Chapter 3

2284 Words
Maaga akong nagising para ibaba si Alice at magpaaraw. Aabangan namin ngayon ang Sunrise. Sabi kase nila kakabuti daw sa kalagayan ni Alice ang mga gantong scenery. Nakakarelax kumbaga. Inayos ko ang wheelchair ni Alice sa tabi ng uupuan ko. Kinuha ko ang dala naming bag na may pagkain at coffee. Dito na din kami mag-aalmusal. Medyo madilim pa, sakto lang sa pag-iintay. Inabot ko kay Alice ang sandwich na dala namin at ang gatas na tinimpla ko sa kaniya. " Salamat. " aniya at ngumiti. " Ano'ng salamat? Singkwenta yan oy! " biro ko. Tumawa ito habang umiiling pa. " Salamat talaga, Xenthia. " napatigil ako sa pag-aayos ko ng kakainin namin at napatingin sa kaniya. " Maraming salamat sa lahat. " kinapitan nito ang kamay ko at pinagsaklop. Ngumiti ako sa kaniya at hinimas ang kamay niyang nakakapit sa akin. " Magpinsan tayo , Alice. Hindi ka man humingi ng tulong sa amin tutulungan ka namin. Hindi nga ikaw ang magpasalamat kundi kami , e... Salamat dahil lumalaban ka. Maraming salamat. " ngumiti ako. Nangilid ang luha sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Bago pa man tumulo ito ay pinunasan ko na. " Tama na ang iyak, Babe. Walang katumbas na kahit ano ang paglaban mo sa sakit mo. " ani ko. " Kain na tayo, Babe. " dagdag ko at tinaas ang sandwich naming dalawa. Tumawa ito. " Let's eat , Babe. " Sabay naming tinunghayan ang pagsikat ng araw. Napapangiti aki habang nakatingin kay Alice. Hindi kailangan ng kapalit ang pagtulong namin kay Alice. Paglaban niya palang ay sapat na. Sa oras na ito ay puro tawa lang kami ni Alice. Bawat araw na kasama namin si Alice ay biyaya. Sa bawat pagmulat ng mga mata ni Alice ay isang biyaya mula sa itaas, biyayang lagi naming ipinagsasalamat. Nang medyo masakit na sa balat ang sikat ng araw ay napagdesisyunan na din naming bumalik sa kwarto niya para magpahinga. Sa kundisyon ni Alice ay bawal siya mapagod, bawal siya makaramdam ng mabigat na emosyon. Mabilis susuko ang puso niya. Kaya hanggat kaya kong patawanin at pagaanin ang pakiramdam ni Alice ay gagawin ko. Gagawin ko sa maabot ng makakaya ko. Pagkapasok namin sa kwarto ni Alice ay kaagad ko siyang pinahiga sa kama niya at kumuha ng tubig na iinumin niya. Matapos sa pagaasikaso ko sa kaniya ay inayos ko naman ang dinala namin kanina. Balak ko sanang hugasan ang baunan ng makitang ubos na ang dishwashing liquid namin. " Alice, labas lang ako saglit. Bili lang ako dishwashing liquid sa malapit na grocery. Dito ka lang ha? " paalam ko. Umirap ito. " Saan pa ba ako pupunta , aber? Siraulo 'to. " bara nito. " Malay ko sa'yo. " lalabas na sana ako ng may maalala ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa cabinet. Bago tuluyang lumabas ay hinarap ko ulit si Alice. " Kapag dumating si Doc , sabihin mo wag siyang mag-alala may binibili lang ako. " ani ko kay Alice. Napailing ito. " Walang pake sa'yo si Doc, Babe. So shut up, will you? " umismid ito. Napairap ako. " Whatever. Call me if something happens, okay? Mabilis lang ako. " at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Napatingin ako sa cellphone ko. Binuksan ko ang f*******: ko para tignan ang Gc namin. Puro kagaguhan lang nila Sandra ang nakita ko sa Gc namin. Kung ano-anong issue na pinaguusapan. Pinatay ko nalang ulit ang Data. Akmang ibabalik ko na ang phone ko ng may magsalita mula sa likod ko. Kamuntik ko ng maihagis ang phone ko. " Ay piste ka! " Sigaw ko. Nakarinig ako ng mahinang tawa mula sa likod. Inis na hinarap ko ang nanggulat. I raised my eyebrows when i see the guy behind me. Ano nanaman kayang trip nito sa buhay niya? Namewang ako. " Ano? Ano'ng namang trip mo ngayon? Susunugin mo naman ba 'tong ospital? " pananaray ko. He chuckled then cross his arms around his chest. " Hmm? You're brilliant. Bakit ba hindi ko naisip 'yon? " nagpanggap pa ito na nag-iisip. I tsked. " So, ano? Wala ka na bang sasabihin. Busy kase kong tao. Kaming magaganda kase masyadong maraming ginagawa. So, diyan ka na. Busy ako. " tumalikod na ako ng magsalita ito. " Kaya pala wala kang masyadong ginagawa. " He chuckled again. Humarap ako sa kaniya. " Oh really. Sachi? Sachi, right? Well, i don't care , anyway. Kung panget ako ano ka pa. " i grinned. Umikot ang bilog ng mata nito. " Edi gwapo. Hindi ko kasalanan na panget ka, okay? Wag mo ko sisihin. " aniya. " And one more thing. Don't call me Sachi, again. You're free to call me baby. " kumindat ito. Bumuntong hininga ako na parang di ma-take ang sinasabi ng taong ito. Ay mali, hindi ko pala talaga ma-take. " Baby your ass. Baby, amps. Sanggol ka pa ba? Dun oh. " tumuro ako. " Dun ang nursery area. Dun madaming tatawag sa'yo na baby. " umirap ako. " Feeling nito. Baby daw mukha namang tatay. Siraulo. " bulong ko. " I heard that. Mukha ba akong tatay? " lumapit ito sa akin. " Yeah , mukha akong tatay. Tatay ng magiging anak mo. " kumindat ulit ito. Umakto ako na nasusuka. " Grabe ka naman. Diring-diri ka samantalang yung iba nagmamakaawang anakan ko sila. " " Sila 'yon, kupal. At isa pa , di kita type. Si Doc Xie ang type ko. " napangiti ako. " Oh, so you like my brother , ha? " napalingon ako sa kaniya. " Brother? Kapatid? " " Ay hindi. Brother. Tatay. " sarcastic na sagot nito. Umamba ako. " Kapatid mo talaga? " tila nagliwanag ang mga mata ko. Kapatid ng kupal na 'to si Doc. Kaya pala ganon siya kausapin ni Doc. He smiled." Yes. Pero mas gwapo ako. " pagmamayabang nito. I rolled my eyes again. " At hambog. Whatever. Ge, alis na ko. Istorbo. " tumalikod na ako. Nagsalita pa ito pero di ko na pinansin. Tse. Mabilis na nakarating ako sa grocery store. Hindi naman kalayuan ito sa ospital. Tumungo agad ako kung saan ang bibilhin ko. Hindi ko maiwasan mapalingon na sa mga naka-display na pagkain. No! Hindi ako bibili. Hindi ako bibili. Hindi ako bibili. Hindi ako bibili. Ang ending? Kumuha ako ng cart at naglagay ng isang damakmak na pagkain. Bakit ba tinutukso ako ng mga pagkain na 'to? Badtrip. Gusto ko pa naman bumili ng libro. Pero mukhang hindi na ko makakabili. Dibale, sa susunod na ipon ko nalang. Nang makuha ko na lahat ng gusto ko at ang kailangan ko ay binayaran ko na din sa Cashier at bumalik na ng ospital. Nakasalubong ko pa si Nurse Kendra at binati ako. Hanga talaga ako dito kay Nurse Kendra e. Wala sa itsura niya na senior na siya. Chos! Wala sa itsura niya na 30's na siya. Mukha lang kase siyang sanggol. Ilang minuto pa ako nakipagchismisan kay Nurse Kenra bago tuluyang umakyat sa Room ni Alice. Kalokang Nurse 'yon. Chinichismis mga pasyente niya. Natatawa nalang ako. Kung hindi pa siya tinawag at hindi pa papaawat. Sayang, tatanungin ko pa sana kunt nasaan si Doc Xie kaso nagmamadali na , nevermind nalang. Inilapag ko ang mga dala ko sa lamesa sa tapat ni Alice. Halatang nagulat ito sa dami ng dala ko gayong Dishwashing liquid lang ang sinabi kong bibilhin ko. She raised her eyebrows at me. " Kala ko ba Dishwashing liquid lang? Bakit ang dami niyan? Puro dishwashing liquid ba 'yan? Balak mo ba magtayo ng sariling store? " aniya. Umupo ako sa Sofa at umirap. " Pagkain 'yan. " sabi ko. " So, hindi store ng dishwashing liquid ang business mo kundi grocery. " saad ni Alice. " P'wede ng pang-isang taon binili mo e. Pagagalitan ka ni Tita. " banta nito. Umirap nalang ako bago iayos ang mga dala kong pagkain. Inilabas ko ang mga junk foods na binili ko. Sakto ito t'wing manonood ng movies. Hehe. Inilagay ko nalang ang ibang mga pagkain sa cabinet na taguan ng pagkain. Baka kase nakawin ni Alice. Kumuha ako ng biscuits at juice tsaka inabot sa kaniya. Kinuha naman niya. Saktong uupo palang ako sa tabi niya ng bumukas ang pintuan. Pumasok mula doon si Doc Xie. Ehe. Mabilis na tumayo ako at inayos ang itsura ko. Ang pigil ang ngiti ko ng magtama ang paningin namin. Chill lang dapat. Ibinaba nito ang mask niya habang papalapit kay Alice. Nakamasid lang ako. Every inch of him is indeed beautiful. He's perfect. I don't know but i have this feeling na siya na talaga e. Siyang-siya na! Oh baka harot lang 'to. " I'll be back at 1:00 pm. Okay? " aniya kay Alice. Tumungo si Alice at ngumiti. " Okay. Take care. " aniya at tatalikod na sana ng magsalita ako. " Doc! Diba specialist ka naman sa puso? P'wede bang pagalingin mo heart ko? " ani ko at nagpuppy eyes pa. He smirked and chuckled. " Sige. Don't worry, Ms. Bryce. Pagagalingin natin 'yan. " sabi niya bago tuluyang tumalikod. Nanatili lang akong nakatitig sa pintong pinaglabasan ni Doc Xie habang nakanganga. Eto na ba 'yon? Kasalan na ba? Omygash! Lumipas ang mga oras na tulala pa din ako. Hindi sigurado ko mababalik sa wisyo kung hindi ako inutasan bumili ng pagkain. Babalik mamayang 1:00 si Doc. Makikita ko nanaman siya. Meant to be talaga kami! Busy ako sa kakadutdot ng cellphone ko ng magsalita si Alice. Itong babaeng 'to napaka-utosera! Walang gana akong tumayo mula sa aking kinauupuan at lumapit sa kaniya. Badtrip na 'to. Hinahanap ko pa account ni Doc Xie e. Hindi ko makita sa sss kaya baka sa IG at Twitter lang. Mga kadalasan sa pogi snobber sa sss e! Pakshet pa-fame! " Intayin mo sa baba yung inorder kong pagkain. Magdala ka din pera. Wala ko pera. " aniya na hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Napanganga nalang ako habang iiling-iling. Hayop na 'to. Oorder-order wala naman palang pang-bayad. Ano'ng akala niya sa'kin bangko? Masama ang tama ko ng lumabas ng kwarto. Mas sumama pa sa nakasalubong ko. Letse! " You're not in the mood. " pang-aasar nito. Pakshet na 'to e. Makapang-asar sa'kin kala mo close kami e. Onti nalang masasapak ko na mukha nito sa inis. I rolled my eyes. " Ano nanaman? Close ba tayo? Type mo 'ko, 'no? Ew lang ha! Hindi kita type. Kuya mo type ko kaya manahimik ka. Ayokong masira image ko sa kaniya kaya p'wede ba bayaw? Wag mo ko landiin. Loyal ako sa Baby Xie ko. " tinapik-tapik ko pa ang braso nito habang tatango-tango. Ngumisi lang ito at umiling. " Makapagpantasya ka. Tama, hanggang pantasya nga lang talaga iyan. Keep on dreaming. " imbis na sagutin ay inirapan at nilagpasan ko nalang siya. Kj neto ni Bayaw! Bumaba nalang ako at inintay ang deliver ng lintik na si Alice. Buti nalang talaga at may pera ako. Nakakainis. Sisilip-silip ako sa mga nagdadaang naka-motor at nagbabakasakaling iyon na. Nakakailang pabalik-balik na din ako pero wala pa. Nasaan naman daw kaya yung delivery? Napasinghap ako ng may bumusina sa harapan ko. Kaagad kong sinamaan ng tingin ang bumusina. Ganon nalang ang gulat ko ng makitang si Jate ang nandito. Kaagad akong lumapit sa sasakyan niya. " Ano'ng ginagawa mo dito? " tanong ko. Hindi ito sumagot at ngumisi lang bago lumabas ng sasakyan at dumiretso sa back seat. Duon ay may kinuha siyang isangdamakmak na take out mula sa isang Fast food chain. Napaawang nalang ang bibig ko ng inaabot niya sa akin iyon. " Here. Alice texted me, gusto mo daw nito. " aniya habang ngiting-ngiti. Magsasalita pa sana ako ng muling magsalita ito. " Hold this for a while. Hahanap lang ako ng parking. " aniya at ngumiti bago ako talikuran. Hindi nalang ako nakaimik. Napatitig ako sa mga pagkaing dala niya. Isang damakmak ito. Tila mapapakain na nito ang buong hospital sa dami. Napapailing nalang ako ng dumating na si Jate. Kinuha nito ang mga nakaplastik na pagkain at masayang pumasok sa loob. Lintik na Alice! Kakamot-kamot ako ng batok habang nakatingin sa mga pagkaing nakahain ngayon sa amin ni Alice. Pakshet na 'to e. Di manlang sinabi na si Jate pala ang pinapunta edi sana nakatakas ako. " Here. Try this. " ani Jate at iginawi sa akin ang mashed potatoes. Naiilang talaga ako. Pilit akong ngumiti bago tumingin kay Alice. Nginitian lang ako ng walangya. Pinandilatan ko lang ito ng mata. Muli akong bumaling kay Jate bago isubo ang mashed potato na kapit niya. Ngiting tagumpay ang loko ng kainin ko. " Masarap diba? " aniya. Ngumiti ako at tumango. Sa gitna ng pagkain ay kapwa kaming napalingon ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Napatigil ako sa pagnguya at napatingin sa relo ko. Ala-una na pala. " Good afternoon. Just checking you, Alice. " ani Doc habang papalapit sa amin. Tila nanigas ako ng tapunan ako nito ng tingin na pagkasamasama. " Here. " ani Jate at muling minuwestra ang kapit niyang kutsara na may mashed potato. Gusto kong tanggihan pero ayokong ma-offend siya. Muli akong napatingin kay Doc. Napalunok ako ng mahuling nakatingin ito sa akin ng masama. Bakit ba ganyan siya makatingin? " Good. Tawagin niyo nalang ako kapag kailangan ng tulong. Mukhang nakakaabala ako e. " ani Doc at ibinalik ang stethoscope niya sa leeg. Kapwa nagkatinginan kami ni Alice. Nagkibit-balikat lang ako. " He's weird. " komento ni Jate ng makalabas si Doc ng kwarto. Napatitig lang ako sa kapit kong pagkain habang iniisip kung bakit siya gano'n. Crush ba 'ko ni Doc kaya nagseselos siya? Wait. Bakit naman siya magseselos? Assuming ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD