ano?"
"Ssh ingay mo!"
" o edi totoo nga?! Kanino?"
"Pwede bang masaya lang kasi tumawag-" napatakip ako sa bibig ko naku lagot!
"Tumawag? Sinong tumawag sayo te?!" Bakas ang excitement sa muka nito.
"Wala" napa kamot nalang ako sa ulo ng madulas ako,tiyak tatadtarin ako nito ng panunukso.
"Akala ko ba kaybigan mo ko?!" Nagtatampong turan nito, Umupo ito na maayos at naka cross arm pa.
"Si Gareth lang tumawag, oh! Happy? wag kanang mag tampo ha?!"
"Sinasabi na nga may gusto yun sayo! Maniwala ka te!"
Natatawa ako sa turan nito.
"Kung ganun, ang bilis nyang mag move on ah?" Dumukot ito ng chichirya sa paper bag nitong dala.
Kaya yung saya na naramdaman kanina napalitan ito ng palaisipan. Tama nga si Heidi ang bilis naman nya makapag move on?
"Huy!"
"Ha?!" Inabot sakin nito ang isang nova "tulala ka diyan,? Wag mong isipin ying sinabi ko, malay mo nahulog yung tao sayo, kaya tumawa ka na diyan." Inabot ko ang nova dito.
Pag karaan ng ilang minuto, matapos naming kumain inantok ako kaya napag pasyahan kong umidlip na muna.
***
"Zaraine andito na tayo" tinapiktapik pa ang pisngi ko para agad magising.
Napatingin ako sa labas ng bintana, oo nga nasa baguio na kami! Pag lingon ko naka jacket na itong si Heidi, kaya agad ko binuksan ang bag para kunin ang Jacket na pinahiram sakin ni Manang Adel.
Pag baba namin ng bus makikita mo agad ang makapal na fags sa paligid, halos lahat ng taong dumadaan ay naka jacket.
"Hoooh! Ang lamig!" Nakasalikop pa ang dalawang palad nito at nanginginig ito sa ginaw.
Kahit makapal na itong jacket ramdam mo parin ang lamig,
Nandito na kami sa Betania retreat house, tahimik na lugar halos wala kang marinig na ingay.
"Listen!" Napatigil kami ng mag salita si sir lim, ang leader ng namin.
"Nabasa nyo na siguro ang patakaran dito dun sa bulletin, kaya guys be responsible."
Tumango tango lamang kami sa sinabi nito "at girls sa left side ang room nyo, boys sa right side naman kayo, ok go to your room at mamayang 6pm sa convention tayong lahat."
Nag kanya kanya na kami pasok sa kwartong tutulugan namin. Ng mailapag ko ang mga gamit ko sa napili kong kama biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at nakita kong may isang mensahe
-Please take care of your self, malamig panaman diyan ngayon.-
Napangiti ako ng basahin ang mensahe nito.
"Oi-oi! Kinikilig nanaman sya,"
Napa angat ako ng tingin ng mapansin ni heidi ang reaksyon ko.
"Hmm! Chismosa ka talaga!" In off ko na ang cellphone ko dahil pinagbabawal dito ang pag gamit.
**
"Heidi's Pov:
Hay salamat Author pinagbigyan mo akong mag salita ? akala ko wala akong speech of fredom dito Echos lang. Eto na nga
Simula ng maging kaybigan ko itong si Zaraine, bumalik agad ang gana ko sa pag-aaral,nakaka inspire kasi ito isang magandang halimbawa sa kabataan char! Pero umiibig na ata ang kaybigan ko lagi ko itong nahuhuli na ngumingiting mag isa kaya lang nakakapag taka ang bilis makapag move on yung Gareth na yun. Wag nya lang gawing panakip butas itong si Zaraine kundi ako ang makakalaban nya!
"Oi te tulog kana?" Katabi ko itong matutulog after namin maghapunan kanina dumeretso na kami dito sa kwarto napaka lamig kasi sa labas at bukas pa naman ang start ng activities namin.
"Hmmm! Nagpapa antok pa lang ako bakit?"
Naka takip pa ng kumot ang buong katawan nito.
"Hindi kasi ako makatulog" lintaya ko.
"Namamahay ka lang" sambit nito.
Pinikit ko nalang ang mga mata hangang sa nakamit ko din ang kapayapaan'.
"O sige lahat ng problema nyo o may gusto man kayong i hingi ng tawad, ilabas nyo dito sabihin nyo ang bawat hinaing nyo."
Nandito kami ngayon sa isang tahimik na bahay dasalan, naka upo kami sa sahig at naka paikot kaming lahat.
Tahimik naming pinapakingan si mother josefina,
"Close your eyes, at isipin nyo ang taong pag hihingian nyo ng tawad at ang taong papatawarin nyo, " naipikit ko na ang mga mata ko pero may naririnig akong sumisihot, maya maya pa ay nag sasalita sa tabi ko si mother josefina. "Ilabas mo yan iha king sino man iyan ibigay mo ang kapatawaran at humingi ka ng tawad"
Hindi na singhot ang naririnig ko kundi hikbi na kaya dinilat ko ang isang mata sa kanan, at tama nga ako si Zaraine umiiyak.
Isang araw lang ang retreat namin kaya ito last day namin dito at bukas babalik na kami sa Manila.
Sinulit namin ang huling araw kaya kung saan saan kami nakarating sa mga tourist spot dito sa baguio.