Chapter 8

766 Words
"I'M not be here tomorrow at may darating tayong stocks. Sasamahan ko si Nika para bumili ng regalo for Cassie’s wedding.” Paalam ni Mark sa kanya. “Seryoso ka na ba jan?” Kunot-noong tanong ni Zach dito. “Sa alin?” Sabi naman ni mark “Kay Nika? I mean you’ve been like constantly dating for the past few days.” Kibitbalikat niya. Kahit yata kelan ay hindi niya naisip na papatol ang kaibigan sa isang tulad ni Nika. “What do you mean?” Natatawang sabi nito. “Nika is my friend, hanggang doon nalang yun, hindi tulad ng iniisip mo ang relationship na meron kami.” Paliwanag pa nito. “Oh, I see. But please don’t give him false hope. Kawawa naman yong tao.” “He knew about it, kasi napag-usapan na namin ang bagay na iyan.” Mark smiled. “Thanks for the concern.” Anito bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina. Mula pa kolehiyo ay kaibigan na niya si Mark sa kabila ng agwat nila noon sa buhay ay hindi ito naging hadlang upang hindi sila maging matalik na magkaibigan. Nakita niya kung paano nagsumikap si Mark na maabot ang mga pangarap nito. Sa ngayon ay isa na ito sa mga kinikilalang model bukod sa trabaho nito sa kanya. Isang ‘workaholic’ yun ang tingin niya sa kaibigan. Muli siyang napatingin sa pintong nilabasan ng kaibigan. He wished that Mark will not go into a relationship with Nika. Speaking of Nika, papadalhan niya nga pala ito ng mga bulaklak. Nais niyang magpasalamat dito, dahil kay dito ay nakilala niya si Mara. He admits he was fascinated by Mara, her face that speaks a thousand words. Sa bawat kibot ng mga labi nito at bawat ekspresyon ng mukha ay tila napakaraming ibig sabihin. And Mara is one of a kind dahil ito lang yata ang hindi na bulag sa kanyang panlabas na hitsura. He grinned upon reminding how Mara reacted when he said to her that He likes her. “Sir, tumawag si Mr. Tamayo, he was reminding about his order he placed last Thursday.” Paalala ni Mia na sumungaw sa may pinto. “Oh, i almost forgot. Tawagan mo si Carl para maisaayos na ang mga orders ni Mr. Tamayo.” “Sir wala po si Carl di ba? On leave po siya.” Paalala ni Mia na napakunotnoo. Nawala naman sa isip niya na umuwi nga pala ng probinsya si Carl. “Isa pa sir, bukas pa darating ang delivery.” Muli nitong paalala. “Oo nga pala." Masyado na ata syang ulyanin at d na nya maalala ang nga bagay bagay. "Anyway, ako na balaha sa orders, for now… Can you do me a favor Mia?” “Sure sir.” Maluwag itong ngumiti. “Please arrange me a dozen of white roses.” Aniyang hinarap ang computer. “Roses sir?” nagtatakang tanong nito. “Yes. And don’t forget to put a thank you card in the name of Nika.” Paalala pa niya na hindi tinanggal ang mga mata sa monitor ng computer. “Wow, bago yan sir.” Nakangiting sabi nito. “Ang alin.” Aniyang nalipat ang tingin sa tila nanunuksong sekretarya. “Yong Magbigay ka po ng flowers.” Natatawang sabi nito. Tama si Mia, sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya magbibigay ng bulaklak at hindi pa sa isang babae kundi sa isang binabae! “Don’t get me wrong Mia. The flowers are for Nika pero hindi siya isang babae he was a friend. I just want to thank him.” “Oh, okay po. Iyon lang po ba?” Natutop naman nito ang bibig sa kanyang sinabi. “Ah, and please order a box of sushi at Misato and deliver it to Mara.” Napangiting dagdag niya. He wonder how Mara would react sa oras na makita nito ang sushi box. “Mara? Bakla din sir?” Curious na tanong ng atribidang si Mia. “No. Just do as I say Mia or you’ll be jobless in no time.” Cursed him for hiring a secretary like Mia. Lahat na yata ng pinagagawa niya dito ay may katanungang kasunod. “Sabi ko nga po.” Anito bago lumabas. “Ay sir –“ “Ano nanaman?” nawawalan ng pasensya niyang sagot. “Paano ko po ipapadala eh di ko naman alam ang address nila?” “Hmm… just prepare it. Ako na ang bahala sa address.” Pagtatapos niya sa katanungan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD