Chapter 10 Alas-singko palang ng hapon ay gumayak na ako. Nagpaalam narin ako kay Sir Liam na aalis ako para hindi na niya ako hanapin mamaya. Maaga kaming natapos ni Sir Liam, tinawag ko kasi si mang Domeng para tumulong dahil kung hindi ay baka gabihin kami. No'ng una, hindi ko alam kung papayag ba ako sa sinabi ni Leon. Pero napaisip ako, ano naman ang masama kung papayag ako? Ang tanong lang na bumabagabag sa'kin ngayon ay bakit? I mean, bakit kailangan niya pa ng taong ipapakilala niya bilang girlfriend? Birthday party lang naman ito at hindi family reunion o' kung ano pa man. Hindi kaya't napipressure lang siya dahil siguro lahat ng kaibigan niya ay may nobya na? Bahagyang kumunot ang noo ko, siguradong marami siyang kilalang babae, bakit ako? Nag-ispray ako ng pabango bago sini

