PARA siyang nakakita ng natutulog na anghel nang masilayan si Mara. Tila napakaamo ng mukha nito, kabaliktaran sa mga mata nitong tila tigre kung makatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay siya na yata ang pinakamaswerteng lalaki sa mga oras na ito.
Sa kabila ng ilang galos ni Mara sa mukha ay hindi pa rin
nito kayang takpan ang kagandahang nasa kanyang harapan. Pigil ang hiningang hinaplos niya ang natural nitong buhok, how he wished he could always be this close to her.
“Anong ginagawa mo?” gulat na sabi ni Mara nang mabungaran ang kanyang mukha.
“Ah, Nika ask me a favor kung pwedeng ako muna ang magbantay sayo. Nagugutom na daw kasi siya hindi ka naman niya maiwan ng nag-iisa.” Paliwanag niya na naupo sa kanugnog na sofa.
“I see. Wala na ba siyang ibang matatawag at ikaw ang pinakiusapan?” Mara said sarcastically.
“Tignan mo ito, sayo na nga concern ang mga tao nakukuha mo pang maging sarkastiko.” Naiiling na wika niya. How could this woman be so rude samantalang concern lang naman ang mga kaibigan nito sa kanya most specially him.
“Anong oras babalik si Nika?” matabang na tanong ng dalaga na hindi man lamang tumingin sa kanya.
“I don’t know, kakapasok ko lang dito nang magising ka.” Dapat kasi di ka muna nagising. Bulong niya sa sarili.
“May sinasabi ka?”
“Wala, ang sabi ko sandali lang naman siguro yon. Hindi ko rin gustong magbantay ng isang
pasyenteng napakasungit.” Bakit ba naisip niyang dalawin ang babaeng ito? Ang buong akala niya ay lalambot man lang ang loob nito sa oras na makita ang concern nya rito. Well, he’s wrong.
“Mabuti naman. Hindi ko rin gustong magpabantay sa isang lalaking punong puno ng hangin sa katawan.” Bakas ang inis sa mukha nitong tinuran.
“Zach, Thank you ha?” bungad ni Nika ng makapasok sa silid.
“Thanks God.” Naibulalas niya. “I have to go Nika. Call me If you need anything okay?” Ayaw na niyang makipag-argumento pa kay Mara. Nonsense din naman ang kanilang pinagtatalunan kung bakit siya pumapatol ay hindi din niya alam.
“Thanks again.” Nakangiting pasalamat nito sa kanya.
Tiningnan nya muli si Mara bago sya tuloyang umalis.
NA ramdaman ni Mara kanina na may nakatunghay sa kanya, ang marahang paghaplos ng buhok niya ng kung sinuman ay nagdulot ng kaiga-igayang pakiramdam. Ayaw na sana niya idilat pa ang mga mata upang malaman kung sino ang nagmamay-ari ng mga palad na iyon. Subalit ang pabango nito na kanyang na samyo ay pamilyar sa kanyang pang amoy.
Nang makita niyang si Zach ang lalaking iyon, she felt like a dozen of bolts ran through her veins.
His eyes that speaks through her heart seemed uncomfortable. Hindi niya gusto ang naramdamang iyon, kaya naman kahit masakit ang katawan dulot ng pagkabugbog mula sa aksidente ay nakuha niya itong tarayan.
“Uy Mara! Bakit mo naman tinarayan si fafa Zach?.” taas ang kilay na sita sa kanya ni Nika.
“Alam mo namang inis ako dun eh. Ewan ko ba naman kasi kung bakit siya pa ang pinagbantay mo, bakit hindi nalang si Ana or si Cassie?” She made face.
“Kasi si Cassie busy para sa nalalapit na kasal, si Ana naman well, sa pagkakatanda ko may importante siyang gagawin so tinawagan ko si Zach at d naman sya busy kaya ayon.” Paliwanag nito.
“Fine! So bakit nga pala ang tagal mo?” sita niya sa kaibigan.
“Sis, may nalaman ako.” Humugot muna ito ng malalim ng hininga bago nagpatuloy. “Isang lalaki daw ang nakitang pumasok sa bakuran mo that night before the accident. Ang sabi ng nakakita, akala nga raw niya eh boyfriend mo dahil may sarili daw itong susi.”
“What?” nanlalaking mga matang sabi niya. “Sino naman ang –“
“Sis, di kaya yung ex mo?” nagdududang kutob ng kaibigan.
“I doubt it Niks, wala siyang susi ng bahay.” Muli siyang nag-isip kung sino ang maaaring magkaroon ng susi ng kanyang bahay. Maliban sa mga kaibigang sila Cassie ay wala na siyang ibang pinagbigyan ng duplicate. “Nika? Bukod sa inyo nila Cassie at Ana wala na akong pinagbigyan ng duplicate ng bahay.” Aniyang sinabi ang nasa loob.
“Uy ha Mara! huwag mo kaming pagbintangan jan.” anitong pinaikot pa ang eyeballs.
“Hindi naman ganon Nika, kaya lang… wala ba kayong napagbibigyang iba?" nag-aalala na siya. Wala man lang siya kaide-ideya kung sino ang nagtatangka ng masama sa kanya.
“Wala naman sis. Kumustahin mo kaya ang Mommy mo? Baka mamaya may nakaaway yun eh sayo lang ibinabaling. Alam mo naman ang Mommy mo di kagandahan ang pag-uugali.” Napasimangot ito sa huling tinuran.
Aminado siyang hindi kagandahan ang pag-uugali ng kanyang ina noong nabubuhay pa ang kanyang Daddy. Pero hindi naman siguro sapat iyon upang pati siya ay mapahamak sa mga nakaaway nito noon.
“Hindi naman siguro Dan. Pero tama ka, may ilang buwan na din kaming hindi nag-uusap ng Mommy. Ang sabi kasi niya busy siya tuwing tatawag ako.” Tatawagan niya ang ina sa oras na makalabas na siya ng ospital. Kailangang malaman niya kung ano na ba ang nangyayari dito. Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng makausap niya ito ng matagal sa mga nangyayari ngayon ay malamang maaring may kinalaman ang mga nakaaway ng Mommy niya.
“Sis, ingat ka ha? Mukhang matindi na ito ngayon. Ang lakas ng kutob ko na may kinalaman ang
Mommy mo dito.” Babala ni Nika na bakas ang takot sa mukha.
“Ang Mommy?” Ulit niya.
“Basta, mag-iingat ka.” Muli nitong sabi. Kakaiba ang tono ng kaibigan niya ngayon, tila may isang bagay itong itinatago sa kanya. Anu man iyon ay aalamin niya rito sa oras na makalabas siya.
MATAPOS ang aksidente na iyon ni Mara ay pinapalitan na niya ang lahat ng door knobs at locks ng mga pintuan. Mahirap ng isa-alang alang ang kaligtasan niya ngayon. Hanggang sa kasalukuyan ay napag-iisip siya ng sinabi ni Nika, anong ibig sabihin nito?
“Nika?” Untag niya sa kaibigan na kasalukuyang nagbabasa ng magazine.
"Yes?” sagot nito na hindi man lang inaalis ang paningin sa binabasa.
“Ang sabi mo sa akin sa hospital mag-ingat ako, na maaaring may kinalaman ang Mommy sa nangyayari sa akin…” Alam niyang may itinatago sa kanya si Nika, sa ilang taon ng friendship nila ay noon lamang niya ito narinig magsalita nang ganoon. “Anong ibig mong sabihin Niks? may itinatago ka ba sa akin?”
Sandali siya nitong tinignan at ibinaba ang hawak. “Sis, love kita, alam ko ang mga pinagdaanan mo ng mamatay si tito. May mga bagay na kailangang ikaw ang makatuklas, pero hindi ko yata kaya na manatiling may itinatago sayo…” lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap. “Mara, hindi ko sinasadyang may marinig noong mga panahong nabubuhay pa ang iyong Daddy. Remember the night we slept over sa inyo?” marahan siyang napatango nang maalala iyon. Paanong hindi, iyon na yata ang una at huli nilang pajama party dahil mula noon ay ayaw na ni Nika.
“Papunta ako noon sa kitchen ninyo para kumuha ng juice dahil naubos na ang iniinom natin.” he stopped. Tila nagdadalawang isip kung itutuloy ba ang sasabihin o hindi.
“Nika…” untag niya ng hindi na ito kumibo pa.
“N-narinig ko ang parents mo, they were in the kitchen, they are having an argument.” Gumuhit ang awa sa mga mata nito nang tignan siya. “I heard your Mom threatening to kill your Dad sa oras na iwan siya nito. Pero hindi natinag ang Daddy mo, wala daw siyang pakialam basta huwag ka lang sasaktan ng mom mo.”
“Hindi ka daw sasaktan ng mom mo pero sisiguraduhin daw niya na mapapatay niya ang Dad mo sa oras na iwanan siya nito. Mara, mula sa narinig ko ay nalaman ko din na may… kalaguyo ang Daddy mo, though I have’nt heard clearly what’s the name of the woman I’m sure iyon ang dahilan kung bakit gustong iwan ng Dad mo ang Mommy mo.”
Pakiramdam niya ay nanlalaki ang ulo niya sa mga rebelasyon ng kaibigan. Paanong nangyari ang mga iyon nang hindi niya alam? Ang buong akala niya ay masaya ang pamilya niya at walang anumang problem... na nagmamahalan ang kanyang mga magulang.
Hindi man lang niya naramdaman kahit minsan na hindi mahal ng mga magulang niya ang isa’t isa. Lagi itong sweet at nagyayakapan, dama din niya ang concern ng mga ito sa bawat isa lalo na sa kanya. Gusto niyang magalit sa Ama sa kanyang nalaman, subalit wala naman siyang pruwebang makakapagpatunay na may kalaguyo ito maliban sa sinabi ng kaibigan.
Maluha-luha ang mga matang tinignan niya si Nika, kitang kita niya ang awa sa mga mata nito para sa kanya. All the while she was boasting that she had a good family at wala na siyang mahihiling pa. Pero hindi pala totoo ang mga iyon kundi puro kasinungalingan.
“Sis, I’m sorry hindi ko sinabi agad sayo noon. Alam kong masasaktan ka, alam kong kaibigan mo ako at responsibilidad kong wag itago sayo. Pero sana naiintidihan mo ako, masyadong komplikado ang mga nalaman ko, bukod doon ay usapang pamilya iyon at ayokong makialam.” Sinsero nitong hingi ng paumanhin.
Sa mga oras na iyon pakiramdam niya ay nabingi siya sa lahat ng sinabi nito. Pakiramdam niya ay sinaksak siya sa likod ng kanyang magulang, kasabay ng pagtarak ng isa pang patalim sa kanyang dibdib ng kanyang kaibigan.
“Maiintindihan ko kung nagagalit ka sa akin, pero alam kong maaaring may koneksiyon ang mga nangyayaring ito sayo ngayon –“
“Enough Nika! Walang kinalaman ang Mommy sa nangyari sa akin. Namatay ang Daddy dahil sa aksidente, that’s it!” Bakit pakiramdam niya ay pinagbibintangan nito ang Mommy niya sa pagkamatay ng kanyang daddy at sa mga nangyari sa kanya? Alam niyang hindi nito feel ang Mommy niya dahil daw masyado itong bias dahil sa pagiging bakla nito. Pero sobra sobra naman yata na isipin nitong ang Mom niya ang nais pumatay sa kanya.
“I’m sorry Mara, that’s not what I meant. Gusto ko lang magbigay sa iyo ng possibilities na
maaaring –“
“I said enough Nika! D mo ba ako narinig?” halos mag-igting ang mga litid niya sa pagpipigil ng galit na nais umalpas sa kanya. “Leave me alone Niks, I want to be alone.” Halos hindi mamutawi sa mga labi niyang sabi. Nais niyang mapag-isa, isipin kung ano ang gagawin niya ngayon matapos ang rebelasyon ng kaibigan.
“I’m sorry. But if you need anything call me.” Anito bago tunguhin ang pinto.