Chapter 6

941 Words
“ANA, si nika asan?” nakasimangot na tanong ni Mara sa kaibigan na nadatnan niyang nakahilata sa sofa. “Nasa kwarto, natutulog daw.” Natatawa nitong sabi. “Ang bruha! Teka nga.” Nagmamadali niyang tinungo ang kwarto kung saan ito natutulog. Nang marating ang tapat ng pinto ay pabalagbag niyang binuksan iyon. “Ay kabayo!” gulat na napatayo si Nika mula sa pagkakahiga sa kama habang tuptop ang dibdib. “Bruha ka!” Inis na binato niya ito ng unan na nasa tapat niya. “Bakit hindi mo sinabing si Zach pala ang may-ari ng shop na ‘yon?” “Naman! Yun lang ba itatanong mo ma ha heart attack ako sayo ng d oras eh!” Dan made face and sat. “Mara, kung sasabihin ko sayo for sure hindi ka pupunta diba.” “Buti naman at alam mo!” Inis niyang sabi na umupo rin sa tabi nito. “Sayang naman kasi ang big discount sis. Imagine sabi ni Mark bibigyan ka niya ng fifty percent discount? Is’nt that amazing my friend?” tuwang tuwa nitong sabi na pinasalikop ang mga palad. “Fifty percent discount?” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kaibigan. Malaki nga naman talaga iyon kumpara sa iba niyang napag-canvasan. Ang ilan lang ay ten to fifteen percent ang kayang ibigay. “Teka, si Mark ang nagsabi niyan. ‘Yung may-ari alam ba? baka gawa gawa nyo lang yan.” nakataas ang isang kilay niyang tanong dito. Baka lang naman kasi pinaglololoko siya nito ni nika para lang doon siya kumuha. “Ano ka ba? Si Mark ay matalik na kaibigan ni Zach. Meaning, kapag si Mark ang humiling siguradong pasok sa banga!” anitong tumili pa. “Landi mo talaga sis!” Natawa niyang hinampas ito sa balikat. “It does not mean na papayag yun lalo na kapag nalaman niya na ako ang kukuha.” Napasimangot niyang sabi diyo. “Loka loka! I don’t think so. Maganda ka Mara, use it.” Makahulugan itong kumindat sa kanya. “Nako nako! Ayoko ng iniisip mo Nika. Di bale nalang na kumuha ako sa iba kesa ganyan.” At ang bruha gusto pa siyang ipain ng buhay sa kaibigan ng kinalolokohan nitong lalaki. No way! “Ikaw din, sayang yon no! ang laki.” Anitong pinagdiinan ang dalawang huling kataga. Double meaning nanaman ang bruha. Pero, sayang nga naman, fifty percent discount is fifty percent discount. Bahala na nga! HINDI siya pinatulog ng gabing iyon nang dahil sa sinabi ni Nika. Ang tumatagingting na fifty percent discount ang naiisip niya. Pero kapalit niyon ay makakausap naman niya ang pinakahambog na yatang lalaki sa balat ng lupa. Jusme! Kung totoo man na sa palagay niya ay attracted sa kanya si Zach kaya nito ginagawa ang bagay na iyon sa kanya, she’ll make sure na gagamitin din niya iyon for her benefit. “Josh, is it true?” mangiyak – ngiyak niyang tanong. “What are you talking about Mara?” nalilitong tanong ng ni Josh, ang kanyang boyfriend. It’s been three months at wala naman silang nagiging problema ng binata. At ngayong nagkaroon naman, sumobra naman yata. Kunsabagay, saan ka nga naman nakakita ng problema na hindi sobra. tsk! “That you have another woman.” Matiim niyang tinitigan ito sa mga mata. She was praying that it’s not true. “It’s not true. Saan mo naman nakuha ang balita na yan Mara?” naging mailap ang mga mata nito na kanina lamang ay nakatitig din sa kanya. Bulls eye! Iyon lamang ang hinihintay niyang senyales upang patunayan kung totoo ang sinasabi nito o hindi. And he failed. “So totoo nga.” Pinatatag niya ang boses sa kabila ng pagnanais niyang maglupasay. Ngayon lang siya na-inlove ng totoo tapos lolokohin lang siya. She calmed herself as she kept on starring at Josh para makita ang mga reaksyon nito. “It’s not. Look, pagod ka lang honey. You’ve been working like hell lately dahil sa business mo. Masyado ka nagpapaniwala sa mga sinungaling mong kaibigan.” Marahan nitong hinaplos ang magkabilang balikat niya. “How dare you to accused my friends a liar! At paano mo nasabing sila nga ang nagsabi sa akin huh?” marahas niyang ipiniksi ang mga balikat na hawak nito. “N-naisip ko lang. Sila lang naman ang maaaring magsabi sayo ng kung anu ano.” Kibit-balikat nito. “Bakit? Hindi ba totoo naman?” matapang na asik nya dito “Na ano?” anitong nawawalan ng pasensyang inihilamos ang mga palad sa mukha. “That you have another woman! That you cheated on me!” Hindi niya ito titigilan hangga’t hindi nito nakukuhang umamin sa kanya. Halos lahat na yata ay ibinigay niya sa binata, Maliban sa isa, ang kanyang p********e, at nagpapasalamat siya. “Oh! Na nakita ako ng friend mo na may kasamang babae on the way to a Hotel?” anito na hinilot-hilot ang sentido at bakas sa muka nito ang pagkainis. “Yes.” “And that the woman is a Korean.” Patuloy nito. “Yes.” Muli niyang sagot. “Alam na alam mo naman pala ang nakita ni Cassie. So, it is true.” She confirmed. “And damn you kapag sinabi mong kaibigan or pinsan mo iyon! Wala kang Koreanang Kaibigan. Higit sa lahat wala kang pinsang koreana Josh.” Bubuka pa lamang ang mga bibig nito upang muling magsalita subalit inunahan niya na ito. “This conversation is over.” Sa puntong iyon ay hindi na niya nakayanan pa. She left without anymore words to say to Josh. It’s over… it’s really over now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD