Chapter 12

921 Words
“MARA?” nag-aalalang boses ni Nika ang kanyang narinig. Marahan niyang iminulat ang mga mata. Sa nanlalabong paningin ay pilit niyang inaaninag ang mukha nang nakatunghay sa kanya. “Nika?” aniya nang tuluyang luminaw ang kanyang paningin. “Thank God! you’re okay now.” Anitong ginagap ang kanyang kamay. “Nika, na-nawalan ng preno ang kotse hi-hindi ko alam paano paano –“ “Its okay, Mara! it’s okay. You are safe now.” Putol ni Cassie na hinaplos ang kanyang noo. “Nang makita ng mga tao ang nangyari ay agad silang tumawag ng ambulansya at nadala ka agad dito sa ospital.” Paliwanag ni Nika. Tila naman noon lang niya napagtanto kung nasaan siya. “Mabuti nalang at galos at ilang sugat lang ang natamo mo.” Puno ng pag-aalalang sabi ni Ana naman sa kanya na naroon din. “Something is going on guys. Hindi ito nagkataon lang.” Pagpapaalam ni Nika sa dalawa pang kaibigan. “Sa palagay ko may nagtatangka talaga sa buhay ni Mara.” Pigil ang hiningang sabi nito na hindi iniaalis ang tingin sa kanya. “What? What do you mean by that Nika?” Gulat na napatingin sa kanya si Cassie. “Sino naman ang magtatangka ng ganyan sayo? May naka away kaba?” kunotnoong tanong naman ni Ana. “Wala! Hindi ko din alam.” Kibitbalikat niya. “Nakapagtatakang mawalan ng preno ang kotse ni Mara, bago lang iyon kaya napaka-imposible.” Singit ni Nika. Nakapagtataka nga naman iyon. Kailan lang niya binili ang kanyang auto para sabihing masisira agad ito hindi naman iyon second hand. Alam na kaya ng Mommy niya ang nangyaring ito sa kanya? “You looked worried Mara. Bakit?” Ani Cassie na napuna ang kanyang ekspresyon. “Alam na ba ng Mommy?” aniyang ang tinutukoy ay ang aksidenteng nangyari sa kanya. “Hindi pa.” sagot naman ni Nika na umupo sa kanyang tabi. “Good. Huwag ninyong sasabihin kay Mommy, ayokong mag-alala pa siya.” Mabuti ng hindi alam ng Mommy niya ang nangyaring ito sa kanya, ayaw niyang bigyan pa ito ng alalahanin. Ngayon lang nakaka-recover ang ina kaya hindi niya ito maaaring bigyan ng panibagong isipin pa. She sighed. “Di ba mas dapat ngang malaman ni tita ang kalagayan mo? Lalo na ngayon mukhang may nagtatangka daw sa buhay mo sabi ni Nika.” Bakas ang pag-aalala sa mukha na sabi ni Ana. “No. Masyado na siyang nalugmok noong mawala ang Daddy. Kapag sinabi ko baka mamaya mag-alala pa iyon. Hayaan na muna nating maging masaya si Mommy tutal wala namang nangyari sa aking masama, galos lang naman ang mga ito.” Tila alangan niyang sabi sa mga huling salitang binibitawan. DAIG pa ni Zach ang nabundol nang malaman niya mula kay Nika ang aksidenteng nangyari kay Mara. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang ang kabang bumalot sa kanyang dibdib. Mula sa Tagaytay ay halos paliparin niya ang sasakyan pabalik ng Maynila para mapuntahan agad si Mara. Alam niyang wala silang relasyon ni Mara, bukod roon ay galit pa yata ito sa kanya sa hindi niya maintindihang dahilan. Pero hindi rin iyon sapat na dahilan upang hindi niya ito puntahan. Sa buong buhay niya ay ngayon lang niya naramadaman ang maging ganito sa isang babae. Isang babaeng kailan lang niya nakilala pero tila napakalaki na ng nagagawa sa pagkatao niya. Alam niyang sa normal na panunuyo ay hindi papatol si Mara sa kanya kaya naman plinano niya ang mga magiging hakbang upang mahulog ang loob ng dalaga sa kanya. Pero hindi naman niya akalain na gagamitin pa ang kanyang ipadadalang sushi box para lang i-threaten ang buhay nito. Inis na napasuntok siya sa manibela. Sino naman ang maaring gumawa niyon kay Mara? Nang malaman niya na ginamit ang regalong ibinigay niya upang takutin si Mara ay agad niyang kinausap si Mia. Takot na takot nitong isinalaysay kung paanong bigla nalang may nagtakip sa ilong nito na dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. Matapos niyon ay hindi na niya nakita pa ang tangan na box. Humingi siya ng paumanhin dito dahil sa muntikan ng pagkapahamak ng sekretarya. “Nika, kumusta na si Mara?” puno ng pag-aalalang tanong niya nang masalubong si Nika sa may pinto ng silid ni Mara. “Okay naman na siya. Pero nag-aalala talaga ako kay Mara, Zach.” Anitong ipinagsalikop ang mga palad. “Alam ko na pinipilit niyang maging matapang sa mga nangyari sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi namin alam kung sino ang maaaring gumawa niyon sa kanya.” “Hindi bale Nika, tutulungan ko kayo. We will hire an investigator para malaman natin kung sino ang nagtatangka sa buhay ni Mara at kung bakit. Bukod doon hihingi na din ako ng tulong sa kaibigan ko para sa proteksiyon ni Mara, hindi natin dapat balewalain nalang ang ganitong pangyayari. Who knows what will happen next kung hindi tayo agad a-aksyon.” Hindi niya talaga hahayaang may mangyaring masama sa dalaga. Gagawa siya ng anumang paraan upang matulungan ito. “Salamat Zach. I know we can count on you.” Puno ng sinseridad nitong sabi. “Ikaw na sana ang bahalang magpasensya sa maldita kong kaibigan, ganyan lang talaga yan minsan pero mabait yan.” “Gising na ba sya?” aniyang ang tinutukoy ay si Mara. “Kakatulog lang kaya pwede mo ng silipin.” Natatawang tudyo nito sa kanya. “Ikaw muna bahala dyan ha? Nagugutom na ako, kakain muna ako sa canteen.” Paalam nito bago tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD