Chapter 17 Naging tahimik ulit ang bahay. Ngayon ay kaming dalawa na lang ulit ni Sir Liam. Katulad ng palagi kong ginagawa, nang magising ako kaninang umaga ay nagluto agad ako ng agahan at nag-jogging sa labas. Pabalik-balik lang ako hanggang sa makaramdam ng pagod. Pagkabalik ko ay gising na si Sir Liam. Nasa labas ito kasama si Riyo habang nagkakape. Hindi ko ito pinansin at pumasok sa loob. Nagpahinga lang ako saglit at pagkatapos ay nilagyan ng tubig ang washing machine. Dumadami na naman ang maruruming damit sa basket. Nagtungo ako sa kwarto ko para kuhanin ang mga damit ko. Isasabay ko naring labhan para naman hindi na hiwa-hiwalay. Papalabas na ako nang mahagip ng mata ko ang cellphone ko. Bigla ay nanuyo ang lalamunan ko. Wala paring messages o' calls ang dumadating saakin. Ga

