Chapter 19 Nang makauwi ay agad akong pumasok sa loob. Unang una, ayaw kong makita niya ang kapulahan ng mukha ko. Pangalawa, ayaw kong makipag usap sakaniya. Katulad ng sinabi niya kanina, binayaran niya nalang ang bike na hindi namin naisauli. Sigurado akong mahal iyon, at mukhang sobra pa ang binayad ni Sir Liam dahil hindi naman nagalit 'yong may ari. Sinabi rin ni Liam ang lugar kung saan namin iniwan 'yong pink na bike incase na gusto nilang hanapin. Unbelievable. Parang nagtatapon lang ng pera. Nagpalit agad ako ng damit at humiga sa kama. Nang tignan ko ang oras sa wallclock ay mag-aalasingko na. Ibinalot ko ang sarili sa kama at nagpagulong gulong. Ang lambot. Pag umalis ako dito, isa ito sa pinakamamimiss ko. Pero teka, sino nang titira dito pag umalis na si Sir Liam? Pumikit

