SA kabilang banda, Hindi makapaniwala si Zach na muli niyang makikita si Mara, at sa mismong shop pa niya! Hindi niya akalain na makikita niyang muli ang maamong mukha na iyon na nagtataglay ng matang animo’y tigre.
Her light brown eyes darkened into deep brown when she is angry. Her lips, looks just like freshly picked red apple na animo’y napakatamis. And how can he forget Mara’s hair? Na kahit yata nasa ilang dipa pa ang layo nila ay nasasamyo niya, it smells like lavender. It even looks so soft kahit na ito ay maiksi. He feel strange to his self, because he never liked women with short hair. Ipinilig niya ang kanyang ulo, masyado na yata siyang na dadala ng kanyang imahinasyon, but whoever reffered her to his shop, he would gladly send a dozens of roses.
“Mukhang hindi yata matanggal ang ngiti mo sa labi pre.” Puna ni Mark na kanina pa pala
nakatingin sa kanya.
“H-ha?” napa utal pa nyang tugon dito.
“Oh, so hindi lang pala ngiti, mukhang wala ka pa sa sarili.” Natawang sabi nito na umupo sa visitors chair sa harap ng kanyang desk. “Care to tell me what made your day?”
“Oh, nothing. I just remember Mara.” Tila balewala niyang sabi na binuklat ang brochure na nasa kanyang harapan.
“Mara? You mean Mara as in Nika’s friend?” pagkukumpirma nito sa nang-aasar na tono.
“Yeah, I wonder who reffered her to my shop.”
“Pre, matalino ka naman di ba? Sino pa ba ang mag-re-reffer sa kanya kundi si Nika.” Malakas itong tumawa.
“Okay, so Nickolas a.k.a Nika reffered her to my shop?” Nangiting sabi niya. “Remind me to send her a dozen of roses.”
“Now, that’s new. Mukhang ibang klaseng tinik ang tumusok sayo ngayon ah.” Napalatak nitong sabi na tinapik siya sa balikat bago tumayo. “Sure. And I’ll send Nika your thanks.” Sabi pa nito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NONG mamatay ang mommy ni Zack ay naiwan na sa kanya ang pamamahala ng kanilang flower shop. Kaya sa ayaw o sa gusto niya ay kailangan niya iyong pamahalaan dahil siya lang naman ang nag-iisang anak. Bukod pa roon ay may sentimental value sa magulang niya ang negosyong ito.
Sa isang flower shop daw kasi nagkakilala at nagka-igihan ang kanyang mga magulang kaya naman iyon din ang naisipan ng mga ito na itayong negosyo.
“Sir Zach.”
“Yes, Mia.” Aniyang tiningnan ang sekretarya na may dalang mga bulaklak. “Oh please
don’t tell me –“
“Flowers for you sir, from Nicole.” Nakangiti nitong paalam.
“Throw it away.”
“Eh sir –“
“I said throw away!” Isa si Nicole sa mga babaing padala ng padala ng kung anu-ano sa kanya, at naiinis siya. Alam niyang madaming babae na ngayon ang agresibo pero kailan man ay hindi niya nagustuhan ang manguna ang mga ito na magpakita ng motibo, pero sobra naman ang padalhan pa siya ng bulaklak! Ano sya babae? Naiiling na tinungo ng sekretarya ang trashbin sa tabi ng kanyang mesa at itinapon ang bulaklak doon.
“Sir, nakakadalawa na kayo ng flowers ngayon araw.” Anitong nakatingin sa trashbin.
“Hayaan mo yan. Nag-aaksaya lang sila ng pera.” Aniyang itinuloy ang pagkweta sa kanilang sales.
“Sir, nga pala ipinare-remind nga pala ni Ms. Estra yung meeting ninyo mamayang Three thirty.” Paalala nito sa kanya.
“Ok, Thanks. Tell her I’ll come.” He said without taking his eyes off the papers.
“Sir, mukhang maging si Ms. Estra nabighani din ninyo.” Anitong hindi maitago ang pagsilay ng mapanuksong ngiti.
“Women. Hindi ba nila alam ang salitang –“
“There you are!” Masayang mukha ni lara ang sumilay sa kanya. “Hi, Mia.” Nakangiti nitong
bati sa kanyang sekretarya.
“Magandang araw ma’am.” Magalang nitong bati. “Sir, I’ll be at my table if you need anything.” Nakakaloko itong ngumiti.
“So, what brought you here?” Sa pagkakatanda niya ay sa susunod na araw pa ang usapan nilang date. Ano naman kaya ang naisipan nito at nagtungo pa ito dito?
“I just missed you honey. Isa pa, sa isang araw pa ang date natin.” Napasimangot nitong sabi sa huling tinuran. “Are you free to have a lunch with me today?” Malambing nitong tanong na lumapit sa kanya at pinaglaro ang mga daliri nito sa kanyang buhok.
“I – ah… Mia!” Napalunok siya. Napakaganda ni Lara, nakakaakit ang taglay nitong mga ngiti
sa labi, subalit hindi iyon sapat na dahilan upang pumayag siya. He had set his standards on women. He does not like it when they chase him, though he loves the attention and flatteries.
“Sir ano po yon?” tanong ni Mia na sumilip mula sa pinto. Isang pasimpleng senyas ang ginawa niya dito.
“Do I have an appointment this lunch?” Tanong niya nakaintinding sekretarya.
“You have a lunch meeting with Mr. Tamayo around eleven fourty five sir.” Anitong kunway
tinignan ang schedule mula sa hawak nitong planner.
“Ok, Thank you Mia.” Pasalamat niya dito bago muling bumaling kay Lara. “I’m sorry Lara, maybe some other time maybe?”
“Why do I have this feeling that you are just making that up?” nakasimangot nitong sabi na may himig ng pagdududa sa boses.
“I’m not honey, you heard Mia. It will be such pleasure to join you for lunch but this client came all the way from Laguna for a meeting. I’m sorry I can’t cancel it.” Mahaba niyang paliwanag habang masuyong hinahaplos ang pisngi nito. Sana maniwala sa kanya ang dalaga.
“Fine!. Basta, call me after your meeting ok?” lumabing sabi nito.
“Sure.” Sagot naman nya.
“I’ll go ahead now then.” Isang mapusok na halik ang iginawad nito sa kanya bago tuluyang umalis.
Napailing nalang siya, hindi pa man sila ni Lara ay nagde-demand na ito. Paano pa kaya kung may relasyon na sila? Napabuntonghininga siya sa naisip. How he wish that these women could spare him some time to breathe. Tila pagod siyang sumandal sa kinauupuan at mariing ipinikit ang mga mata.
“Sir.”
“Yes.” Matabang niyang sagot sa sekretarya na noon ay nakasilip muli sa pinto.
“Ms. Carlyn is on line 2.” Bigay impormasyon nito.
“Tell her I’m busy, and that I’ll call her back.” Aniyang muling ipikit ang mga mata. Carlyn is one of her clients, unlike the others who have their own flower shops, ang isang ito ay isang event coordinator. Kung dati ay bibihira itong tumawag to set for an appointment ngayon ay napapadalas na ang pangungumusta ng babae. Muli siyang napailing, tama nga siguro si Mia sa sinabi sa kanya, dapat ay limitahan niya ang closeness niya sa mga ito upang hindi magbigay ng maling akala na may gusto siya
sa mga ito. Minsa nakakainis din pala maging gwapo. Anya sa sarili.