Chapter 18 "Anong ginagawa natin dito?" Pagkatanggal na pagkatanggal ng helmet ko ay iyon agad ang itinanong ko. Hindi siya sumagot at isinabit lang ang helmet sa manibela ng motor. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa isang shop. Teka, rentahan ito ng mga bisekleta ah, anong ginagawa namin dito? Habang hawak-hawak ang helmet ay sinundan ko ito. Nakita ko itong nakatingin sa mga bike na nakahilera. Lumapit ako sakanya, "'Wag mong sabihing magrerenta pa tayo ng bike?" Taas kilay na tanong ko. Tumaas ang kabilang sulok ng labi niya. "Unless you want to walk." Napatanga ako doon. Kaya nga kami nagdala ng motor, eh. Bakit pa niya kailangang magrenta ng bike? Ano, magbabike kami hanggang sa— Ipinilig ko ang ulo ko. Saan nga ulit kami pupunta? Kinalabit ko ito, "Sa'n b

