Chapter 22 Hindi pa kami nakakalapit sakanila nang sila na mismo ang naglakad para salubungin kami. Halos lahat yata ng mga kaklase ko ay nandito. Lahat sila ay nakangiti sa'kin although ang iba sakanila ay parang nagtatanong. Tumingin ako kay Liam. Nakita ko itong nakangiti sa mga kaklase ko habang ang kamay ay humihigpit sa pagkakahawak sa bewang ko. "Omg! Dan, ikaw naba 'yan? Ba't pumuputi ka?" Si Jaycel iyon. "Oo nga, anong sabon ang gamit mo?" Awkward ko lang silang nginitian. Nang makalapit sa cottage namin ay umupo ako doon. Si Liam naman ay nanatiling nakatayo. "Kuhanin ko lang mga gamit natin." Paalam nito bago tumalikod. "Shit." Narinig kong bulong ng katabi ko. Nang lingunin ko ang gilid ko ay nakita ko si m*******e. Titig na titig ito kay Liam. Napatawa ako. "Baka malu

