Chapter 10

1289 Words
“ZACH, one of these days I’m sure na kakagat na din sa pain natin si Mara.” Nakangiting bungad ni Mark sa kanya. “Oh! That’s good, Nakausap mo na ba si Nika tungkol dyan?” “Yes, pero tulad ng inaasahan pag-iisipan pa daw ni Mara ang offer.” Nakangisi nitong sabi. “Talagang desidido kana kay Mara huh?” naiiling iling na sabi ng kaibigan sa kanya. “Hindi naman, I just wanted to know what’s with this strange feeling i had since i first kissed her.” aniyang tila nagbalik tanaw. “Pre, inlove ka na?” It’s more of a confirmation by Mark rather than a question. “No, Hindi naman siguro. Attraction… maybe.” kibit balikat niyang sagot sa sinabi ng kaibigan. Ano nga ba ang pumasok sa kukote niya at naisipan niyang kasabwatin ang kaibigan at si Nika sa bagay na may kinalaman kay Mara. Sa hitsura palang kasi ng dalaga ay tila napakahirap na nitong suyuin. Ang bigyan ng fifty percent discount ang dalaga ay batid niyang malaki na ang ikalulugi niya dito, but he can’t help himself. Just the thought of not seeing her brings emptiness he can’t understand, and that made him feel more intrigue about what he is feeling, knowing that she only met her twice. Nang sabihin ni Mark sa kanya na naghahanap ng supplier ng flowers si Mara para sa itatayo nitong shop ay agad na pumasok sa isip niya ang isang plano, ang plano na maging siya mismo ay nabigla sa sarili. Halos hindi makapaniwala ang kaibigan niya sa kanyang mga plano, sa hindi maintindihang dahilan ay nais niyang madaliin ang araw upang hindi na makatanggi si Mara. And he felt like he could do anything just to see her again in a way that she can not runaway from him. “Talagang tinamaan ka kay Mara, alam mo bang mukha kang tanga na ngumingiting mag-isa dyan Zach?” ani Mark na nakakalokong nakangiti sa kanya. “I told you, I’m not.” depensa niya sa sarili. I just wanted to find out something. Nais niyang muling idugtong subalit hindi nya nalang tinuloy baka kong ano na naman ang sabihin nitong Kaibigan nya. “But you are planning. First time yan ha? Bakit Zach? Siya lang ba ang hindi nabulag ng charms mo?” natawang sabi nito bago humalakhak. Bakit nga ba? Siguro nga dahil ito lang yata ang babaeng hindi na-aattract sa kanyang pisikal na anyo sa unang pagkikita. Aminado siya, he is not as handsome like any other man but he have this different charm that attracts women.Maaring isa pang dahilan ay dahil hindi siya nasanay na i-trato ng kaiba sa kanyang nakasanayang panunuyo ng mga babae sa kanya. Kung tutuusin ay masmarami pang masmaganda kaysa kay Mara, subalit may kaiba sa dalaga na nais niyang tuklasin. He sighed. Maybe he was really insane doing these kind of things just for a woman. “Sir, Nika is on line 1.” paalam ni Mia sa kanya. “I’ll take it.” aniyang pinindot ang buton sa telepono bago tumingin kay Mark. “Yes Nika.” Aniya nang marinig ang boses ng kausap. “Akala ko ba padadalahan mo si Mara ng sushi?” ani ni Nika sa kabilang linya. “Ha? yeah, I told Mia to send it. Wala pa ba?” nagtataka niyang tanong rito. May ilang araw na din ang nakakalipas nang sabihin niya kay Mia na padalhan ang dalaga ng sushi box. Nakakapagtaka naman yatang nakalimutan nito iyon samantalang naipadala nito ang bulaklak na iniutos niya para kay Nika. “Wala pa.” Nika said confirming. “Okay wait, sasabihin ko uli kay Mia na padalhan si Mara, maaring nakalimutan lang.” “Okay then, she’ll be at her house around eight this evening.” anito bago ibinaba telepono. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ “SO Hindi mo pa napadalhan si Mara? I thought you have a very efficient secretary?” Mark said teasingly. Isang matalim na tingin ang ipinukol niya rito. “Mia!” inis na tawag niya sa sekretarya. “Sir?” Nakangiting bungad ng tinawag. “Did’nt I told you to send Mara Sanchez a box of sushi?” Salubong ang kilay niyang tanong rito. “I-i’m sorry sir, it must have slipped my mind.” Anitong naglaho ang mga ngiti sa labi. “Send her before eight tonight.” maawtorisadong utos niya rito. “Yes sir.” yuko ulong sagot ni Mia. MASAKIT ang katawan na inilapat ni Mara ang katawan sa malambot na kama. Kadarating lang niya mula sa pinapaayos na flower shop na siya niyang bubuksan. Ilang araw na din mula nang pasimulan niya ang construction ng interior nito at marami pa siyang kulang. Kung sa pera naman ay wala siyang problema dahil isang tawag lang niya sa kanyang Mommy agad siyang padadalhan niyon ng karagdagan kong kulangin man sya. IT was six years ago when her Daddy died from a car accident. Halos mamatay siya sa sama ng loob noong mga panahong iyon. She was very close to her dad dahil nag-iisang anak lamang siya. Ito ang karamay niya sa ups and downs kaya napakasakit nang ito ay biglaan nalamang mawala. She never felt the presence of her mom, nanatili itong tahimik at tulala ng mga panahong iyon. Alam niyang maging ito man ay nabigla sa pagkawala ng kanyang ama at hindi niya ito masisisi. She just stayed beside her mom and comforted her hanggang sa unti unting bumalik ito sa normal nitong buhay. Sa ngayon ay masaya ang Mommy niyang namumuhay sa USA, nagbukas ito ng isang maliit na negosyo na ngayon ay unti unti naman nitong napalalago roon. She is happy with her life now. Wala na siyang ibang mahihiling pa maliban sa isa, and that is to have her own family. “Wala na ang Daddy mo hija, hindi mo na ako kailangan pa rito.” Malungkot na sabi ng kanyang ina na si Maressa Sanchez. Sa edad nitong singkwenta e tres na dati rati ay hindi kinababakasan ng edad ngayon ay tila mas tumanda pa yata ng ilang taon. “Mom, higit ko kayong kailangan ngayon. Paano mo naman nasabing hindi na?” puno ng pagdaramdam niyang sabi. “Dahil matanda ka na. Gamitin mo ang perang naiwan para sa iyo ni Marco.” Anitong tumayo mula sa kinauupuang kama at tinungo ang drawer na nasa dresser. “Ito ang sulat na natagpuan ko mula sa gamit ng daddy mo.” Iniabot sa kanya nito ang isang kulay dilaw na sobre. “Patunay iyan ng kanyang pagmamahal sa iyo. I need to get away hija. I can’t stand living here anymore dahil tanging ang Daddy mo lang ang nagpapaalala sa akin sa bawat sulok ng bahay at lugar na ito.” Madamdaming pahayag ng ina habang pigil nito ang pagtulo ng mga luha sa mga mata. “Sa buong taon ng pagsasama namin ng Daddy mo ay wala siyang inisip kundi ang kapakanan mo. At ngayon hanggang sa huli ay pinatunayan niya iyon. Ingatan mo ang sarili mo anak. At lagi mong tandaan na narito lang ako sa oras na kailangan mo ng tulong.” THAT was six years ago. Anim na taon mula nang hindi na umuwi pa ang kanyang ina mula nang ito ay magtungo ng USA. Anim na taon kung saan naramdaman niya ang ibig sabihin ng pag-iisa. Kung hindi siguro dahil sa mga kaibigan ay matagal na siyang nasiraan ng bait sa sobrang kalungkutan. Pero hindi pa rin maiaalis ang katotohanang naiwan siyang mag-isa upang harapin ang bukas ng walang karamay sa oras na kailangan niya. How she wished that her daddy never left her dahil sa pangyayaring iyon ay tuluyan ng nawala ang kanyang matatawag na pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD