Chapter 9 Pabagsak na humiga ako sa kama. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko pinikit ang dalawang mata ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makakalakad ng dalawang araw, sobrang nakakapagod. Kanina nang makatapos kaming kumain ay pinaglinis ako ni Sir Liam ng buong bahay. No'ng una, akala ko ang ibig niyang sabihin ay maglinis ako sa sala, katulad ng palagi kong ginagawa. Hindi nga ako makapaniwala nang sabihin nitong pati ang second floor ng bahay ay lilinisin ko. Hindi lang 'yon, pinayagan niya narin akong maglinis sa lahat ng kwarto. Sa susunod na araw raw kase ay uuwi dito ang pamilya't kamag-anak niya para mag celebrate ng birthday ng kapatid niya. Ang ibig sabihin lang no'n ay baka hanggang ngayong araw nalang ako rito, o' baka bukas. Nanlalata ang katawan ko, nga

