Gareth's pov:
Ilang minuto ko ng hinihintay si Zaraine dito sa loob ng sasakyan, pero wala pa rin siya. Nakahawak ako sa manibela at panaka nakang tinitingnan ang relos sa palapulsuhan. Mga babae talaga ang tagal kung mag ayos, Wala na kasi akong maisip na isasama sa party ni jonas kaya siya nalang ang naisip kong isama, pinatugtug ko nalang ang radyo ng parq di gaano mainip. Habang pinapakingan ko ang tugtog sinasabayan ko pa ito
"please play the music"
Oh, oh
When the visions around you
Bring tears to your eyes And all that surrounds you Are secrets and lies I'll be your strength I'll give you hope Keeping your faith when it's gone.""
Habang tumutugtog ang radyo, ay may isang babae na lumabas ng pinto na suot nito isang simpleng fitted white dress hangang itaas ng tuhod ang haba, tila nag slow motion ang paligid ng mag simula itong maglakad papunta sa kinaroroonan ko.
"The one you should call Was standing there all along
And I will take you in my arms And hold you right where you belong Til' the day my life is through This I promise you
This I promise you
I've loved you forever In lifetimes before And I promise you never Will you hurt anymore I give you my word I give you my heart This is a battle we've won And with this vow Forever has now begun"
Dahan-dahan kong binuksan ang wind sheild, at tinangal ang shades na nasa mata ko.
Simple lamang ang ayos nito pero kakaibang ganda ang makikita sa muka.
Just close your eyes (close your eyes)
each loving day (each loving day) And know this feeling won't go away (no) Til' the day my life is through This I promise you This I promise you Over and over I thought When…
" tara na?" Nakatitig lamang ako sa mga mata nito at bumaba sa mga labi ng mag salita ito.
"Gareth!" Tawag nito, kaya bumalik ako sa wisyo "ha?! A_ah tara!" Binuksan nito ang pinto ng sasakyan sa likod pero naka lock. "Lock yata?"
" ha?! Di_dito kana pala sa harap " ano ba to nabubulol na ako, lumabas ako at pinagbuksan ko ito ng pinto "wait! Ako na mag bubukas"
Pag bukas ko ng pinto dahan dahan itong pumasok, pag kasara ko agad akong umikot sa kabilang pinto ng kotse ko,
Tila kinakapos pa ako ng hininga pag kaupo ko, binuhay ko na ang makina, bago ko paandarin lumingon muna ako sa katabi ko na parang statwa lang deretcho lang ang tingin nito, tiningan ko ito at hindi pa naka seatbelt, kaya naisipan kong ako na ang magkakabit, dahan-dahan akong lumapit sa kinauupuan nito, dahilan ng pagpitlag nya ng maglapit ang mga muka namin ramdam ko ang hininga nito na pinigilan " ikakabit ko lang seatbelt mo" tumango tango lamang ito ng makabit ko, bumalik ako sa pag kakaupo " lets go ?" At pina andar na ang kotse.
"Nice bro! Buti at nakarating ka akala namin di ka pupunta!" Bating bungad sakin ni james, Pagkarating namin sa venue ng party hinanap ko agad ang mesa kung nasaan ang mga kaybigan ko, pero agad nila tinuon ang mga tingin sa kasamang babae na nasa likuran ko, " Zaraine?" Sabay-sabay nilang sambit. " oh guys sinama ko si zaraine total kilala nyo naman siya.
"Wow! Ikaw ba yan?" Pinaghila ito ng upan ni marco para paupuin, tingnan mo ito loko na to bigla-biglang nagiging gentle man. Tsk! Napailing nalang ako, humila na din ako ng upuan at umupo, nasa pagitan namin ni marco si zaraine, kaya itong marco panay kwento " oh ayan na ang birthday boy!" Turo ni james sa kadarating lang na si jonas, kaya sabay namin itong nilingon.
"Happy birthday bro!" Bati ko.
"Thank you! Bro!" Napatingin ito sa gawi ng dalawang nag uusap tila kinikilala ang kausap ni marco.
"Zaraine?" Tawag nito kaya napalingon si zaraine " hi. Nga pala happy birth day !"
" ow wow! Este salamat! Mabuti at sinama ka ng kaybigan kong ito," tinapik tapik pa ako sa balikat ni jonas. "mukang may kasayaw na ako mamaya" dagdag nito.
"Hoy! Di porket birthday mo eh papayag na ako na ikaw maging partner ni zaraine" singit ni marco tipid na ngumingiti ito sa dalawa kong kaybigan. samantalang itong si james ay patawa-tawa lang..
"Magtigil nga kayong dalawa matatakot si Zaraine sa inyo nyan eh"
Saway ni James sa kanila.tahimik lang ako at tinitingnan lamang ang basing hawak-hawak ko na may lamang alak.
"Biro lang naman" sambit ni marco iinumin ko na sana ang alak ng magsalita su jonas, " alam naman naming itong si Gareth ang nauna susulutin pa ba namin?" Muntik ko pa maibuga ang laman ng bibig ko, susulutin pinag sasabi nitong si jonas?
" oh relax, alak agad yang inuuna mo kumain ka kaya muna. " turan ni james.
" oh Zaraine kumain kana hayaan mo na yang si Gareth" dagdag nito, kaya nilingon ko ito, 'oo nga pala di ko pa ito inayang kumain' kaya inabot ko ang ulam at nilagyan ang plato nito. "Kumain kana"
"Ahem!" Nilingon ko itong si marco na kunwari inubo
"Ahm, ikaw kumain kana rin"
"Aray!" Sabay naming nilingon si James, napangiwi pa ito, "are you ok"
Tanong ni jonas,
"Bro dimo ba pinalinis itong venue? Ang daming langgam eh, nangangagat"
Napailing nalang ako sa kalokohan ng mga ito.
Maka lipas ang ilang sandali nasa gitna na ng Espasyo ng Venue ang tatlo kong magagaling na kaybigan sinasayaw na ang mga nahilang mga kababaihan, tanging kami nalang ni Zaraine ang naiwan sa mesa. Napakamot ako sa batok ng lingunin ko ito "Pasensya kana, di kita mayayang Sumayaw at hindi ako marunong eh"
"Ayos lang hindi rin naman ako marunong eh" sabay kaming natawa.
"Alam ko na! Tara! "
"Saan tayo?!" Takang tanong nito.
"Basta! Halika" tumayo ako at inabot ko ang palapulsuhan nito, kaya napatayo na ito sabay kaming lumabas ng venue at sumakay agad sa kotse. Bakas ang pag tataka nito sa muka.
" please wear your seatbelt" utos ko dito at binuhay ko na ang makina at pinatakbo na ito.
Ilang minuto lang ang naka lipas narating na namin ang bahay,
Nandito kami sa Bahay namin ni mommy, dahil nasa bahay nila tita kami nakatira ngayon wala ang mga kasambahay namin tanging guwardiya lamang ang nandito.
"Gareth kaninong bahay ito? "
"Samin"
"Bakit tayo nandito?"
"Hmm may ipapakita lan ako sayo, tara!" Lumabas na ako ng kotse at umikot ako para pag buksan ito.
" Sir Gareth mahandang gabi po!" Bati sakin ng guwardya namin
"Kamusta kayo dito?"
"Maayos naman po."
"Sige may titingnan lang kami sa itaas" hindi na kami pumasok sa loob at tinungo na namin ang amg daan patungo sa rooftop, nasa dalawang palapag lamang ang bahay namin, nauna akong umakyat sa hagdan at naka sunod lamang ito sakin. "dahan-dahan ah medyo matarik itong hagdan "
Ng makarating kami sa itaas, hinanap ko kaagad gitara ko sa kwarto na pinagawa ko noon dito ko nilalagay mga importanteng gamit ko.
Napatingin ito sa hawak-hawak kong gitara,
"marunong kang tumugtog?" Tanong nito
"Medyo, halika" hinila ko ito papunta sa Sunbathing bed "upo ka," inilapag ko ang gitara dito at pumunta ako sa gilid at tiningala ang malaking punong kahoy. Pero mukang wala pang lumilitaw na alitaptap kaya bumalik ako sa kinauupuan ni zaraine at tinabihan ko ito. "Dito ako madalas noon tumatambay favorite spot ko ito lalo na pag gabi, teka panoorin mo ito" kinuha ko ang gitara at tinugtog ito " tingnan mo yang malaking puno ."
" bakit may kapre bang lalabas?!"
Natawa ako sa reaction nito
"Basta, " sinimulan ko na ang pag gigitara ilang segundo pa lang kumikinang na ang mga alitaptap "wow ang ganda!" Tumayo ito at naglakad papunta sa dulo kung saan malapit ang puno kata sinundan ko ito habang tumutugtog , lumingon ito sakin at tuwang tuwa " parami sila ng parami! Ang galing parang Magic! "
Natingala parin ito at guhit sa mga labi ang ngiti nito. " nagustuhan mo ba? " dahan-dahan itong tumingin sakin at tumango, "sobra ! Ang ganda"
Nag niningning ang mga mata nito habang nag sasalita. "Pano ba yan mukang matagal ulit kita madadala dito, matagal akong mawawala"
Tinungko ko ang dalawang kamay sa bakod at dinungaw ang ibaba
" ayos lang naman sakin, pero saan ka ba pupunta?"
"Sa Macau, dun kami mag OJT"
Tumango tango lamang ito sa sinabi ko " ang layo naman pala"
"Mas ok kasi dun ang training, tsaka andyan ka naman para mabantayan si Mommy diba?"
"Oo naman,! Akong bahala kay ma'am Marietta!"guhit sa mga labi nito ang matamis na ngiti, Sa twing ngingiti ito diko maipaliwanag ang nararamdaman ko, halos isang dangkal lang ang pagitan namin ng harapin ko ito, unti-unting nawawala ang ang mga ngiti nito sa labi ng maglapit ang mga muka namin, kitang kita ko ang pag lunok ng laway nito, hindi ko alam pero parang may sariling utak ang mga labi ko kung kaya't hinalikan ko ito,pinikit nito ang mga mata at hinahayaan ang mga labi ko na halikan sya.
Bumalik ako sa katinuan ng mapagtanto na mali ang ginagawa ko. Tinitigan ko ito sa mga mata ngunit nanatili itong naka yuko.
"Zaraine! I_ _ i think I like you!" Iniwas nito ang mga tingin at tumanaw sa malayo, "alam ko ang priority mo kaya mag hihintay ako sa sagot mo"
Humarap ito at tumingin sa mga mata ko, "Gareth wag muna natin pag usapan ang tungkol diyan, uwi na muna tayo" humakbang ito at nilagpasan ako, bumuntong hininga muna ako bago sumunod pababa.
***
Zaraine's Pov:
Nabigla ako sa biglang pag halik nito, lalo akong nalilito sa nararamdaman, kung noon ay parang daga lang ang ang nasa dibdib ko, ngayon parang may mga kabayong nag kakarera,
Nauna akong bumaba mula sa roof top at tinungo ang kotse nya,
maya- maya pa ay sumunod ito,
Pina andar na nito ang kotse at pinatakbo, tahimik namin binabay bay ang daan pauwi.
Mabilis namin narating ang bahay, hangang sa pag dating ng bahay hindi ko ito magawang kausapin, tahihimik kong binuksan ang pinto ng sasakyan at tuluyan ng lumabas, ni hindi ko na ito nilingon pa.
Binilisan ko ang pag hakbang papasok sa loob ng Quarters, pag pihit ko agad akong pumasok at sinara ito, napasadal ako sa pinto at humahangos, taas baba ang dib-dib ko na para bang kinakapos ako ng hininga. "Zara?" Napitlag ako ng tawagin ni manang, "manang! Bakit gising pa po kayo?"
"Naihi kasi ako, o ikaw, anong oras na matulog kana" tumango lamang ako at pumasok na sa kwarto, humiga agad ako ni hindi ko ma magawang mag palit ng damit! Ayoko munang isipin ang nangyari kanina, kaya pinilit ko ng matulog.
**
"Zara? Zara!" Pukaw sakin ni manang Adel
"Hmm!"
"Naku bumangon kana alas otso na!"
Biglang nagising ang diwa ko sa sinabi ni manang
"Ho?!" Naidilat ko pa ng malaki ang mga mata ko.
" bumangon kana diyan at mag almusal kana bago mo puntahan si Madam Marrieta" lumabas na ito ng pinto, natampal ko nalang ang noo ko "naman Zaraine" bumangon na ako at gumayak .
Matapos ko magawa ang morning routine,
Pupunntahan ko na si ma'am Marietta, napatingin ako sa kabuuan ng bahay bago tumuloy sa loob nito, napaka tahimik lalo na ngayon wala sila sir at senyora, pumunta daw ng America. aakyat na sana ako sa itaas kung nasaan ang kwarto nito ng mapansin kong may naka upo sa may balkonahe kaya nilapitan ko ito, "Magandang umaga po Ma'am marieta" nilingon ako nito
" ikaw pala, hali ka nga alalayan mo ako, puntahan natin ang patio dun sa may hardin mukang masarap lumanghap ng hangin dun"
Dahan-dahan ko itong inalalayan, mukang mas malakas na ito ngayon, malaki ang pinagbago nya mula ng lumabas ng hospital.
"Alam mo, gusto ko na ngang umuwi sa bahay namin kaya lang sabi ni Gareth dito daw muna ako tsaka nalanh daw pag uwi nya." Nilibot ko ang mga mata ko " naka alis na po ba sya?"
bago ko pa ito nilingon nakatingin na ito sa akin. Kaya agad kong iniwas ang mga mata, "yes maaga siyang umalis, ilang buwan din yung mawawala" may pag tatakang sagot nito sakin. Tumango tango lamang ako na parang wala lang.
Tila may lungkot akong naramdaman na hindi ko maintindihan,
Nagulat ako ng biglang hawakan nito ang mga kamay ko. "Babalik din yun"
Nakataas pa ang kilay nito ng sabihin nya ito, kaya napa yuko ako bigla akong tinubuan ng hiya.