Chapter 11 Halos buong gabi yata ay hindi ako mapalagay. Panay ang sulyap ko kay Sir Liam at kahit na hindi naman siya gumagawa ng hindi maganda ay hindi ko parin maiwasang hindi makaramdam ng ilang. Bakit ba kase siya sumunod dito? Nang-aasar na naman ba siya? Nang sinubukan kong inumin ang wine na nasa harap ko ay agad ko rin itong inilapag pabalik sa lamesa. Nakangiwing pinunasan ko ang sariling labi. Akala ko ba gawa sa grapes ang wine? E' bakit ang pait nito? Sa sandaling iyon ay panandaliang nawala sa isip ko ang prisensya ni Sir Liam. Nang tapunan ko ng tingin si Leon ay nakita ko itong nakatitig saakin na para bang gusto niya kong tunawin. Bigla tuloy ako napahaplos sa mukha ko. Baka mamaya kase may dumi ako sa mukha or ano. Nakakahiya. "You look uneasy. Naiilang kaba sa'kin?"

