chapter8

1828 Words
Zaraine's pov: Naka labas na ng hospital si ma'am Marietta at dito na nga inuwi sa mansyon, pansamantalang dito muna sila titira ni Gareth. "Zara iwan mo muna yang mga hinuhugasan mong pinggan at iakyat mo muna itong miryenda ni madam Marietta." Utos sakin ni manang Adel. "Sige po manang" iksing tugon ko, kukunin ko na sana ang tray ng magsalita ulit si manang kaya nilingon ko ito. "Siya nga pala, ikaw muna ang mag go grocery mamaya ha, marami akong gagawin kaya ikaw na muna," tumango lang ako at tinalikuran ko na ito dala-dala ang tray patungo sa kwarto ni ma'am Marietta, nasa ikalawang palapag ito kaya dahan-dahan akong humakbang paakyat ng hagdan. Nang marating ko ang pinto akmang kakatukin ko ito ng biglang bumukas! "Ay butete!" Lumaki ang mga mata ko ng biglang labas ni Gareth kaya napahawak ako ng mahigpit sa tray na muntik ng matapon ang laman, kaya agad ako nitong inalalayan nakahawak ang kanang kamay nito sa likod ko at ang isa naman sa kaliwang siko ko "Im sorry!" Hinging paumanhin nito, napatingin ito sa dala-dala kong tray, kaya inababot nya ito sakin. "Miryenda para sa mommy mo" "Salamat, Sige ako na ang bahala magpakian kay mommy," tumango lamang ako. "Sige bababa na ako" Tumalikod na ako at nagmamadali kong tinahak ang hagdan pababa, Pagdating ko sa kusina tila magnet na dumikit sa balat ko ang pagkakahawak ni gareth na hangang ngayon ramdam ko parin ang init ng mga palad nya. "Zara" napitlag ako ng tawagin ni manang. "Oh bakit parang gulat ka diyan?" "Ho? Ah__ wala po!" Utal na sagot ko kaya bumalik ako sa lababo para hugasan sana ang mga naiwanh pingan pero wala na ito, " eto yung listahan ng mga bibilhin mo" humarap ako Kay manang para iabot yung listahan," sasamahan ka daw ni sir Gareth, may bibilhin di ata siya" dugtong nito, bakit ganito yung pakiramdam ko, parang may tambol sa dibdib ko si Gareth lang naman yun?! "ho? Sasama siya sakin?" " oo bakit? May problema ba?" "Wala naman po, sige po mag papalit lang ako ng damit." Tumango lang ito at tumalikod na ako papuntang Quarters. Matapos kong makapamalit ng damit lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang kusina kung nasaan si manang. Habang nag lalakad , tinatalian ko ang mahabang buhok ko,ng makapasok ako sa loob ng kusina napansin ko na bukas ang dalawang butones ng blusa ko kaya agad ko itong kinabit "manang yung pera para sa mga bibilhin po kukunin ko sana?" Pero patuloy parin ako sa pag bubutones " ba naman tong damit na to pagka liit ng butas! Ayan pumasok din!" Pangiti ngiti pa ako ng maikabit ko ito, pero pag angat ng muka ko,para akong nakakita ng multo, kaya napayakap ako sa sarili. "Gareth kanina ka pa ba diyan?" "Sakto lang, eto nga pala ang pera pinapabigay ni Manang" Inabot ko ito mula sa kanya. "Mabuti at naipasok mo ang butones?" Napatingin ito sa parte ng dibdib ko. Kaya bigla akong tumalikod dito " tara na baka matraffic tayo" nauna akong lumabas dahil ramdam ko na ang pag init ng muka ko, Ramdam ko na sumusunod ito sakin kaya mas binilisan ko pa "zaraine!" Napahinto ako ng tawagin ako nito, "Nasa labas na si mang caloy dun na tayo sasakay" napalunok ako ng laway kasi ba naman tinungo ko ang garahe kung nasaan ang kotse nya argh! Pahiya ka dai! "Ah ganun ba?" Yun lang naisagot ko at tinungo na ang labas ng gate. Pag kaupo ko sa likodan ng driver agad na pumasok si gareth at sa akin ito tumabi. Kaya eto nanaman ako parang kakapusin na ng hininga. Tahimik naming binabaybay ang daan patungo sa pamilihan,maliban sa sipol ni mang caloy na bukod tanging maririnig sa loob ng sasakyan. Deretcho lang ang tingin ko, panakanakang nililingon ko ito na nakatingin lamang sa labas ng bintana. "Ah zaraine" bigla akong napalingon kay manong ng tawagin ako "saan ba tayo mauunang pupunta?" Bago ko pa lingunin uli si Gareth pero nakatingin na pala ito sakin. "Ahm, sa grocery po muna tayo" binalik ko ang tingin kay manong. Pag kapark ni manong caloy ng sasakyan agad akong bumaba at tinungo ang entrance ng mall kung saan kami mamimili. Nang makapasok ako binaybay ko ang daan patungo sa super market at kumuha ng cart, " ako na ang magtutulak" wala na akong nagawa agad nitong kinuha ang cart, akala ko sa loob lang ng sasakyan ito mag hihintay. " bat ba ang bilis mong maglakad?" Hawak-hawak nito ang isang garapon ng chocolate tila binabasa ang naka sulat "ha? A_akala ko kasi di ka sasama dito sa loob." "Kaya nga ako sumama diba? Para samahan ka, tulungan ka,?" Tipid ko itong nginitian, Nakasunod ito sakin, habang binabasa ko ang mga naka sulat sa listahan. " owh sweetie Gareth is that you? " napalingon ako ng marinig ang boses na pamilyar. "Oh! And you b*tch! Magkasama kayo?!" Kumunot ang noo nito at salubong ang mga kilay. "Andy pls stop" pinanlakihan ito ng mata ni Gareth sabay tinalikuran ito, "lets go Zaraine!" "Oh come on Gareth! Wag mong sabihin ganyang babae ang taste mo?" Nagtawanan ang mga kasama nito, kaya napahinto si Gareth at hinarap ang mga ito. "So what kung kagaya ni Zaraine ang tipo ko?" Natahimik ang mga ito tila umuusok ang ilong nito sa sinabi ni Gareth, nag walkout ito at sinundan ng mga alipores nya. "That b***h!" Bulong nito, tumingin ito sakin at lumapit. " tapos ka naba diyan?" "A_ah oo sa kabila na muna tayo, binilisan ko ang pag kuha ng mga kaylangan, ng matapos binayaran na namin lahat ng pinamili. *** Matapos namin maisakay ang mga pinamili sa sasakyan, napag pasyahan na naming umuwi na. "Zaraine bukas ba maaga kang papasok?" Oo nga pala may pasok na bukas muntik ko pang makalimutan. "Oo eh maaga ang klase ko" tumango-tango lang ito, maya-maya pa ay tumunog ang cellphone nito, "Hello?" Tumahimik ito tila pinapakinggan ang kabilang linya. "Yeah sure! On the way na kami" Napangiwi ako sa biglang pag tawa nito na nakakabingi, kaya napalingon ako sa kanya na patuloy parin sa pakikipag kuwento sa cellphone nya, napatitig ako sa mga labi niya tila nahihipnotismo sa mga ngiti nito, bawat galaw ng adams apple ay para bang nang aakit ito. Napalingon ito sa akin kaya bigla ko binaling ang tingin sa labas ng bintana. "Ok bro, see you!" Pakiramdam ko nakaitingin parin ito sa akin, "zaraine?" Dahan dahan kong nilingon ito "bakit?" Iksing tugon ko, tumitig muna ito sa mga mata ko bago binuka ang bibig, "ah! ayain sana kita sa susunod na sabado sa birthday ni jonas" "Ha, ba_baka hindi ako payagan ni senyora" "Dont worry ako ang bahala, ipapa alam kita kay tita" pataas taas pa ito ng kilay kaya natawa na lang ako sa reaction nito. "Sige!" Pag sasang ayon ko. "Wala ng bawian ha!" Sabay kaming natawa para kasi itong bata may pa lock finger pa kasi itong nalalaman "oo na walang bawian" natigil kami ng Biglang huminto ang sasakyan, di namin namalayan nakapasok na pala ito sa loob ng garahe ng bahay. "Dito na po tayo sir gareth, zaraine" nakatingin pa ito samin na magka lock finger, kaya agad ko hinila ang kamay ko. " a_ah sige," dali dali akong lumabas ng at kinuha na ang mga pinamili sa likod ng sasakyan. *** "Zaraine!" Napitlag ako ng bigla akong yakapin ni heidi "jusko heidi akala mo isang taon tayong hindi nag kita isang lingo lang po?!" Bumitaw na ito sa pag kakayakap "eh sa na mis kita bruha!" Inirapan lang ako nito "tara na nga!" Hinila ko na ito patungo sa silid aralan, "Gareth's Pov: "Bro!" Napitlag ako ng tapikin ako sa balikat ni james, "kanina pa kita tinatanong kung kamusta na si tita?" Dagdag nito. "Ha_? Ah medyo maayos na si mommy" tatlong pares ang naka titig sakin na para bang may gustong alamin. "Ok lang ba Gareth?" Tanong ni Marco, "yeah!" Iksing tugon ko, "kanina ka pa kasi parang wala sa sarili" sabat ni jonas "Kung may problema ka pwede mong i share samin" sabat ni james. "Wala maman akong problema, may iniisip lang" napahilot nalang ako sa sintido kagabi pa itong di mawaglit sa isip ko, Flash back: "Ma'am susubuan ko na po kayo ah" Lumabas ako mula sa banyo ng kwarto ni mommy, nadatnan kong sinusuban ni Zaraine ito ng pagkain pinapanood ko lang sila para bang di nila ako napapansin dahil busy ang mga ito sa pag uusap. "Napaka bait mong bata ka, napa ka swerte ng magulang mo dahil mabait na masipag pa" "Ma'am nakalimutan nyo po isali ang Maganda, dapat po Mabait, Masipag at Maganda!" Sabay silang nagtawanan na kay sarap pagmasdam nakikita Kong tumatawa si mommy. "Pilya ka ding bata ka" "Biro lang po" Humakbang ako palapit sakanila kaya napansin ako ni mommy, "Son! Come join us" tinapik nito ang kabilang side ng kama, kaya lumapit ako at umupo. Pinasadahan ko muna ng tingin na may ngiti sa labi si Zaraine, bago tumingin kay mommy. "Kamusta kana Anak?" Hawak hawak nito ang mga kamay ko at pinisil pisil. "I'm fine mom" " malapit ka nang makapag tapos, sana pagtapos kana sa pag aaral bigyan mo agad ako ng Apo ha," "Apo agad? Wala pa nga po akong Girlfriend" "Ah basta pag nag asawa ka gusto ko yung Mabait, Masipag at" pinutol nito saglit ang sasabihin at nilingon si Zaraine " at Maganda" "Kung yan po ang gusto nyo, hahanapin ko na po siya" abot tenga ang ngiti nito sa sinabi ko. "You don't need to find her, nandiyan lang sya" habang nag sasalita ito ay pasulyap-sulyap sa kinaroroonan ni Zaraine. " ahm! Lalabas na po ako, dadalhin ko na rin itong mga plato" niligpit na nito ang mga pinagkainan ni mommy, "Thank you Zaraine" "Walang anuman po" tumalikod na ito at lumabas na ng pinto. "Son Maganda naman si Zaraine diba?" "Uhm!" Tumango lang ako, nabigla naman ako sa tanong ni mommy, humakbang ako papunta sa harap ng salamin "I want her" mahinang pagkakabigkas nito. Napatigil ako sa pag hand brush ng buhok at hinarap ito " son sana katulad ni Zaraine ang mapapangasawa mo" -End of flash back- " oh ayan nanaman tulala ka! Gising na ayan na si prof!" Niyuyug yog pa ako nitong si Marco. " kamusta naman kayo?" Tumahimik kami ng mag salita si prof. " nakapag handa na ba kayo sa darating na OJT niyo?" It took two to four months, kaya derecho bakasyon na kayo!" Oo nga pala nawala pa sa isip ko sa susunod na lingo na pala yun, Nagpatuloy sa pag sasalita ang prof namin hangang sa matapos ang klase, "So pano ba yan kayong tatlo nalang ang magkakasama sa Macau bakit ba kasi ayaw nyo samin may vacant pa naman" lintaya ni Marco palibhasa kasi may sariling kompanya. " eh sa gusto namin Abroad bro! Baka kasi nandoon ang destiny namin" halos mapunit ang ang bibig nitong si jonas sa pag tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD