Chapter 1

1553 Words
" Ayos na ba 'yang mga dadalhan mo , Bryce? " tanong ni Mama sa akin habang inaayos ang mga pagkain na dadalhin namin. Pupunta kami ngayon kay Alice—ang pinsan ko na nasa ospital. 3 years ago ng ma-diagnose namin na may sakit siya at malala na. Now , she's still fighting , ang tagal na niya sa ospital pero ni minsan hindi namin nakalimutan na dalawin siya lalo na't bakasyon ngayon lahat ng oras ko ay mailalaan ko na sa kaniya. Kailangan niya ng tao sa tabi niya na kasama lumaban , kaya lahat lang talaga ng atensyon ko nailalaan ko sa kaniya. Ulila na si Alice, kami nalang ang natitira niyang kamag-anak sa mundo. 6 years old siya ng mamatay ang parents niya, samin na siya lumaki kaya nga sinisisi ni Mama at Papa ang sarili nila dahil nagkasakit si Alice, sa tingin nila ay sila ang may kasalanan pero hindi , bata pa lang daw ay talagang may sakit na ito sa puso. Parang kapatid ko na si Alice dahil samin na nga siya lumaki mas matanda lang siya ng 3 years sa akin , hindi na din siya iba sa amin at ganon din naman kami sa kaniya. " Oo , 'Ma. " ani ko at inilagay na ang mga gagamitin kong damit. Isang linggo ako sa ospital para bantayan si Alice , kakaumpisa lang kase ng bakasyon kaya ngayon lang ulit ako makakatagal sa pagbabantay. Matapos namin mag-ayos ng mga dadalhin namin sa ospital ay umalis na din kami. Excited tuloy akong magbantay kay Alice , madami din akong ichichicka. Hindi naman kalayuan ang ospital kaya madali din kaming nakapunta. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at nauna na sa room ni Alice, sobrang excited ko talaga. 1 years, 1 years na siyang nasa ospital pero wala pa ding pagbabago sa kundisyon niya. Kaya gusto ko din mag-Doctor para matulungan siya, gusto kong ako mismo ang magpapagaling sa kaniya. Nang makatapat ako sa room ni Alice ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto nito. Napangiti ako ng makitang maagaw ang pansin niya sa ginagawa. " Bryce! " sigaw niya habang malawak na nakangiti. Nang makalapit ako sa kaniya ay kaagad na ibinaba ko ang mga dala ko sa lamesa at niyakap siya. " Namiss kita. " ani ko habang yakap siya. " Namiss din kita. " Napalingon kami ng bumukas ang pinto. " Piste ka , Bryce. Kala ko kung sa'n ka na nagpunta! Babain mo Papa mo doon at paakyatin mo na. " ani Mama. Nakangusong humiwalay ako kay Alice. Kainis talaga si Mama, nagmomomentum pa kami ni Alice e. " Sige na. Dalian mo at baka nasaan na naman si Tito. " ani Alice habang nakangiti. Umiling nalang ako at napairap. Nagpalit lang ako ng tsinelas bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Alice. Hindi naman kami mayaman hindi din mahirap , sakto lang. Kaya afford namin ang mga pangangailangang medical ni Alice kahit na ilang taon na siya dito sa ospital, tumutulong naman kahit papaano ang iba naming mga Tita sa gastusin. Dumiretso ako sa baba para hanapin si Papa. Sakto naman na nakita ko siya sa labas , nagfaflashlight sa—teka? Basurahan? Naghahanap sa basurahan? Napailing nalang ako papalapit sa kaniya. " 'Pa! " tawag ko pagkalapit. " Ay amoy basura! " gulat na sigaw ni Papa. " Bakit ka ba nanggugulat? " iritang sambit ni Papa. Hindi ko nalang ito sinagot. " Ano'ng ginagawa mo diyan , pa? Seryoso sa basurahan? " kunot-noong tanong ko. " Ay. Kala ko kase nasa basurahan ka. Amoy basura ka kase lagi e kaya dito ko naghanap. " sagot ni papa habang pinapatay ang flashlight. Napasimangot ako. Lagi akong naliligo pa'no naman ako mag-aamoy basura? Kailangan ko bang dagdagan ng beses ko ng paliligo gayong 2 times a week na 'ko na liligo? Charot. Inaya ko nalang umakyat na si Papa para makakain na kami at gutom na din ako ,'di pa kaya ako nag-aalmusal. Exagge kase si Mama kaya wala ng almu-almusal ay umalis na kami. Habang kumakain ay daldalan kami ng daldalan nila Alice, ang dami ko din kinwento kay Alice pero siyempre madami pa din ako ikukuwento mamaya pag-alis nila Mama. Alam niyo yon? Yung hindi ka makapag-kwento ng kalandian mo dahil pagagalitan ka. " Tita , nga po pala. Dadating dito yung bago kong Doctor. " bago ni Alice sa usapan. " Ha? Bakit? Nasaan na yung dati? " " Umalis na daw po, pero nakakuha naman daw po agad ng kapalit. Mamaya po dadating yon dito. " si Alice. Tumango-tango lang si Mama. Nagpaalam sila Mama na bibili lang matapos namin kumain. Sakto, atat na ko magkwento. Inayos ko ang upo ko sa kama ni Alice bago magkwento. Masarap ang kwentuhan kapag komportable ka sa upo mo. Sinimulan ko ng kwentuhan si Alice ng mga kagaguhan ko. Inuna ko yung muntik na kaming ma-office kakatawa habang may nagtuturo. Lintik kase si Sheena, yung tawa wagas. Sinunod ko yung nag-program na parang naging club na ang school sa ingay at gulo ng mga tao, may dumating ba naman na banda at halos nagconcert na. Kilala ang bandang yon e, HM Band ng Cambrian University ba 'yon, ah oo tama iyon nga. Sikat ang bandang iyon kaya ang daming patay na patay doon , lalo na sa mga member no'n. Di ko sila kilala lahat pero si Aldrich bebe ko don , siya lang naman kase kilala ko don. Anyway, highway, skyway. Ayon na nga kwento lang ako ng kwento kay Alice ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Napairap ako. " Ano ba 'yan. Istorbo. " narinig kong tumawa pa si Alice. Tumayo nalang ako para buksan ang pintuan. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa labas ng kwarto. Halos tumingala na ako sa tangkad nito , hanggang dibdib niya lang ako , Gosh. Nakasuot ito ng damit na pang-Doctor at nakamask. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng pabango niya kahit medyo malayo kami sa isa't-isa. " Uhm? Can i come in? " nabalik agad ako sa reyalidad. Shit. Bakit ang pogi ng boses niya? Err. Pereng tenge! Napailing ako. " Y-yeah. Sorry , come in. " ani ko at ibinukas pa ng malawak ang hita—este pinto. Lumakad naman ito papasok mas naamoy ko tuloy ang bango niya ng dumaan ito sa harapan ko. Grabe , nanunuot yung amoy. " Papasok. " napalingon ako sa pintuan ng may magsalita pa. Muntik na kong tumalon sa gulat pero syempre di ko ginawa. Tinamad ako e. " Ay o-oo sorry. " ani ko. Kilala ko ang isang 'to. Siya ang bagong nurse ni Alice. Nurse Kendra , if I'm not mistaken. Nasa mids 30's siguro ito. Nakangiting pumasok nalang siya sa loob. Ako naman ay sinara nalang ang pinto at sumunod na din sa Nurse. Napadapo ang tingin ko sa lalaking nakapang-Doctor, siya na siguro ang bagong Doctor ni Alice. Mukhang maeenjoy ko magbantay ah. Ibinaba nito ang binabasa niya at dumako kay Alice. " So , where's your guardian? " tanong nito kay Alice. " Umalis po kase, Doc. Pero pabalik na din. Nandito din po pinsan ko p'wede pong sa kanya nalang. " ani Alice dahilan para lumingon sa akin si Doc. Asul na mata kaagad ang sumalubong sa paningin ko. Asul na mata? Wow. May lahi siguro si Doc. Parang gusto ko tuloy magpalahi kay Doc. Charot. Binawi din ni Doc ang tingin niya sa'kin. Ay, alam ko na mga gantong galawan e. Na-love at first sight sa'kin 'to si Doc kaya nailang bigla tumitig. Parang tanga si Doc! Bete pe ke! " How old is she? " tanong ni Doc. Nanlaki bigla ang mata ko. Hala? Bakit tinatanong ni Doc edad ko? Sabi na nga ba may gusto sa'kin 'to si Doc e. " 18 , single , sa IG—BryceVedizes , ganon din sa Twitter , Snapchat , Xenthia Bryce sa sss. 09267301738. " sagot ko. Rinig ko na medyo napatawa pa si Nurse Kendra at Alice sa sagot ko. Ano'ng mali don? Nakita kong medyo napailing si Doc. " I'm not interested on your personal status, Ms. Bryce. " napatigil ako. Gege , out. " Hehe. Joke lang naman , Doc. Di ka mabiro. Ang seryoso mo. Ako din ha? Seryosohin mo. " banat ko. Dahilan para mas matawa ang dalawa. Bahagyang binaba ni Doc ang mask niya bago magsalita. Mas nakita ko na tuloy ng buuan ang mukha ni Doc. s**t. Parang gusto ko na tuloy magpakasal. " I'm taken, Ms. Bryce. " aniya. Napaawang ang labi ko. Out talaga. " Again, Doc. Joke nga lang. " ani ko at tumalikod na. " Asawa nga naagaw e, ikaw pa kaya. Magagawan ng paraan 'yan. " bulong ko sa sarili. " Pardon? " ani Doc. Mabilis na humarap ako. Umiling-iling pa ako. " Wala , Doc. Sabi ko , congrats to your relationship. "pilit akong ngumiti. Tumawa si Doc. Halos malaglag panty—panga ko ng makita ang pantay-pantay na ngipin nito at malalim na dimple sa ibaba ng labi ng tumawa ito. " I'm not taken by relationship, Ms. Bryce. But I'm taken with my job. " ani Doc habang nakatingin sa akin. Doc , 'wag kang ganyan marupok ako. Tumawa ako ng peke. " Maagaw ka pa pala, Doc. " saad ko. Narinig ko pang nag-omygash si Alice at tumawa pero 'di ko nalang pinansin. Kala ko talaga may asawa na si Doc e , kundi mahihirapan akong mangaagaw. Hanggang walllet lang kase ng mga kaklase ko kaya kong agawin e. Di ko pa naranasan mang-agaw ng asawa o jowa, ayoko din naman no'n, dzuh. " You're funny , Ms. Bryce. " natatawang sabi ni Doc. " Don't call me Ms. Bryce , Doc. " sambit ko. Kumunot ang noo ni Doc. " Oh , sor—" " Call me baby instead. " banat ko. Napaawang lang ang bibig ni Doc. Hmp! Itikom ko yan e. Babanat pa sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok sila Mama na may dalang pagkain. " Oh. Doc? Ikaw po ba ang bagong Doctor ni Alice? " tanong ni Mama. Kinuha ko ang dala nila ni Papa at ako na ang nag-ayos para makausap nila si Doc. Inayos ko nalang ang dala nila Mama sa lamesa na nasa tabi ng sofa. Sila Mama naman ay nakikipag-usap kay Doc na di ko maintindihan kung ano'ng usapan. Puro English si Doc e. Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa ko at inopen ang camera , tinatapat ko kay Doc ang camera. Alam kong kasalanan ito pero handa akong maging makasalanan para kay Doc. Err. Enebe! Saktong pagpindot ko ng button at siyang flash. Taena! Nakabukas flash ko. Lahat sila ay napatigil at lumingon sa akin. Taena talaga. Minsan na nga lang magganto , napurnada pa. " Ay hehe. Sorry, nabuksan ko flashlight ko. Sorry. Sige, kaya niyo 'yan. Wag niyo ko intindihin dito. Wala lang 'yon, ano ba kayo. " nahihiyang usal ko sa kanila. s**t naman! Tanga! " Wala 'yon. Balik na kayo sa pag-uusap. " ulit ko. Napailing nalang si Mama at bumalik na sa pakikipag-usap kay Doc. Ganon din naman si Doc. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagkakalikot ng cellphone ko. " Kingina mo. Ngayon ka pa pumalpak." bulong ko sa cellphone ko. Kainis! Napaangat ang tingin ko ng marinig na nagpapaalam na si Doc. " Thank you , Doc. " ani Mama. Tumango si Doc at bumaling kay Alice. " Take care, Ms. Alice. I'll check you time to time , okay? " ani Doc habang nakangiti kay Alice. Ngumiti din si Alice pabalik. " Thanks , Doc. " Ngumiti nalang ulit si Doc. Teka , namamalikmata ba ako? O talagang tumingin dito si Doc at nginitian ako? Hahabol pa sana ako pero tuluyan ng nakalabas si Doc kasama si Nurse Kendra. Sabi na nga ba e. Type ako ni Doc. Pereng shira! Nang tuluyang makalabas si Doc ay nagyaya nalang si Mama kumain , kaya kumain nalang kami. Habang kumakain ay nagkuwentuhan kami nila Mama. Nabanggit din sa akin ni Alice na may bagong salta na patient sa Room 40—katabing room ni Alice. I'm just wondering kung bakit sigawan ng sigawan ang kabilang room. Alice said, babaeng galing sa kidn*pped daw ang patient , marahil ay may trauma pa. Ibang bagay nalang ang pinag-usapan namin katulad ng school. I'm now 4th year highschooler. Kung hindi natigil si Alice ay third year college na siya pero hindi naman hadlang ang sakit niya sa pag-aaral niya. Nagho-home schooling siya or should i say hospital schooling kumbaga. Whatever. Nabanggit ko din kay Alice ang mga pinaggagagawa ko sa school. Tuwang tuwa naman siya. Makitang tumatawa si Alice makes me happy. T'wing tumatawa siya ay parang hindi siya yung Alice na nahihirapan dahil sa sakit niya, para lang siyang normal na tao na walang iniinda. I smile while looking at her. " What are you looking at, Ms. Vedizes? " mataray na tanong ni Alice. I rolled my eyes to her. " Nothing. Napapangitan lang ako sa'yo. " ani ko at tumawa. Dinampot nito ang orange at binato sa akin. Tapul ako sa mukha. " Va te faire foutre! "sigaw ko kay Alice. Tinawanan lang ako nito. Pakshet. Nabali ata ilong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD