Chapter 20 Tinanghali ako ng gising. Inaasahan ko na 'yon dahil nang matulog kami kagabi ay magwa-one na. Sa pagkakatanda ko rin ay sa sofa ako nakatulog kagabi, kaya laking gulat ko nang magising ako sa kwarto. Binuhat ako ni Liam? Siguro. Hindi naman ako nags-sleep walk, eh. Nag-inat inat ako at umupo muna sa kama ng mga ilang minuto bago tumayo. Base sa sinag ng araw na nakikita sa labas, matatantya kong mga alasnueve na ngayon— teka, alasnueve? Napapikit ako at dali-daling lumabas. Nang magtungo akong kusina ay agad kong namataan si Sir Liam. Nakasuot ito ng apron habang nagluluto. Kumakanta-kanta pa ito at mukha namang hindi siya bad mood kaya hindi na ako nangielam. Bago pa ako pumihit pabalik ay tinawag na ako nito. "You're up," ngiting saad nito. "Come, let's eat." Nag-urong i

