“OH! Wow! What a nice flowers sister!” bati ni Ana na nakatingin sa bulaklak na hawak ni Nika.
“Thank you.” Tila kinikilig na sabi nito.
“Sino nagbigay? Si Mark?” tanong ni Mara na sumalampak sa sofa.
“No. Guess who?” kinikilig na sabi nito na niyakap pa ang mga bulaklak.
“New fafa mo?” Sabad ni Cassie.
“No.” muli nitong sagot.
“Okay, stop the guessing game Nika, masyado na kaming naiintriga. Sino ba talaga?” curious na tanong ni Mara na hindi na makapaghintay pa.
“Galing kay fafa Zach!” tumili pa nitong sabi.
“Oh! Akala ko ba ka date yon ni Mara? eh bakit sayo nagpadala ng flowers?” Nagtatakang tanong ni Cassie.
“Well, ganyan talaga. Siguro na-realized ni fafa Zach na mas bagay kami. Hindi naman rin kasi siya pinapansin ng isa dito.”
Inis na tinapunan ng masamang tingin ni Mara si Nika. Supalpalin kaya niya ito ng mga bulaklak nitong hawak? Para itong bulateng binudburan ng asin kung kiligin.
“Type ka ni Zach?” magkakapanabay na sabi ni Cassie at Ana na sa kanya nalipat ang atensyon.
“Hindi! At hindi ko siya magugustuhan no! So leave me out of this, I’m leaving na! bye!” walang preno niyang tanggi kasabay ng pagtayo upang tunguhin ang pinto. Mga lukaret akala siguro papatulan niya ang isang tulad ni Zach na maniac! No way!
SA kabilang banda Inilapat ni Zach ang likod sa malambot na backrest ng sofa. It was almost midnight ng makauwi siya mula sa opisina dahil sa rame ng deliveries. Sa kabila ng malaking kinikita sa negosyo ay hindi pa rin niya ito pweding basta basta na lamang ipasa sa iba ang trabaho. Kung wala ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tauhan ay siya na ang gumagawa ng naiwan nito.
Malalim siyang napabuntonghininga, minsan nais na niyang magpahinga subalit hindi naman maaari. Siya nalamang ang inaasahan ng ama lalo na nang mamatay ang kanyang ina. Mula kasi ng pumanaw ang kanyang mama ay lubos itong na saktan at na depressed, dahilan upang mapabayaan nito ang kanilang negosyo.It was almost doomed to fall when he finally decided to manage it kahit wala siyang hilig sa ganoong klaseng negosyo. And now, he is enjoying the business dahil nakita niyang marami pala siyang napapasayang mga tao sa lpamamagitan ng mga bulaklak.
IT’S been one month nang huli niyang dalawin ang ama sa resthouse nila, maliban sa paminsan minsan niyang pagtawag dito, nasa mabuti naman daw itong kalagayan sabi ng private nurse na kinuha niya para dito. Masakit man sa loob ang makitang lugmok sa depresyon ang ama ay tanggap na niya ang katotohanang hindi nito kaya na wala ang kanyang mama. Ilang beses narin itong nagtangka na kitilin ang sariling nitong buhay. Mariin siyang napapikit nang maalala ang isang tagpo na kanyang naabutan.
“Sir! yong ama nyo po!” salubong sa kanya ng humahangos na katulong, bakas sa mukha nito ang matinding takot.
“Bakit? Anong nangyari kay papa?” Kinakabahang tanong niya. Iyon pa lamang ang kanyang naririnig ay mabilis na niyang tinakbo ang puno ng hagdan patungo sa silid ng ama.
Nanlaki ang kanyang mata nong nakita nya ang papa nya na walang malay na nakahiga sa kama. Patakbo syang lumapit dito at yinogyog upang gisingin ito. Ngunit d ito magising! Nakita nya sa tabi nito ang bote ng sleeping pills na halos ma ubos na ang laman. Kinabahan sya bigla at mabilis niya itong binuhat upang madala sa pinakamalapit na Hospital.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“KUMUSTA po ang lagay ng Papa ko doc?” nag-aalalang tanong niya sa doctor na siyang tumitingin sa ama.
“Okay na siya don’t worry, nai-lavage na namin siya. Lahat ng ininom niyang pills ay natanggal na.” paliwanag nito na tinapik siya sa balikat bago tuluyang umalis.
Abot abot ang pasasalamat niya sa kaligtasan ng ama. Agad niyang tinungo ang kwarto kong saan ito inilipat mula sa emergency room.
Mula sa kinatatayuan ay nakita niya ang mahimbing na pagkakatulog ng ama. Hindi niya lubos maisip na darating ito sa puntong nais na nitong wakasan ang sariling buhay.
Ilang beses muna siyang huminga ng malalim bago ito nilapitan. Punong puno ng agam agam ang kanyang dibdib. Paano kung hindi agad siya nakauwi ng maaga? Nasaan na sila ngayon? Paano na siya? Bagama’t isa siyang lalaki ay hindi maiiwasan ang mangamba siya at masaktan sa mga nangyayari sa kanilang buhay. Isang taon pa lang ang lumilipas ng mamatay kanyang ina, subalit heto ang ama at nais na ring sumunod rito.
Marahas siyang napabuntonghinga sa mga alaala. Magta-tatlong taon na mula nang iwan sila ng kanyang mama, pero heto at tila siya lamang mag-isa ang natira. Sana dumating na ang panahon na magising ang kanyang papa sa pagkakalugmok nito. Sana matauhan na ito na hindi ito nag-iisa dahil narito pa siya. Sana…
HINDI pa tuluyang nakakapasok si Mara sa bookstore ay damang dama niya ang pagtayo ng balahibo niya sa batok. Isang pamilyar na kaba ang muling pumaloob sa kanya. Panay ang kabog ng kanyang dibdib. Tila pagod na napahaplos siya sa kanyang batok upang pawiin ang kanyang nadarama.
“Oy Mara!” malakas na sigaw ni Nika.
“Ay palaka!” napatalon niyang sigaw. “Ano ka ba naman Nika! Papatayin mo ba ako?” iritable niyang sabi na hinampas ito sa balikat.
“Eh kasi naman sister, kanina ka pa nakatayo sa harap ng shop mo. May problema ba?”
“W-wala naman.” Aniyang pumasok sa loob ng kanyang maliit na bookstore habang kasunod si Nika.
“Bakit ka nga pala nandito?”
“Ah, kasi tinatanong ni Mark kung tinatanggap mo raw ba yung offer niya.”
“Ha? Offer? Anong offer ang sinasabi nya? wala akong maalalang may na e offer sya sakin.” kunotnoong tanong niya rito.
“Ano ka ba sis? Yong fifty percent discount diba?” anitong nasapo ang noo.
Nakalimutan na nga pala niya ang tungkol sa sinasabi nitong offer sa kanya ni Mark. hanggang ngayon ay pinag iisipan pa rin niya ang bagay na iyon. Mark maybe Zach’s friend pero hindi ibig sabihin niyon ay ito na ang masusunod pagdating sa negosyo ni Zach. “I’m still thinking about it Niks.” Matabang niyang sagot.
“Ano ba sis! ang ganyan kalaking discount ay hindi na pinag-iisipan pa kundi tinatanggap na agad agad!” eksaherado nitong sabi na tila gigil na pinagsalikop ang mga palad.
“Hay nako nika pwede ba, just give me a few more days na mag decide. Isipin palang na ang magiging ka-transaksiyon ko ay si Zach nangingilabot na ako.” Napairap niyang sabi sa huling tinuran.
“Ok Fine! pero ito lang ang sasabihin ko sayo, ‘Time is ticking’ ang negosyo mo ay bulaklak girl hindi punerarya!” anito bago tuluyang linisan ang shop.
Naiwan naman siyang nag iisip sa sinabi ni Nika. Malaking tulong talaga ang magagawa ng sinasabi nitong discount. Pero kung anong laki ng discount na binibigay sa kanya ay siya namang laki ng diskumpiyado niya. Malakas ang pakiramdam niya na may plinaplano sa kanya ang kaibigan, kung anuman, malalaman din niya iyon. For now, maaring tama si Nika kailangan na niyang patulan ang offer bago pa magbago ang isip nito, sayang din ang malaki niyang kikitain.