“SIGURO kaya ka naiinis sa akin dahil ayaw mo aminin na type mo ako nung una mo palang akong makita?” nakangisi nitong sabi sa kanya habang matiim itong nakatitig sa kanya.
Kasalukuyan na silang nasa daan ngayon upang ihatid sila ni Nika sa kanilang bahay.
Mula sa rearview mirror ay nakita niyang nakatingin sa kanya sina Mark at Nika. Inis niya itong hinarap. “Kapal!” sigaw niya sa mukha nito.
Agad itong napalayo at pinunasan ang mukha. “Laway mo tumatalsik.” Natawang sabi nito.
“Come on, sanay na ako sa mga tulad mo… I’m very sure that you like me.” Dugtong pa nito na muling inilapit ang mukha sa kanya.
“Excuse me? No way!” she was really loosing her temper that she wanted to scratch his
beautiful face. “Hindi pa ako nahihibang.” Ingos niya dito.
“We’re here.” Maya-maya’y sabi ni Mark nang matapat sa gate ng kanilang bahay.
“Dito na ako Mark. Thanks again.” Anito nang pagbuksan ng huli ang pinto. She was thankful the night is finally over.
“Mara, here’s my card. Call me if you need me.” Nakangising sabi ni Zach na iniaabot ang isang tarheta.
She just looked at it. “I don’t need that.” Ismid niya dito bago tuluyang buksan ang pinto. But just as she was about to go out ay pinigilan siya ng kamay nito.
“Take it. Kung hindi mo talaga ako type. If not, iisipin ko na gustong gusto mo ako.” Isang mapanuring tingin ang ginawa niya at hinablot mula sa kamay nito ang card.
“Don’t I get a kiss for our date?”
“Excuse me! I only give kisses to guys who I enjoyed having date with. And you’re not one of them.” Inis na inis siyang bumaba ng kotse. Nagulat nalang siya nang tumambad ito sa kanyang harapan at hawakan siya sa batok kasabay ng pagsiil ng halik sa kanyang labi. Nanlalaki ang mga matang nakatingin lang siya dito at hindi nakahuma. She felt her knees weaken at biglang lumakas ang kabog ng dibdib nya, tila siya kakapusin ng hininga.
“See? We connect Mara.” Nakangisi nitong sabi nang bitawan siya.
Sa nanlalambot at nanghihinang tuhod ay isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito. “Jerk!” She screamed at nagmamadaling pumasok sa gate.
“We’ll be seeing again Mara.” Sigaw nitong hindi halos pumasok sa kanyang pandinig.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“JERK! GAGO!” inis na inis niyang inihagis ang bag sa couch at namamadaling tinungo ang medicine cabinet.
“Sis, anong ginagawa mo dyan?” nakabuntot sa kanyang tanong ni Nika.
Kinuha niya ang bulak at alcohol mula roon. “Nakakadiri!” bakas sa mukha niya ang nararamdaman. Nakangiwing ibinudbod niya ang alcohol sa bulak at ikinuskos iyon sa kanyang labi.
“Girl, hindi matatanggal ang katotohanang na nahalikan ka ni Zach.” Nakataas ang kilay na sabi ni Nika habang nakasandal sa hamba ng pinto.
“Eww!” diniinan niya pa ang pagkuskos. “Kahit na, baka may germs pa yun no!” inis nyang sabi naman dito.
“Hay bahala ka nga! Baka mamaya mamaga iyang nguso mo kapag di mo pa tinigilan yan.”
Nika said hopelessly na itinaas pa ang mga kamay.
Tinitigan niya ang labi sa salamin, medyo namula na nga ng paligid ng mga iyon. Agad niyang itinapon ng bulak na kanina lang ay ipinangkukuskos niya.
Bakit ganun? She felt her heart beat so fast and her knees also felt weakened nang halikan siya ni Zach? She never felt that way before, sa dami na ng humalik sa kanya, ngayon lang nangyaring nanlambot siya ng ganoon. She touched her lips. She remembered how Zach lips tasted; it was sweet just like white wine.
Nakakaliyo sa pakiramdam. My! Labi palang iyon nagkakaganito na ako? Oh no, bastos siya! Anitipatiko!
Jerk!
“Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! binigyan mo ako ng nuknukan ng yabang at manyak na date.” Gigil nyang sabi na pinalo ang binti nitong nakapatong sa armrest ng sofa.
“Aray naman!” ngumiwi ito. “Eh kasi naman, ang arte arte mo kanina. Alam kong maganda tayo sis, pero naman! hindi porke’t magaganda tayo deadma nalang ang katulad ng kagwapuhan nila fafa Zach.” Anitong itinirik pa ang mga mata.
“Heh! Gwapo gwapo ka dyan! gwapo mo muka mo!” sumalampak siya sa katabing couch nito. Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata. Ang malalam na mga mata ni Zach ang agad na rumehistro sa kanyang isipan na binagayan ng hindi naman katangusang ilong bagamat prominente, ang mga labi nitong sensuwal na tila na pakasarap. Ano ba itong naiisip niya? Nahihibang na nga yatang talaga siya, at bakit naman naisip niya ang mga iyon? Ipinilig niya ang ulo para mawala ang isiping iyon sa utak nya.
“Asus! Kunwari ka pa sister! Type mo noh?” malakas itong tumawa. “Para kang nananaginip ng gising dyan.” Anitong hinampas siya ng unan.
“Hindi noh!” depensa niya sa sarili. Ganoon ba ang hitsura niya kanina? Inis na binato din niya ng unan si Nika.
“Defensive ka girl! halatang halata naman.” Humalakhak nitong sinapo ang unan na hinagis niya.
“Hindi nga eh. Ano ka ba?” Naiinis siya. Bakit niya ba kasi iyon naisip? Marahas siyang tumayo at tinungo ang kwarto.
“Oy sis!” habol sigaw sa kanya ng kaibigan. Hindi na niya ito nilingon pa sa inis nya, baka ano nanaman ang maisipan nitong sabihin sa kanya.
Naramdaman niya namang sumunod ito sa kanya.
“Masyado ka talagang pikon kapag nabubuko ka Marafe.” Ito ang tawag na endearment sa kanya ng mga kaibigan niya sa tuwing napipikon na siya. “Sorry na. You know, ang true friends ang magsasabi sayo ng katotohanan lalo na iyong hindi mo makita na sila ang nakakakita.” Hinging paumanhin at paliwanag nito na umupo sa kama.
“Hay tigilan mo nga ako Nickolas.” Inis niyang sabi na tumungo sa banyo.
“Hoy bruha ka, walang personalan ha? Aba, payo lang dear.” Tila nilamukos na papel ang mukha nito nang banggitin niya ang tunay na pangalan ng kaibigan. “Nakaka-hurt ka na.” kunwa’y naiiyak nitong sabi.
“You know, ang true friends ang magsasabi sayo ng katotohanan lalo na iyong hindi mo makita na sila ang nakakakita.” Nakangising ulit niya sa sinabi ng kaibigan.
“Tse!”