TANGHALI na nang magising siya. She had the strange dream ever. Ikinasal daw siya kay Zach dahil nagdadalangtao siya! Ang Weird. Kakikilala lang niya sa binata pero napanaginipan agad niya ito.
Pumilig siya paharap kay Nika, subalit hindi niya ito natagpuan sa tabi. Kunotnoong napilitan siyang tumayo sa kama upang abutin ang papel na nasa side table na kanyang namataan.
Umalis na pala ang lokaloka, hindi man lang siya ginising. Patamad na tinungo niya ang pinto ng banyo upang makaligo na. Kailangan niyang magtungo sa supplier nila ng fresh flowers para sa kabubukas niyang flower shop.
Bukod kasi sa bookstore na kanyang na-franchise ay naisipan din niyang mag venture into flower business. She was encouraged by her friends dahil pare-pareho din ang mga itong mahilig sa bulaklak.
Apat silang magkakaibigan, her friend Cassie is managing their family business which was the C&R chain of groceries, at si Ana naman, hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho. And there is Nika, ang nag-iisang miss universe sa grupo. He was working as Cassie’s assistant sa tuwing umaalis ang huli to check their other branches. Sa ngayon ay nagsimula na din itong magnegosyo, he just opened up an internet café.
Matapos makapaligo at makapagbihis ay nagmadali na siyang umalis. Hindi na siya nagabala pang magmake-up tulad ng nakagawian niya. Masyado na siyang male-late kapag nag-ayos pa siya.
Tinignan niya ang relo sa kotse, alas onse e medya na, Pinagdarasal nya na sana ay wala pa ang kanyang kausap. Ayon kasi sa secretary nito madalas ay ala una na ito kung dumating, pero kapag may sumpong naman daw ay maaga palang naruon na ito. Ngayon pa lang niya makakaharap ang kanyang magiging supplier, sana lang ay bigyan siya nito ng mababang presyo at magandang terms.
Nang makadating na sa kanyang destinasyon ay agad niyang ipinarada ang sasakyan sa nag-iisang bakanteng parking lot.
Nagmamadali siyang umibis sa sasakyan, at tinungo ang de salaming pinto.
It was lunch time already kaya naman wala na siyang makitang empleyado sa loob maliban sa guardiya na nagbukas sa kanya kanina lang at sa isang janitor na kasalukuyang nahma-mop.
“Ma’m good afternoon po. Mamaya pa pong ala una babalik ang mga empleyado. Lunch break na po kasi.” Ani ng janitor na lumapit sa kanya.
“It’s okay, I can wait.” She smiled.
“Ah, sige po.” Magalang itong ngumiti at nagpaalam.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng opisina. It was not big, there are only a few tables sa ilan nitong mga empleyado. Nika was the one who referred her to this supplier of fresh flowers.
Imported daw at primera klase ang mga bulaklak ng naturang whole saler flower shop. Sinipat niya ang relo sa kanyang bisig, alas dose trenta na, trenta minuto nalang siyang maghihintay. She sighed.
Kumakalam na ang sikmura niya, hindi man lang kasi niya nagawang kumain ng umagahan dahil nga late na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
SHE waited hanggang mapansin niya ang isang lalaking mukhang pinagagalitan ang guwardiyang kanina lang na siyang nagbukas ng pinto sa kanya mula sa labas. Napakunot siya ng noo, medyo pamilyar sa kanya ang
itsura nito kahit nakatagilid lamang ito. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang guwardiya kasunod ang lalaki sa likod nito.
“Ma’am, pasensya na po kayo. Sa inyo po ba iyong black altis dyan sa gilid ng shop?” tanong nito.
“Yes. Why?” she confirmed.
“Kas –“
“Miss hindi mo ba nabasa yung karatula sa harap ng parking lot? It says "reserved"." sabat ng lalaking nasa likod nito na tumabi sa guwardiya.
“Ikaw na naman?” napakunot noo niyang nasabi nang mapagsino ang lalaki.
“Oh, so it’s you Mara.” Napalitan ng ngiti ang nangangalit nitong mukha.
“What are you doing here?” mataray niyang tanong na napatayo mula sa kinauupuan.
“Should I be the one asking you that.” He grinned.
“I was here to see Mr. Wilson.” Kaswal niyang sabi. “at ikaw? bakit ka naman andito?”
“So, you are here to see me.” He walked closer towards her, nanunukso ang mga matang
tumitig ito sa kanya. Napaatras siya, para siyang matutunaw sa mga titig nitong animoy humahagod sa kanyang kabuuan. Napapikit siya. Totoo ba ito?
