Chapter 24 Magdidilim na nang bumalik kami sa cottage. Lahat sila ay nandon na at naghahain ng pagkain. Bukas pa sila uuwi. Gusto rin sanang mag-stay ni Sir Liam but I insisted to go. Ayaw ko na. My plan backfired. I shouldn't have come here in the first place. If only I hadn't let my egoistic self decide. Siguro, tama si Krista. Hindi parin ako nakakamove-on sa nangyari. Hindi ngayon, hindi kailanman. Bigla na naman tuloy bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Boss ko ang kasama ko ngayon, we kissed— on top of that. Bakit ko 'yun hinayaan? I swallowed hard. Itinukod ko ang siko ko sa bintana ng sasakyan at sinapo ang noo ko. God, my head's a mess. So are my decisions, so is my life. Huminga ako ng malalim at pumikit. Sibubukan kong iwaksi sa isip ang mga kagagahang ginawa but it keeps on

