Chapter 23 Nang magtatanghalian na ay umahon kami sa tubig. Ang mga naiwan sa cottage ang naghain ng mga pagkain. Halos hindi kami mapaghiwalay ni Sir Liam. Muntik ko na ngang makalimutan na nagpapanggap lang kami. All of a sudden, parang nawalan ako ng rason para magpanggap. Parang nakalimutan ko na nga kung bakit ako nandito. Nang umupo ako ay tumabi sa'kin si Sir Liam. Sa tapat naman namin ay sila Bryce. Kanina habang nasa pool kami ay napapansin ko ang madalas na pag tingin nito. Na para bang gusto niya kaming lapitan. Otomatikong napalis ang sigla sa mukha ko. Kumuha ako ng pagkain nang hindi siya tinatapunan ng tingin. Alam kong napansin iyon ni Liam dahil naramdaman ko na naman ang kamay nito sa bewang ko. Nang lingunin ko siya ay hindi siya nakatingin sa'kin. Nang akmang kukuh

