Chapter 16 Doon kami kumain sa restaurant kung saan kami nag-dinner ni Leon. No'ng una ay ayaw ko pa, baka kasi mamaya ay malaman ng mama niya at maniwala pa iyon kay Jade, pero alam ko namang hindi titigil si Sir Liam hanggang hindi ako pumapayag. Ang daldal niya, habang kumakain kami ay halos siya lang ang nagsasalita. Ako ay panay iling at tango lang sa sinasagot. Ang dami niyang kwento, at ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Don't you find me weird when I said I want you to treat me as whatever you like?" Uminom ito ng tubig bago nagpatuloy sa ginagawa. "Sa totoo lang, I'm not really close with my girl cousins. I just said that so you won't feel uncomfortable." Nagkibit-balikat ito. Napatitig ako sakanya, seryoso ba siya? "Sinungaling ka." Ungos ko dito. Napahalakhak siya sa si

