Chapter 13 Habang tumatagal, mas dumadami ang tao. Mas sumisikip ang lugar at mas nahihirapan kaming magserve. Totoo nga ang sinabi ni Sir Liam na magtatagal ang party, sa palagay ko nga ay ngayon palang nagsisimula ang totoong saya. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klase ng party. May nakita pa akong naghahalikan sa pool, may ilang naglalandian sa upuan na pabilog at 'yong ibang babae naman ay halos wala ng saplot sa pang ibaba. Ganito ba talaga pag pool party? Kailangan naka-see through at panty lang? Ang laswa naman. "Hey, you tired?" Bungad sa'kin ni Leon nang makalapit sa counter. Inabutan ako nito ng baso pero hindi ko 'yon tinanggap. "It's orange juice." Matagal ko siyang tinitigan bago kinuha iyon at ininom. Wala na 'yong babaeng kausap niya kanina pero pagtapos no'n ay

