KULANG... na lang ay kumandirit pa si George habang naglalakad papunta sa kwarto ni Stell. Bago kasi siya matulog kagabi ay nakatanggap siya ng text mula rito at sinabi nitong alas nueve na ng umaga siya magreport sa trabaho dahil wala naman itong lakad ngayong araw. Sobrang saya niya dahil hindi niya kailangang bumangon ng maaga gaya kahapon.
She took her time preparing for her day. She even got the chance to put on a light make up bago siya tuluyang lumabas ng kwarto niya.
Medyo natigilan siya nang makita sina Justin, Ken at Josh na nakatayo sa labas ng kwarto ng alaga niya. Mukhang seryoso ang mga mukha nito kaya medyo nakaramdam siya ng kaunting kaba.
Pero nang mapansin siya ni Justin ay awtomatiko namang nginitian siya nito't galak na kinawayan pa.
"Hi Miss Georgina! Blooming ka ngayon!" masiglang bati ng bunso sa lima.
"H-Hi Sir, George na lang po, kayo naman. Thank you," wala sa loob niyang sagot dahil kabado pa din siya na makita ang mga ito na parang may hinihintay sa labas ng kwarto ng kaibigan ng mga ito.
Binalingan niya ang dalawa pang lalaki, na seryoso pa din ang mukha.
Isang bahagyang ngiti lang ang binigay ni Josh, samantalang as expected, wala siyang nakuhang reaksyon kay Ken. Unti unti na lang din siyang nasasanay sa personality nito. At least hindi na siya nito binabara gaya ng dati...hindi pa ulit.
"A-Anong meron? Ba't kayo nandito sa labas?" hindi niya mapigilang itanong.
Sasagot pa lang sana si Justin ng bigla silang may marinig na malakas na tunog ng pagkabasag galing sa loob ng kwarto ni Stell.
Sabay-sabay silang gulat na napalingon sa pinanggalingan ng ingay.
"SINABI NG AYOKO!!!"
Boses iyon ng alaga niya!
Hala! Aniya sa isip at agad.
Kung ano ano agad ang eksenang tumakbo sa isip niya. Kaya mabilis na tumakbo papunta sa kwarto nito. Ni hindi niya na naisip na kumatok. Basta dire-diretso na lang niyang binuksan ang pinto at pumasok.
"Sir Stell?!" she called him in panic habang mabilis na hinahanap ang gwapo nitong mukha.
Sabay-sabay na napatingin sa kanya ang apat na pares ng matang nandoon sa loob.
Nakita niya itong nakatayo sa tapat mismo ng basag na vase. Napamulagat siya.
Without hesitation, she rushed to him to see if he is okay.
"Okay ka lang? Anong nangyari? Nasaktan ka ba?" sunod-sunod niyang tanong habang mabilis na iniinspection ang kabuan nito kung may sugat ba ito o ano.
Hindi naman ito sumagot pero nakita niya ang paglukot ng mukha nito at halatang may iniindang sakit.
She got worried.
"May masakit sa'yo?" tanong niya ulit.
Tumango lang ito bilang sagot. Lalong nalukot ang mukha nito at napapikit pa, marahil sa matinding sakit na nararamdaman nito.
Nagmamadali niyang tinungo ang shelf kung saan nakatago ang mga gamot nito.
She took out his throat numbing spray dahil siguradong nanakit ang lalamunan nito sa pagsigaw na naman nito kanina.
"Ah," aniya na ang ibig sabihin ay ibuka ang bibig nito.
He willingly did so.
She quickly gave him two puffs and waited for a few seconds para umipekto ang gamot.
Nanatili itong nakapikit pero kahit paano ay unti-unti nang kumalma ang mukha nito. Doon niya napakawalan ang hiningang hindi niya alam na kanina pa pala niya pinipigil.
Nang sa wakas ay magdilat ito ay nagtama ang mga mata nila. He looked at her as if he was trying to reassure her na okay na ito.
Bumuntong hininga siya.
"Anong nangyari? Di ba sabi ko bawal sumigaw? Mahigpit na bilin ng doktor mo na bawal na bawal ang voice straining," panenermon niya dito kahit alam niyang hindi ito pa makakasagot dahil sa ibinigay niyang gamot.
Mabilis na sinulyapan nito ng ang tatlong lalaking inabutan niyang kasama nito sa kwarto. She took that as a hint na may kinalaman ang mga ito sa pagsigaw at pagbabasag ng alaga niya.
Medyo hindi siya natuwa. Muling nagpakawala ng marahas na buntong hininga tsaka hinarap ang mga ito.
Nakita niya rin ang bahid ng pag-aalala sa mukha ng mga ito, pati ng tatlo pang miyembro ng grupo, na sumunod din pala sa kanya kanina pagpasok niya.
She stood in between everyone and Stell as if she was trying to shield him from them.
"Highlighted in red and written in bold letters, 'Refrain from overstraining of voice ie screaming, singing, especially with high notes, talking for long periods', hindi po ba nakasulat 'yon sa recommendations ng ENT consultant ni Sir Stell?" mariin niyang pagsasalaysay ng bilin ng doktor ng alaga niya.
Walang sumagot sa mga ito, kaya lalo siyang nanggigil.
"So bakit ko inabutan ang kliyente ko, screaming on top of his lungs, kung lahat ng kasama niya sa kwarto ay aware na bawal 'yon sa kanya?!" medyo napalakas niyang tanong.
They are technically her bosses, but at this moment, wala siyang pakialam doon. Her primary concern is her client!
Nakita niya ang pagbuntong hininga ni Dr. De Dios.
"Georgina, just calm yourself down. I know you are concerned about your client, and so are we. Stell is our family, and we want him to be okay, just as much as you do," sa wakas ay sabi ni Yani. As usual, kalmado ito.
"Andito kamu para tulungan siya, George. Hindi para saktan siya," sang-ayon ni Pablo.
Kasunod niyon ay may iniabot na papel si Dr. De Dios sa kanya.
Though unhappy, she took it from him.
"All his ENT consultant and specialist recommended that he undergo surgery the soonest possible, or he will not be able to sing at all. Not even a happy birthday song," seryosong wika ng doktor habang binubuklat niya ang ilang pahina ng ibinigat nito.
Binalingan niya si Stell.
"Alam mo ba ang tungkol dito?" tanong niya.
Tumango naman ito.
"Naipaliwanag ba sa'yo ng maayos ang pros and cons? The risk and benefits?" tanong niya ulit.
Muli itong tumango.
"And do you want to do it?"
He gave everyone in the room a quick glance before he looked at her, and shook his head.
Binigyan niya naman ito ng nagpapaunawang tingin tsaka tumango din.
"My client refuses to consent the surgery, so it's a no," may pinalidad niyang anunsyo sa mga kasama nila sa silid.
"But---"
"Mr. Ajero is a fully grown man with sound mind and sound judgment. His body, his life, his choice. Let's all respect that," agad niyang putol sa akmang pagprotesta ng mga ito.
Napansin niya ng gulat sa mukha ni Stell, pero dahil nga hindi naman ito makapagsalita ay wala naman siyang narinig mula dito.
"Ms. Mariñas, may I just remind you that you agreed to help us convince Stell na magpagamot--"
"No, Dr. De Dios. I did not say na 'tutulungan ko kayong kumbinsihin siya', I said, tutulungan ko siyang makarecover, and that whatever happens, hindi ko siya susukuan," mabilis na pagtatama niya sa salita ng nakatatandang manggagamot with much conviction.
Nagngingitngit talaga siya. Ayaw na ayaw niya sa lahat ay iyon pinipilit ang mga pasyente sa magiging direksyon ng gamutan nito,
pamilya man 'yan o healthcare professional. Lalo na kung alam niyan ginagawa iyon ng mga tao dahil may greater benefit silang makukuha.
"George..." marahang tawag ni Pablo sa kanya at umakto pang lalapit sa kanya.
Pero mabilis na umatras siya para maglagay ng distansya sa pagitan nila at tumabi kay Stell.
"Magmula ngayon, whatever it is that you need to discuss with my client, basta regarding sa health niya, I need to be there. I demand to be there," mariin niyang sabi.
Bago pa man may makapagsalita sa mga ito ay hinawakan niya na ang alaga niya sa pulsuhan.
"Let's go, Sir," aniya atsaka hila-hila itong nilampasan ang lahat ng naroon at dire-diretsong lumabas ng kwarto.