Chapter 2

1014 Words
MATAPOS makapag-park ay pinagbuksan ng pinto ni Mark si Nika. Bakas sa mukha ng kaibigan ang kasiyahan at kilig. Umibis na rin sa sasakyan ang date daw niyang si Zach, She was expecting him to be a gentleman too at least open the door for her. “Ano pa ang hinihintay mo dyan?” ani Zach na kumatok sa salamin ng kotse. Ungentleman talaga! Gigil niyang naisip. Matalisod ka sana. Dasal niya bago binuksan ang pintuan. Nakita niyang hinihintay na sila nina Mark at Nika sa labas ng pintuan ng naturang restaurant. A Japanese restaurant? Napakunotnoo siya. Alam na alam ni Nika na ayaw na ayaw niya ng Japanese food. And now here they are. “Kung tatayo ka lang diyan, hindi ka mabubusog.” Zach said in a cold tone bago ito nagpatiunang lumakad patungo sa kinaroroonan ng kaibigan. Antipatiko talaga! Ungentleman! Bastos! Nanggagalaiti niyang naisaloob. Magkakaroon din ako ng pagkakataon makikita mo! Masama ang loob na sinundan niya ito. Pilit na ngumiti sa sa mga kasama. “I’m sorry, I never told you.” Bulong ni Nika nang tuluyan na siyang makalapit dito. “You owe me big time Niks.” She hissed. Then smiled sweetly. “Let’s get inside. It’s getting late. I still have an appointment tomorrow morning.” Zach said before he went inside. “What’s with him?” she asks Mark. “He lost a deal today kaya bad mood yan.” Nailing na sagot nito. “Well, huwag niya akong idamay noh? Gosh, ang ganda ganda ko tapos gaganyanin lang ako.” Inis niyang turan na pumasok na rin sa naturang restaurant. SHE hates Japanese food. She had a date before who took her to a Japanese resto and almost p**e nang malasahan niya ang lansa ng ipinakain nitong sushi sa kanya. Ang sabi kasi nito masarap daw iyon, at sushi daw ang dinarayo sa restaurant na kanilang pinuntahan. Looking at the pink meat made her stomach feels like rumbling, it did look yummy. Pero hindi pala niya kayang kumain ng hilaw. Sa hiya ay pinilit nalang niyang lunukin iyon at sinabayan ng inom sa juice na kanyang in-order. After that incident she started to hate Japanese food. “Sigurado ka bang mango salad lang ang order mo?” tanong ni Mark matapos magsipag order ang mga ito. “Yup. I’m on a diet.” She smiled. “Diet? Sa payat mong iyan?” sabat ni Zach na tinignan siya mula ulo hanggang paa. “What? I’m not thin, I’m slim and sexy.” Maarte niyang pagtatanggol niya sa sarili. “Actually, malakas nga kumain si Mara. It’s just that she hates Japanese food.” Sa wakas ay nasabi din ni Nika ang hindi niya masabi. “Really?” nagtatakang tanong ni Mark. “Yes, lalo na ang sushi at sashimi. She really hates it.” Natatawa pang dugtong nito. Sa inis sa ginagawang pambubuko pa nito ay pasimple niyang sinipa sa ilalim ng mesa ang kaibigan. Balewala sa kanya na sabihin nito na ayaw niya ng mga pagkaing hilaw pero huwag nang dadagdagan pa. “So, do you have a boyfriend?” pag-iiba ni Mark sa usapan. “I’m available and looking.” “Zach is also available.” Pasaring sa kanya ni Nika. Nakita niya ang matalim na pagtingin ni Zach kay Nika. “I’m not looking.” “Actually Mara, Ang kaibigan kong to is sanay na ang babae ang nanliligaw sa kanya.” Nakangiti nitong paliwanag na tinapunan lang ng tingin ang kaibigan. “Oh, kaya pala akala mo God’s gift to women ang tingin niya sa sarili.” Nang-aasar niyang sabi in a singing voice tone. “Stop the sarcasm Mara. It’s not my fault I’m good looking.” Matiim itong tumitig sa kanya. Tila sinasabi na baka mamaya ay kaisa na siya sa mga babaeng nahuhumaling dito. “Excuse me!” napalatak niyang sabi. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang mga in-order. Tila nang-aasar na tinignan siya nito na kinuha ang isang piraso ng sashimi at isinawsaw sa soy with wasabe bago iyon isinubo. “Hmm..” nang-iinggit nitong sabi. “It’s good, you should try it you know?” Anitong nakangisi sa kanya. Napalunok siya sa ginawing iyon ni Zach, hindi dahil nandidiri siya sa sashimi but on how the way he eats it. It does look yummy, mukha itong commercial model sa ginawa nito. His sensible lips and his teasing smile. And his eyes! My! They are the most beautiful pair of eyes she had ever seen. “So? Na-convince ba kita?” maya-maya’y narinig niyang tanong nito. “No. Hindi pa rin ako kakain niyan.” Namumula sa inis niyang hinarap ang kanyang pagkain. “Hayaan mo na Zach, baka mainis na sa iyo iyan at bigla ka nalang batuhin ng chopsticks.” Natawang sabi ni Nika na sumubo. “Ikaw ang malapit ko ng batuhin niks. Kanina mo pa ako pinupuna.” tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Ano ba naman kayo, why don’t we just enjoy the food and the night?” May punto si Mark. Kung patuloy siyang maaasar sa buong gabing ito ay masisira at masasayang lang gabi niya pati ang beauty nya. “You will soon love to eat sashimi and sushi Mara. I’ll make sure of that.” Hirit pa ni Zach na muling sumubo ng sashimi. Hmp! bwesit na to! Mabulunan ka sana diyan sa hilaw na isda! Why is she losing her poise and temper on this guy? Samantalang ngayon pa lamang niya ito nakilala? There is something in him that she couldn’t explain. Naiinis siya sa pagiging mayabang nito, the way he talks na akala mo ay isa itong biyayang kaloob ng Diyos sa mga kababaihan, na isang mortal na kasalanan ang hindi magkagusto rito. And he was insane to think that she like him. Kung anuman ang nakakapagpawala ng poise and temper niya rito ay maaring dala lang talaga ng pagiging antipatiko at pagiging ungentleman nito. Muli siyang napatingin dito, masarap nitong ninanamnam ang bawat pagkaing isinusubo nito. Napabuntonghininga siya. Gwapo talaga ang pisti! Hmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD