GEORGE'S POV
IBINULAGTA...ni George ang pagod niyang katawan sa kama.
"Finally..." aniya habang nakatitig sa kisame.
Buong araw na walang hinto sa dance rehearsals, fan meeting, press conference at kung ano ano pang personal na lakad ang naganap sa buong araw na sinamahan niya ang bipolar niyang alaga.
Hindi naman siya sumayaw o ngumiti at humarap sa napakaraming tao ng buong araw pero parang mas napagod pa siya kaysa kay Stell.
Maliban sa saglit na paglamlam ng mga mata nito kapag may nagtatanong tungkol sa kalusugan nito, ay wala siyang narinig na reklamo o kahit na katiting na bahid ng pagod dito.
Biglang tumunog ang tiyan niya. Oo nga pala, hindi pa siya naghahapunan. Sa sobrang pagod niya kasi ay hindi na siya nakaramdam ng gutom kanina nang yayain siya ng mga staff na kumain. Ngayon tuloy gutom siya.
Pumalatak siya atsaka tumagilid at pumikit. Inisip niyang itulog na lang ang gutom dahil talagang pagod na siya.
Kainis naman eh! Katamad nang bumangon o! Reklamo niya sa sariling isip.
Pero muling tumunog ang tiyan niya, kaya nayayamot na bumangon siya.
"Kainis talaga! Kung kelan naman patulog ka na eh!" aniya habang padabog na nagsusuot ng tsinelas.
Kinuha niya ang cellphone tsaka lumabas ng kwarto, at dire-diretsong nagtungo sa kusina.
Gaya noong lumabas siya ng kwarto ng des oras ng gabi n'ong unang gabi niya rito, wala na ulit tao sa paligid. Tiyak na pagod din ang buong staff na kasama nila kanina.
Pagdating niya sa kusina ay agad siyang nagbukas ng storage para maghanap ng pupwede niyang makain.
Instant noodles! Perfect! Aniya sa isip sabay kuha ng dalawang pakete ng noodles. Kasama sa kontrata niya ang free food and accomodation kaya pwede siyang kumuha, magluto o mag-order ng kahit na anong gusto niya.
Mabilis na ihinanda niya ang mga kakailanganin sa pagluluto ng pancit canton.
Habang hinihintay niyang kumulo ang tubig ay biglang nag-vibrate ang cellphone niyang ipinatong niya lang sa kitchen counter.
Mai Calling....
"P'oblema na naman ng babaitang 'to," bulong niya bago pinindot ang answer button.
"Aaaahhhhh!!!!"
Mabilis na inilayo niya ang cellphone sa tenga at napapikit sa sobrang lakas ng sigaw ng nasa kabilang linya.
"Marietta! Utang na loob ah! Hating gabi na! Maka-ano ka d'yan!" pagalit niya rito.
"Bakla ka!!! Hindi mo man lang nai-chika na si Stell Ajero pala ang mysterious VVIP 'alaga' mo!!!" pasigaw pa rin nitong sabi.
Napamulagat siya. Saan na naman kaya nasagap ng lukaret na 'to ang chismis na 'yon!
"Pst! Marietta! 'Yong bibig mo!!! Ipapahamak mo pa ako!" mariin ngunit pabulong niyang sita dito.
"Ay sorry, sorry. Don't worry nasa kwarto ko naman ako at wala akong kasama sa bahay kaya safe na safe ang secret mo, bakla kaaaaa!!!" tugon nito tsaka muling isinigaw ang huling salita.
Napapikit ulit siya at bahagyang nilayo ulit ang cellphone niya.
Kailan na titigil ang OA na 'to? aniya sa sarili.
Hinayaan niya munang lumipas ang ilang segundo, para siguradong tapos nang magtitili ang kaibigan niya, bago niya ulit itinapat ang aparato sa tenga niya.
"Hello? Georgina?" tawag nito sa kanya.
"O? Tapos ka na?" tanong niya naman.
"Tumile oo! Pero sa chimis hindi pa! Kwento ka dali! Paano nangyaring si Stell pala ang mystery VVIP alaga mo? Nagkita na ba kayo ni Pablo mo? Anong ganap? Kwentoooo!!!" tuloy-tuloy nitong tanong.
Kumulo na ang tubig na kanina pa niya hinihintay kaya minabuti niyang ilagay on speaker mode ang kausap. Tutal ay siya lang naman ang tao sa kusina.
"La-loud speaker kita Mai, lutuin ko lang 'tong pancit canton ko, at kanina pa nagrarambulan ang mga bituka ko," aniya rito sabay inilapag ang cellphone sa counter, at itinuloy ang pagluluto.
"Ay, ano 'yan? Ngayon ka lang kakain?"
"Oo, sobrang busy kanina e, daming ginawa," kaswal niyang sagot.
"Busy? Busy saan?"
"Confidential! Wag ka ngang matanong!"
"Damot naman neto! 'Onting spoiler lang eh!"
"'Yang 'onting spoiler na 'yan ang magpapahamak sa'kin. Baka mawalan pa ako ng trabaho," giit niya.
Narinig niya ang pagpalatak nito. Kahit hindi niya ito nakikita ay na-i-imagine niya ang reaksyon nito ngayon.
Tahimik na natawa siya.
"Hmft! KJ. If I know, tuwang tuwa ka lang sa kakatitig kay Pablo mo d'yan! Harot!"
Medyo napalakas ulit ang boses ng kaibigan niya kaya agad niyang hininaan ang volume ng phone niya.
"Sshh! Alam mo ikaw...pasalamat ka wala ako d'yan, kung di me tampal ka sa bibig," panenermon niya rito habang patuloy sa paghahanda ng pagkain niya.
"Tsaka alam mo, yes, bias ko si Pablo. That's because of his talent, his songs and character. Pero nandito ako for Stell, and for Stell only, okay?" dagdag niya pa habang ihinahahalo ang seasonings sa noodles.
"Holo! Holo! Holo! Salawahan yarnnn??? May Pablo na, may Stell pa?"
Hindi niya alam kung bakit bigla niyang naalala ang mukha ng alaga niyang bipolar sa sinabing iyon ni Mai.
Napangiti siya.
Mabuti na lang talaga at hindi siya nito nakikita dahil kung hindi ay siguradong aasarin na naman siya nito!
"Bakit, masama bang i-appreciate ko din si Stell?" mahina at medyo nahihiya niyang tugon.
Bigla siyang naramdam ng parang may mga paru-parong lumilipad sa tiyan niya. Lalo na nang maalala niya kung paano ngumiti ang binata sa mga tagahanga nito.
"Hindi naman masama. Parang weird lang, kasi dati puro Pablo ang bukambibig mo. Ayaw mo magjowa pag hindi kamukha, kaugali, kasing-talented...in short, pag hindi si Pablo, ayaw mo," sabi naman ng kaibigan.
Napangiti ulit siya atsaka nagsimulang sumubo ng niluto niyang pancit canton. Totoo kasi ang sinabing iyin ni Mai.
"Ilang beses kaya kitang kumbinsi na tingnan mo rin si Stell, kasi kung kagwapuhan at talent lang naman, hindi din naman papahuli ang bias ko 'no! Pero anong sabi mo? E di sa'yo na si Stell, basta akin si Pablo! Ta's ngayon...masama bang i-appreciate ko si Stell na ang linya mo? End of the world na ba???"
Hindi maalis-alis ang ngiti niya habang patuloy na kumakain at nakikinig sa mga kuda ng lukaret niyang kaibigan.
"E hindi ko naman kasi sila kilala behind the camera noon. Syempre, kung ano lang 'yong napapanood natin, 'yon lang 'yong limit ng pagkakakilala ko sa kanila," sagot niya rito.
Saglit siyang napahinto at bahagyang natulala, nang maalala niya na naman ang mga nangyari nitong buong araw.
"There's more to them pala than just being Kings of P-Pop. Tao din sila, napapagod, nalulungkot, nagagalit...nagkakasakit..." dagdag niya pa na hindi naitago ang lungkot sa boses.
Napabuntong hininga siya.
"Alam mo, Mai? Madaling araw pa lang nasa daan na kami kanina. Tulog pa ang diwa ko, pero si Stell super ngiti at bati na agad sa mga staff d'on sa venue. Maghapon ko siyang sinamahan kung saan siya nand'on, pero never ko siya nakitang sumimangot o
maringgang magsabi na pagod na siya," kwento niya.
She leaned forward to the table at pinangalong baba ang dalawang palad habang binabalikan niya ang mga nangyari kanina para ikwento iyon sa kaibigan.
"Tapos sa rehearsals, even when he was teaching their back up dancers, sobrang patient niya. Kapag hindi nakukuha, uulitin niya lang. Kahit ilang ulit, walang problema sa kaniya. Siya pa nga 'yong nag-aalala na baka napapagod 'yong dancers sa kakaulit niya. Ta's di ko talaga siya nakitang magreklamo na pagod na siya sa harap ng mga tao. Dumating na nga sa point na ako na 'yong kinabahan? Parang gusto ko nang sumingit, ta's ako na 'yong magsasabi na 'tama na po, bawal po sa inyo ang sobrang stress, remember?' Kaso syempre quite lang ako, baka naman sabihin sino ba naman ako para mangealam di ba?" mahaba niyang pagpapatuloy sa kwento.
"Chaaarr!!! Girlfriend ang peg auntie?" kinikilig na kantiyaw nito matapos makinig sa mahaba niyang pagsasalaysay.
"Nurse. Nurse lang ang peg ko dito. Wag kang ano d'yan," kontra niya kahit na deep inside ay may nararamdaman siyang kiliti.
"Alu-lu-lu-lu! Hooyy! Georgina Mariñas kilala kita! Kahit hindi kita nakikita, alam kong kinikilig kang maharot ka!"
Natawa naman siya sa komento ng kaibigan.
"Kainis 'to! Hoy! May pila kay Stell! Nauna ako! D'on ka sa dulo!" dagdag pa nito.
"Sinabi ko bang pipila ako?" patol niya naman sa kalokohan nito.
"Ahh hindi ba? Dinescribe mo na si Stell kung paano mo dine-describe si Pablo noon eh. Na-iimagine ko kanina may mga stars ka na d'yan sa mata mo habang nagkukwento ka. Kaya wag kang mag-explain, pumila ka!"
Natawa ulit siya.
"O siya sige na, kainin mo na 'yang pancit canton mo bago pa ako maalibadbaran sa'yo! I-kiss mo na lang ako kay Bebu Stell bukas!" maya maya ay sabi nito.
"Ano'ng i-kiss? Dami-dami mong picture ni Stell d'yan sa kwarto mo, ba't di mo siya i-kiss d'yan? Uutusan pa ako neto," patuloy niyang pagpatol sa mga biro ng kaibigan.
"Ewan ko sa'yo! Bab--"
"Uy! Mai..." agad niyang singit bago ito tuluyang mawala sa linya.
"Oo na! Alam ko naman ang ibig sabihin ng confidentiality at nondisclosure agreement 'no!" Sabi agad nito bago pa man siya makapagsimula ng 'keep it a secret' spill niya.
Napangiti na lang siya.
"Thank you, Mai! Ingat ka,"
Nagpaalam na rin ito bago ibinaba ang linya.
Pinagtuunan na niya ng pansin ang lumalamig nang pancit canton at nilantakan na 'yon.
STELL'S POV
PAPASOK...sana siya ng kusina para kumuha ng maiinom, nang may maulinigan siyang nag-uusap sa loob niyon.
"'Yang konting spoiler na 'yan ang magpapahamak sa'kin. Baka mawala pa ako ng trabaho,"
Napahinto siya sa may gawing pintuan ng kusina. The voice sounds familiar.
"Hmft! KJ. If I know, tuwang tuwa ka lang sa kakatitig kay Pablo mo d'yan! Harot!"
Narinig niyang sabi ng isa pang boses na mukhang nanggagaling sa nakaloud speaker na phone.
Medyo napukaw ang curiosity niya nang marinig ang pangalan ni Pablo kaya napasilip siya para tingnan kung sino ang nasa loob.
And he was right! It was Georgina's voice.
Nakita niyang nagluluto ito ng pancit canton habang may kausap sa telepono.
"Nandito ako para kay Stell, and for Stell only, okay?"
That familiar feeling in his chest resurfaced.
Bigla ring bumilis ang t***k ng puso niya sa sinabi ni Georgina.
He saw her smiled. And for some weird reason, that smile melts his heart.
Muli siyang nagtago sa likod ng diding. Humalukipkip siya't sumandal doon habang naka-krus din ang mga binti.
He knows it's ungentlemanly to eavesdrop, more over, sa usapan ng mga babae, but he just cannot help it. He needs to hear it.
Habang ikinukwento nito sa kausap ang mga naganap buong araw, he cannot help but reminisce it himself.
Masyado siya naka-focus sa trabaho kanina kaya hindi na niya napansin ang ibang maliliit na bagay, gaya ng pagtitig at pag-oobserba ni Georgina sa bawat galaw niya.
Yes, he can confidently say na nakatuon sa kanya ang atensyon nito dahil maging ang pinakamaliit na detalye ng emosyon niya ay napansin nito.
"Alu-lu-lu-luh! Hoy! Georgina Mariñas! Kilala kita! Kahit hindi kita nakikita, alam kong kinikilig ka d'yan ngayon!"
Narinig niyang panunukso ng kausap nito.
Curiosity made him peep once again. At gaya nga ng sinabi ng kausap ng dalaga, she is smiling from ear to ear. And even from where he was standing, kita niya ang pamumula ng mukha nito.
Napangiti din tuloy siya at lalong bumilis ang t***k ng puso niya.
Bumalik siya pagkakasandal sa dingding. Para siyang may saltik na hindi mapuknat puknat ang ngiti sa mga labi.
Nagpasya siyang bumalik na lang sa kwarto niya and savor his own little moment of happiness.