“Mara.” Tawag nito sa kanya. Idinilat niya ang kanyang mga mata, only to find out his face was only an inch away from hers. Nahigit niya ang kanyang hininga. Bakit ba ngayon ko lang napansin na gwapo ka pala? Syet na malagkeet!, bakit ba ako nanginginig?
“H-ha?” ramdam niya ang pagbilis ng tahip ng kanyang dibdib. Ang mga t***k nitong kay lakas na tila ba siya lang ang nakakarinig.
“Mara, Ano ang kaylangan mo sakin?” Zach asked with a naughty smile on his lips.
“I – I was reffered by Nika… “ Gosh! ano ba to!Now she was really shakin’. Wala sa loob na napahawak siya sa tapat ng kanyang dibdib.
How can this man made her shaky and nervous samantalang kaharap lang naman niya ito? Pakiramdam din niya ay kinakapos siya ng hininga.
“Oh, yeah I remember Nika told me about a friend he reffered. Hindi ko lang siguro expected that it will be you.” Bahagya itong lumayo sa kanya at tinugo ang isang desk at naupo sa silya nito. “So, how can I help you?” anitong pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.
“Ah, never mind. S – sa susunod nalang siguro.” Bahala na, basta kailangan kong makalayo sayo!
Bakit ba sa tuwing titigan siya ng binata pakiramdam niya parang may bumubundol sa dibdib niya na kung ano. Nanginginig ang mga tuhod niya na animo’y bibigay anumang sandali. Hindi niya nagugustuhan ang kakaibang pakiramdam na ito. It was new to her and she never felt this way before. Bakit ganito! kainis!
“Are you sure? “ napakunotnoo nitong tanong sa kanya.
“Yes. Anyway, sorry for taking your space.“
“That’s okay. Come back if you need me – I mean my shop’s services.” Makahulugan itong
tumitig sa kanya na tila hinihipnotismo ang buo niyang pagkatao.
“S-sure.” She stammered stupidly bago tuluyang lumabas.
What was going on with her? Akala niya ay bibigay na ng tuluyan ang kanyang mga tuhod
kaninang kaharap niya si Zach. Muli niyang dinama ang dibdib na kanina lang ay parang may bumundol rito. She held a deep breath. Maybe she was just having hallucination because she never had breakfast. Yeah! tama! baka gutom lang to.
Napailing siya sa naisip. Next time she’ll make sure to take a breakfast before going out. Kung ano anu na kasi ang nararamdaman at naiisip niya.
Bakit nga ba hindi man lang niya naitanong kay Nika kung sino ang taong kakausapin niya sa flower shop na iyon? Hindi naman din niya inaasahang si Zach pala ang may – ari ng naturang shop nakakaloka. Kong alam kulang d sana hindi na siya tumuloy doon kung nalaman niya agad. Nang maalala ang kaibigan ay mabilis niyang kinuha ang cellphone at idinial ang numero nito. Malalagot ka talaga sa akin bruha ka! Aba! Nakakarami ka na huh! bwesit!
“Nika!” Gigil niyang tawag dito pagkasagot nito ng telepono.
“Yes?” Sagot naman agad nito sa kabilang linya.
“Bruha ka, bakit hindi mo sinabi sa akin na si Zach pala ang may-ari ng shop na ni-reffer mo sa akin?” halos hindi humingang talak niya dito.
“Oh, hindi ko ba nasabi?” maang-maangan na sabi ni Nika. “Sa pagkakaalam ko kasi
nasabi ko sayo eh.”
“Hay naku! Tigil tigilaan mo nga ako sa palusot mo Nika nakaka rame kana sakin.” Nawawalan ng pasensya niyang sabi. Feeling nya mauubusan sya ng dugo sa kaibigan nya.
“Bakit? Gwapo naman si fafa Zack, majatong! At higit sa lahat intelehente!”
“Abat! Don’t tell me you’re playing cupid now Nika!” aniyang na paisip sa mga pinaggagagawa ng kaibigan.
“I’m not cupid dear, I’m an angel.” Anitong tumawa pa.
“Hay! Nasaan ka ba ngayon ha?” Naku sasabunutan kita Nika!
“Ay! Sorry ayoko malagasan ng hair, Kaya… I’m out of town dear, nandito ako sa Tagaytay.” Tila nang-aasar nitong sabi na nabasa yata ang nilalaman ng utak niya. Sa inis ay binabaan niya ito ng telepono. Bruha ka talaga Nika. Nakuuu! Magkikita pa naman tayo eh, at sisiguraduhin kong kakalbuhin kita. Gigil niyang naisaloob.