Chapter 2

2279 Words
Napalingon ako sa relo ko para tignan ang oras. Alas-otso na pala. Kaming dalawa nalang ni Alice ngayon , umalis na sila Mama dahil may gagawin pa daw sila. Wala kaseng tao sa store , naka-leave si Inchang—ang pinsan namin na nagtatrabaho sa Coffee shop nila Mama. Minsan ay tumatao din ako don kapag maaga akong umuuwi. Pamana ang Coffee shop na 'yon kay Mama ni Lolo. Bata palang kami ay Coffee shop na 'yon at hanggang ngayon. Proud ako na kahit minsan hindi nasara ang Coffee shop lalo na nung panahon na halos maghikahos na kami sa buhay. Hindi kami mayaman hindi din naman salat, tama lang kumbaga. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw minsan nga ay sobra pa, nakakabili ng mga pangangailangan. Dahil na din siguro sa tulong ng iba naming tiyahin sa ibang bansa. Sa lahi namin ay pangkaraniwan na lang sa mga babae ang nag-aabroad, ang sabi kase nila mas malaki daw ang kita sa abroad. Ang kikitain mo sa abroad sa isang buwan ay hindi mo kikitain sa pilipinas. Sa makatuwid, lahi kami ng OFW, ang mama ko lang ang nasa pilipinas. Anyways, kasalukuyan kaming nanonood ni Alice ng Cdrama sa Laptop ko. Hindi niya pa daw kase napapanood yung My Girlfriend is an alien, ako din naman. Kaya nanood na din kami. " Pogi ni Fang leng. " komento ni Alice. Agad nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. " Akin si Fang leng! " asik ko. Sinamaan din ako nito ng tingin. " Akin! " Pinaningkitan ko siya ng Mata. " Sa'yo nalang si Xiabou. " ani ko habang nakangiti. She smile. " Sige. " masiyang aniya. Natawa ako. Halatang lutang ang gaga. Si Xiabou kase yung pagong na kasamahan ni Xioqi. Tanga. Napailing nalang ako habang tatawa-tawa. " Teka lang, Alice. Kukuha lang ako ng tubig na mainit. Gusto ko magkape. " ani ko at tumayo para kunin ang mug na dala ko. Nakuha ko ang mug na 'to nung Christmas party. Kengena lang. T'wing Christmas party, mug ang nakukuha ko. Meant to be siguro talaga akong magkape lang ng magkape hanggang mag-palpitate. Lumabas nalang ako ng kwarto ni Alice. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang makiosyosyo sa mga tao sa ibang ward. Likas na siguro sa'kin ang pagiging chismosa. Mana-mana lang 'yan. Hindi nagtagal ang paglalakad ko ng makapunta na ako sa Canteen para kumuha ng tubig na mainit. Kapeng-kape na 'ko. Tinapat ko sa water dispenser ang mug ko at pinindot ang hot. Dahil nga malaking hospital ito ay high-tech ang mga gamit. Well, nasa O'leins Hospital lang naman kami. Ang isa sa pinaka-magaling na ospital sa pilipinas. Nang matapos ang paglalagay ko ng tubig na mainit ay bumalik na din ako sa kwatro ni Alice. Nadatnan ko na tulog na siya. Mabuti na din iyon dahil alas-otso na. Bawal mag-puyat. Kinuha ko ang kape na nasa cabinet at nagsimulang magtimpla. Ayokong pang matulog kaya magkakape nalang muna ako ng magkakape. Naalala ko kase nung huling nakatulog ako ng mahimbing dito paggising ko nakapaskil nalang ang mukha ko sa monitor ng mga T.V dito. Malalakas din ang trip ng mga Doctor dito e. Hihigop palang ako ng kape ng may marinig akong sigaw. Halos maibuga ko ang kape sa gulat. Tangina. Ibinaba ko ang kape at ang libro na kapit ko. Piste, ano kayang nangyayari sa labas. Marahan na pinihit ko ang seradura ng pinto ni Alice para makalabas. Nadatnan ko sa hallway ang mga tao na nagkakagulo. Ano'ng nangyayari? " Excuse me po. Ano'ng nangyayari? " harang ko sa isang Ale na tumatakbo. " M-may multo. " utal na sambit ng Ale. Nanlaki ang mata ko. Pakshet. Multo?! May multo?! Tatanungin ko pa sana ang Ale ng tuluyan na itong nanakbo. Napamewang nalang ako habang sinisipat ang direksyon kung saan sila nananakbo. Wala namang kakaiba. Sinimulan ko maglakad sa kwarto kung saan nila sinasabing may multo. Dahan-dahan lang ang lakad ko para hindi marinig ng multo. Hehe. Huminga ako ng malalim ng matapat ako sa kwarto kung saan nga daw may multo. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan nito. Patay ang ilaw. Pa'no nila nalaman na may multo? Weird netong mga 'to Inilusot ko ang ulo ko sa awang ng pinto para makita kung may multo nga pero ilang minuto ko ng sinisipat ang silid ay wala naman akong nakita. Kinapa ko ang switch ng kwarto at pinindot ito. Ganon nalang ang gulat ko ng makita kung ano ang nasa loob. " Man naman. Panira ka! " sigaw ng isang binata sa loob ng kwarto na nakatayo habang nakatalukbong ng kumot na puti. Eto na ba iyon? Nagulat ito ng makitang ako ang nakatayo sa pintuan at hindi kung sino pa mang inaasahan niya. Nakakagulat naman talaga ganda ko 'no. " Sino ka?! " sigaw nito. Napangiwi ako at pumasok sa kwarto. Tss. Walang multo. " Ako ito... ang kunsensya mo. " ani ko at ngumisi ng pangloko. Nakita kong umirap ito at humiga sa higaan na nasa tabi niya. " Ano'ng klaseng konsensya ka at ang ganda mo. " napataas ang kilay ko. I tsked. " Whatever. Baduy ng banat mo. " umupo ako sa sofa. " Ano'ng tama mo at nananakot ka? Alam mo ba kung ano'ng oras na? Nakakabulabog ka ng ibang patient. " mataray na ani ko at dumekwarto. Umupo ito sa kama. " Pang-patulog. Wait, who are you? At ang lakas ng loob mong pumasok dito sa kwarto ko. " aniya. Tumayo ako. " Secret. Baka search mo pa sa sss. " sabi ko. Narinig kong tumawa ito. " FYI , I'm not interested to you. I have girlfriends. " pinagdiinan nito ang salitang girlfriends. Wow. Tumaas ang kilay ko. " Walang nagtatanon—" Naputol ang simasabi ko ng may pumasok sa kwarto. Sabay kaming napalingon ng baliw na kasama ko. Sumalubong samin ang itsura ng Doctor ni Alice. " What are you doing, Sachi?! Nakakabulahaw ka ng mga patient! " mariing sambit nito. Napalingon ako sa lalaking kinausap niya. So, magkakilala sila. And his name is Sachi. Weird name but sounds unique. Napalingon si Doc sa akin , dahilan para manigas ako sa kinatatayuan 'ko. Balak ba 'ko halikan ni Doc. Omaygash. 'Di pa ko ready. Naputol ang pagpapantasya ko ng magsalita si Doc. " What are you doing here, Ms. Bryce. " ani Doc. Ngumiti ako. " Secret , Doc. " pilyang sabi ko. Narinig kong tumawa ang nasa likod nito. May kasama pala siya. " C'mon. I'm just playing around, Bro. " sagot nito kay Doc. Namulsa si Doc sa gown niya at lumapit kay Sachi. Tumapat sa kaniya si Doc. " It's not the right time to play, Sachi. " maawtoridad na sabi nito. Umirap ang lalaki at kumamot sa batok. " Yeah. Whatever. Matutulog na 'ko paki-sara nalang ang pinto. " sabi ni Sachi at humiga sabay taklob ng kumot. Napa-buntong hininga nalang si Doc at humarap sa akin. Umayos ako ng tayo. " Go back to your patient, Ms. Bryce. It's late now. " ani Doc at naglakad palabas. Sumunod nalang ako kay Doc. Bago lumabas ay nilingon ko muna si Sachi. Nakatingin pala ito. Binigyan ko lang ito ng irap, siya naman ay ganon din. Tse! Nakatungo ako habang nakasunod kay Doc. Patigil-tigil pa kami dahil pinapasok niya ang ibang kwarto para humingi ng pasensya. " Doc. " agaw pansin ko o should i say papansin ko. Lumingon si Doc at nagtaas ng kilay. Napakamot ako ng noo ko. " May itatanong lang sana ako, Doc. " ani ko. Tumapat ito sa akin habang nakapamulsa. " What is it? " " Ano'ng pangalan mo, Doc? " ani ko. Nakita kong ngumisi ito. Kanina pa kase ako naghahagilap ng pangalan ni Doc , hindi ko naman malaman-laman buti nalang nagkita kami. Makakatulog ako ng matiwasay. " I'm Zerxie Nikolaj Touverien. You can call me Doc. Xie. " anito. Ngumiti ako. " Single ka talaga , Doc ha? " paninigurado ko. Tumawa ito. " I'm single, Ms. Bryce. Ikaw din ba? " pinamulahan ako sa tanong ni Doc. Ang bilis naman nito ni Doc. Manliligaw agad sa'kin. Parang tanga! " Oo nga, Doc. Pagdating sa'yo single ako! " pabebeng sagot ko. " You're too young , Ms. Bryce. " aniya at muling tumawa. Napanguso ako. Natatakot ba siya na ma-child abuse sa'kin? Hindi ko naman siya kakasuhan ng child-abuse no. " Don't worry , Doc. Hindi naman child-abuse ang ikakaso ko sa'yo. " kumunot ang noo ni Doc. " Pagnanakaw. " " Ha? " " Ninakaw mo kase puso ko. Err! Ang bad bad mo , Doc! " bahagyang hinampas ko ito sa dibdib. Muntik na kong himatayin ng maramdaman ko ang matigas nitong dibdib. Mukhang alagang gym si Doc. Alagaan kita diyan eh! Tumawa lang si Doc. " Kulang ka lang sa tulog, Ms. Bryce. " aniya. Halos malaglag ang panga ko. Maninira ng momentum ito si Doc! Napairap nalang ako sa loob-loob ko. " Hindi ako kulang sa tulog , Doc. Alam mo kung sa'n ako kulang? " nag-cross arms ito. " Sa pagmamahal mo. " ani ko at nilagpasan na si Doc. Narinig ko pang tumawa ito. Masiyahan si Doc. Dumiretso nalang ako sa kwarto ni Alice. Tulog pa din siya. Pinatuloy ko nalang ang naunsyami kong pagkakape dahil sa eksena ng Sachi na 'yon. May sapak siguro iyon kaya gano'n. Nagising ako ng may tumapik sa balikat ko. Sino naman kaya ang manggigising ng ganton— " 'Ma? " tawag ko kay Mama. Ang aga naman nila. " Tumayo ka na diyan. Bakit diyan ka natulog? Kumain ka na. Ikaw nalang ang hindi pa kumakain. " ani Mama at lumakad papunta kay Alice. Tumayo nalang ako at sumunod kay Mama. Nakatulog pala ako sa Sofa. Kinuha ko ang dala ni Mama na almusal para isalin sa mangkok. Hmm , sopas. " Kakain ka ng hindi ka pa nagto-toothbrush. " sita ni Alice ng akmang ilalagay ko na ang mga sinalin ko sa lamesa namin. Kumunot ang noo ko. " Bakit? Ganon din naman. Panis na laway ko 'yon. Pinagipunan ko buong gabi. Pangtawid gutom din. " ani ko at umupo na. Nakita kong nandiri ang mukha ni Alice sa sinabi ko. Totoo naman kase. " Bumaba ka mamaya, Bryce para sa gamot ni Alice. Kunin mo kay Doc Xie. Ako na ang magbabantay. " utos ni Mama. Nagliwanag bigla ang mukha ko. Makikita ko nanaman si Doc. Meant to be talaga kami ni Doc. Binilisan ko nalang ang pagkain at naligo na para makababa na at makita si Doc. Kay ganda naman sa umaga nito. Masiyang naglalakad ako sa hallway at nagpapractice ng ngiti para kay Doc. Ganto kaya? O ganto? Ang weird naman kung over na ngiti diba? " Weird. " napalingon ako ng may marinig akong nagsalita. " What a coincidence? Sabi na nga ba type mo 'ko e. " tinaasan ko ng kilay si Sachi. Ano naman daw kayang kalokohan ang gagawin niya ngayon? Naglakad ito papunta sa gawi ko habang nakapamulsa. " In your dreams. Nakita lang kitang ngingiti-ngiti ng parang tanga, type na agad kita? " bara nito. Napaangat ang itaas na labi ko at umirap. " Pake mo ba? At nga pala. Ano nanamang toyo mo ngayong araw? Wait. " sinenyas ko ang kamay ko. " Huwag mo pala ko kausapin. 'Di pala tayo close. " ani ko at akmang tatalikod ng magsalita ito. " Ikaw kaya 'tong madaldal. Huwag mo din ako kausapin, panget mo. " asar nito at tumalikod. Napaamba ako. " Aba't! Loko 'to ah. Panget daw ako. Ashushu. Tigilan niya nga ako. " napairap nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Kamuntik na 'kong maligaw kakahanap sa clinic ni Doc Xie. Kung sa'n-sa'an ba naman daw kase ako tinuro ng mga Nurse. Ayaw pang sabihin na ayaw lang nila ipakita sa'kin si Doc Xie dahil baka sa'kin ma-inlove. Inayos ko ang buhok ko ng matapat na sa kwarto ni Doc Xie. Sa pintuan ay may nakasulat na Doc. Zerxie Nikolaj Touverien Cardiologist Surgeon Lumingon-lingon muna ako bago tuluyang kumatok. Ano kayang itsura ni Doc ngayon? Malamang gwapo nanaman! Umiling ako. Malamang nga. Nakadalawang katok palang ako ng may magsalita na mula sa loob. " Come in. " ani ng boses sa loob. Boses iyon ni Doc Xie. Marahang pinihit ko ang door knob. Tumambad sa'kin ang poging mukha ni Doc na naka-glasses pa, mas nadagdagan tuloy ang hotness ni Doc. Ang hot mo , Doc. Ang hot hot mo, Doc! Sa isip ko. Umayos ito ng upo ng makita ako. Dumiretso ako sa visitors chair niya at umupo. " Ikaw pala, Ms. Bryce. " nakangiting bati ni Doc. " Ako lang naman dapat , Doc. " ngumiti si Doc. " So, what are you doing here? " ani Doc at pinatong ang kamay sa table niya. Hindi ko maiwasang mailibot ang paningin sa silid ni Doc. Sa tingin siya ang pinakabatang Doc dito sa O'lein's Hospital. At siya din ang pinaka-pogi. Hihi. Karamihan ng nakasabit sa dingding niya ay award o di naman kaya picture frame niya at ng ilang pasyente niya. Sa Cabinet naman ay mga trophy niya na may nakalagay na Doctor of the year. Mukhang magaling talaga na Doctor si Doc Xie. Siya na siguro ang makakapag-pagaling kay Alice. Sana nga. I smile. " Pinapakuha po kase ni Mama yung reseta ng gamot ni Alice. " ani ko. Tumango si Doc at may kinalikot sa mga papel na nasa gilid niya. May inabot ito sa akin na maliit na papel. Reseta ni Alice. Tumayo na ako. " Salamat, Doc. " Ngumiti lang si Doc. Lumabas nalang ako ng clinic ni Doc at nagsimula ng bumalik sa room ni Alice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD