Chapter 7

746 Words
“MARA, ano ka ba girl! tanghali na nandyan ka pa rin?” iritableng sabi ni Nika mula sa kabilang linya ng telepono. “I don’t feel good at this moment.” Patamad siyang naupo sa kama. “Tigilan mo nga ako sa arte mo sis, if I know naisip mo nanaman ang sira ulong Josh nayon no?” anitong tila nahuhulaan ang naisip niya. “Sya, Sige na pupunta na ako.” Final fitting na ng dress para sa kasal ni Cassie. Buti pa ito ikakasal na, sa kabila ng matinding pinagdaanan ng puso nito at long last nagawa pa rin nitong maging happy ending ang love story ng buhay nito. Hindi pa man nangyayari ang kasal ng kaibigan ay nai-imagine na niya kung ano ang itsura nito. Mula sa pangarap nitong beach wedding at sunset ay paniguradong napakasaya ng kaibigan niya lalo na dahil makakasama na nito ang lalaking mahal na si Alex. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang ginawa bago tuluyang tumayo at naghanda sa pagkikita nilang magkakaibigan. Hindi bale nang late kesa hindi makarating. Ilang sandali pa ay nakarating na rin siya sa harap ng shop ng cutourier ni Cassie. Abot-abot ang kaba sa dibdib na hindi niya mawari, pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya. Imagination mo lang iyan Mara wag kang praning. Wala iyan, kulang ka lang sa tulog. Aniyang kinausap ang sarili upang pakalmahin. Maluwag ang mga ngiting ibinungad niya sa baklang prenteng nakaupo sa likod ng mesa nito na siyang magtatahi ng kanilang isusuot sa kasal ni Cassie. “Hello, I’m here for the fitting.” Kaswal niyang sabi dito. “Hi, you must be Mara.” Ngumiti ito bago tumayo at lumapit sa kanya. “Yes. Sila Nika?” Napuna niyang wala ang mga kaibigan na buong akala niya ay naghihintay sa kanya. “Kakaalis lang nila. May emergency daw si nika, samantalang si Ana naman ay may kakausapin daw po na tao.” Kibit-balikat nito na lumapit sa cloth rack upang kuhanin ang dress na siya niyang isusuot. “Hindi man lang ako na hintay ng mga bruhang yon.” Napasimangot niyang sabi na inabot ang damit na siya niyang isusukat. “BONGGA!” pumalakpak na sabi ng bakla makalipas ang ilang sandali na naisuot niya ang dress. Ang bagsak na telang satin na abot hanggang sakong ay humakab sa mala-modelo niyang pigura. Ang may kababaang v-neck line ay lalong nag-emphasize sa may kalakihan niyang hinaharap. Ang ilang sequins sa empire cut na damit ay lalo ding nakapagpatingkad ng kanyang pagiging mestiza. “Parang matatalbugan mo yata ang bride sa damit mo!” natawang bulalas ng bakla. She looked at the mirror, mukhang siya nga ang ikakasal sa napili ng kaibigan na design. “Bakit ganito? Mukhang ako ang ikakasal kaloka!” natawa na rin niyang bulalas. “Actually hindi naman. Magkaiba kayo ng design ng damit ni Ana. Samantalang si Cassie, dahil siya ang bride… mas bongga!” tili nito na itinaas pa sa ere ang mga kamay. “Kunsabagay.” Muli niyang tinignan ang repleksiyon sa salamin. She imagined herself being the bride walking down the aisle habang naghihintay sa harap ng altar ang kanyang groom. She sighed. Kailan kaya mangyayari iyon? Ipinilig niya ang ulo sa isipin. Muli niyang tinungo ang dressing room upang makapagpalit muli. “Ganda, bumalik ka dito after two weeks to pick up your dress.” Ani ng baklang muling isinabit sa rack ang damit matapos niyang makapagpalit muli. “Of course. See you then.” Nakangiti niyang paalam dito. PAGLABAS pa lamang niya ng pinto ng shop ay muling bumalot ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Ilang beses siyang nagpalingon lingon bago tuluyang sumakay sa kanyang oto. Sa buong buhay niya ay noon lamang siya nakaramdam ng ganoon, tila ba may nagmamasid sa bawat kilos niya subalit hindi naman niya iyon makita. Imagination mo lang iyan Mara. Muli niyang pagpapakalma sa sarili. Malalim siyang bumuntonghininga bago nagawang paandarin ang sasakyan. Ilang beses pa niyang inilibot ang paningin, umaasang may makikitang kahina-hinala, subalit wala siyang nakita. Mabilis niyang nilisan ang lugar kasabay ng unti-unting paglaho ng kabang nadarama. Lingid sa pagkakaalam nya ay may isang pares ng mga mata ang nakakubli at matalim na nakamasid sa kanya simula nong pagdating nya hanggang sa pagalis. Ngumiti ito ng nakakapangilabot sa papaalis na sasakyan at marahas itong napabuga ng hininga kasabay ng pagalis din nito sa naturang lugar. Kung anuman ang iniisip nito ay tanging ito lamang ang nakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD