Chapter 07

2159 Words
Gabi na nang maka-uwi si Dina. Pagod ang katawan pero excited. Nakatanggap siya ng text mula sa nobya na naka bahay niya na raw ito. Kaya naman nakangiti siya habang nagmamaneho. Sinasabayan niya pa ang tugtog mula sa stereo ng sasakyan. Mas lalong lumapad ngiti niya nang makarating sa tapat ng bahay. Bukas ang ilaw sa loob, tanda na naroon na si Mike. “I'm home!” Masigla niyang sabi sabay bukas ng pinto. Pero agad din nawala ang ngiti ng makita si Mike sa sala. Madilim ang mukha nito na parang galit. May hawak na isang maliit na kahon at titig na titig sa laman niyon. May napansin din siyang bulaklak na nakahiga ang mga sa mesa— rosas na pula, sariwa at hydrangea. Katabi nito ang isang hugis puso na tsokolate. “Mike...” mahina niyang tawag at lumapit dito. Nang makalapit siya, saka niya lang nakita ang laman ng kahon. Isang litarato. Litrato niya... nang nakahubàd. “Are you seeing someone, Adina?” umangat ang tingin ni Mike. Sinalubong sa kaniya ang galit na mata nito. “May may lalaki kang tinatagpo?” Habang siya ay hindi nakaimik. Parang may tumarak na libo-libo kutsílyo sa puso niya. How could Mike say those words to her?! “Answer me, Dina! May iba ka ba?!” Napa-igtad siya dahil sa biglaan pagtaas ng boses ni Mike. Binato pa nito ang maliit na kahon sa harapan niya kaya nagkalat ang iba't-ibang litrato niya na kuha ng hindi niya alam. “Wala! Wala akong iba!” Nagtaas na rin siya ng boses. “I only have you, Mike!” “Anong ibig sabihin ng mga 'yan, ha? You're fúcking nakéd!” Tinuro ni Mike ang mga litrato na nagkalat sa sakit at bulaklak tsaka tsokolate sa mesa. “Sinong nagpadala ng mga 'yan? I saw them in front of your house, Dina. Hindi naman 'yan mapapadpad lang diyan! Huwag mong sabihin na ang stalker mo pa rin may gawa niyan! Tanginà, mga húbad mong litrato 'yan!” “I don't know! Hindi ko alam! May taong nagpapadala niyan pero hindi ko kilala!” Parehas sila na mataas ang boses. “Huwag kang magsinungaling sa akin, Dina.” Saad ni Mike, mababa ang boses, pero nanginginig. Kalmado pero may galit. “M-may lalaking palaging nagpapadala niyan,” sagot ni Dina sa nauutal na boses. “Hindi ko alam kung sino. Nagsimula lang noong umuwi kami galing Italy. Mula no'n, araw-araw nang may dumadating na bulaklak at tsokolate. Sa harap ng bahay. Sa office. At kahit saan ako nagpunta, pakiramdam kong may palaging sumusunod sa 'kin!” Kinalma ni Dina ang sarili. Halata rin kay Mike na nagtitimpi ito. Hinilamos ni Mike ang kamay at tinalirukan siya at umupo muli sa couch. Dina remains standing halfway. Kinuha ni Mike ang litrato sa mesa. Ginusot niya ito bago binato sa kung saan. “Chocolates...” mapaklang saad nito. Nanunuya ang boses at parang nang iinsulto. “Someone was giving you chocolates... a person you don't know. Tapos tinatanggap mo?! kinakain mo?” Mike stiffled a chuckles, “how could you eat those filthy chocolates. You keep receiving them... parang masaya ka pa na may nagbibigay sa'yo ng lintik na bulaklak at chocolates na 'yan!” Biglang kumulo ang dugó ni Dina sa katawan. Sa tono ng pananalita ni Mike ay nang-iinsulto ito. Mike was being unreasonable. “Ano bang ibig mong iparating Mike, na malandi ako? Gano'n ba?” she puffed some breath, “tangina! Akala mo ba natutuwa ako na palaging may nakasunod sa'kin? That I'm happy that some freaky stalker was giving those? Akala mo ba masaya 'yon?! Ha?! Punyeta! Hindi mo alam kung gaano ako katakot!” Tumawa si Mike ng pagak, basag ang tunog. “Takot… o attention? Sabihin mo, gusto-gustong mo nang atensyon ng hinayupak na nagbibigay sa'yo niyan. This is not the time it happens, Dina. Maraming beses akong nakakita ng ganito sa harap ng pinto mo.” Parang sinampal si Dina ng mga salita ni Mike. Gano'n ba siyang babae? Gano'n na ba ang tingin nito sa kaniya? Isang desperadang babae sa atensyon? “How could you say those words, Mike...” humina ang boses niya. Para siyang sinasakal. “How could you say those words...” Tinapon niya ang bag na nakasabit sa balikat. “Hindi ko hiniling ‘to!” Sigaw niya. “Hindi ko kasalanan na may taong nagpapadala niyan! At putàngina, hindi ako hayók sa atensyon! Anong akala mo sa akin, ha? Isang malanding babae na basta na lang papatol kahit kanino?!” The tension grew stronger. Tahimik si Mike pero may guilt na sa mata nito. Bumigat ang paghinga ni Dina. May tumulo na luha sa mata. “You knew me, Mike...” She choked from her own words. “... you know how much I love you, yet you doubted my love for you.” Tumalikod si Dina na hindi na hinintay ang sasabihin ni Mike. Umalis siya ng bahay at naglakad ng walang deriksyon. She needs some air to breathe. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Lumilipad ang isipan niya at inaalala ang naging tagpo kanina sa pagitan niya at ni Mike. Iyon ang kauna-unahang pag-aaway nila na parehas silang nagtaas ng boses. Usually, Mike was always the calm one. Pero kanina... parang ibang Mike ang kaharap niya. Naglakad siya nang naglakad ng walang deriksyon. She was in deep thought to the point that she didn't even notice she was walking on the dark alley. Wala siya sa sariling pag-iisip. Hindi agad napansin ni Dina na may kakaiba sa dinadaanan niya dahil ang tanging laman ng kaniyang utak ang ang naging sagutan nila ni Mike kanina. Sa dami ng iniisip niya, hindi niya na namamalayan ang lahat. Dina heaved a sigh. Pakiramdam niya ay ordinaryong araw lang na masyadong mahaba. There's so much on her plate right now. Dumagdag pa ang lalaking nagpapadala sa kaniya ng kung ano-ano. She needs to find out who it was... hindi na siya natutuwa sa mga nangyayari sa kaniya nitong mga nagdaang araw. Nabalik lang siya sa tamang ulirat nang may mapatid na lata at gumawa iyon ng ingay. Mabilis siyang binalot ng takot nang mapansin ang makipot at madilim na eskinita. She was immobilized for a moment! She was in the middle of nowhere! Walang ibang tao sa paligid kundi s'ya lang. May mga bahay naman pero parang walang nakatira dahil walang ilaw na nakabukas. Ang dilim dilim pa! “Where the f**k is this place...” bulong niya habang naglalakad sa makitid na sidewalk at palinga-linga sa paligid, nagbabakasali na may makitang ibang tao roon. “Shít! Entrance ba 'to papuntang Biringan...” Stupíd idíot! Naliligaw na yata siya. Hindi pamilyar ang lugar na ito sa kaniya. Nariyan pa ang maya't-mayang ingay mula sa nag-aaway na pusa na ang huni ay parang umiiyak na sanggol. Kinapa niya ang bulsa ng suot para sana kunin ang cellphone at tatawag siya para humingi ng tulong. But Dina cursed when she remembered she left her phone! Ang malas naman talaga! Habang naglalakad siya sa madilim na daan, nararamdaman niya ang bawat kaluskos ng dahon, huni ng kuliglig. She started imagining scenarios... what if, may biglang humablot sa kaniya? Kidnapin siya at ibenta ang mga laman loob? Shocks! Mamamatày siya na pangit at stress! Hindi katanggap-tanggap 'yon! Lumiko siya sa isang kanto. Her instinct kicked in. Hindi niya alam kung tama ba ang landas na tinatahak niya. Pero bago pa man siya tuluyang makaliko, may napansin siyang isang pigura na nakatayo ilalim ng poste. Nanlamig ang buong niyang katawan. Kakaiba ang kutob niya sa taong iyon. Ikinalma niya ay sarili kahit pa na parang naiihi siya sa sobrang kilabot. She started to walk but she's not lowering her guard down. Natatakot siya. Baka kasi sugurin siya nito. Sinubukan niyang libangin ang sarili para hindi masyadong matakot. “I’m alive, alert, awake, enthusiastic... I’m alive, alert, awake, enthusiastic...” Paulit-ulit niyang kanta habang bumibilis ang hakbang. Naglakad rin ang lalaki. She knows it was a man. Nakasuot ng itim na hoodie ang lalaki at nakapaloob sa bulsa ng hoodie nito ang mga kamay. Pinakiramdaman muna niya ang galaw ng lalaki dahil baka mali ang kutob niya. Maybe the man was living around this neighborhood? Pwede naman 'yon. Maya-maya kung lingunin niya, upang tingnan ang tao na sumusunod sa likod. Normal lang ang lakad ng lalaki. Hindi mabilis. Hindi rin sobrang lapit. Pero nandun. Nakasunod. Tumatayo ang balahibo niya sa batok at braso. She swallowed hard as she walked fast, trying to push away the feeling. Siguro sabay lang kami ng tinatahak pauwi? Coincidence lang naman ‘to, di ba? Pero matapos ang ilang minuto, napansin niyang sa bawat liko niya— lumiliko rin ito. Kakaiba na 'to. Hindi na ito basta coincidence lang! Lord! Hindi na normal 'to! Binilisan niya ang lakad. At bumilis din ito. Dito na kumabog nang todo ang dibdib niya. Nanlamig siya. Hindi alam kung dahil ba sa simoy ng hangin o dahil na sa kaba at takot. “Shît…” mahinang sambit niya, halos hindi na makahinga nang maayos. Madilim ang kalsada... tanging ilaw ng poste at buwan lang ang nagbibigay ng kaunting liwanag. May mga ilaw pa na pakislap-kislap at pundi. At may nagbabandya pang ulan. Ang malamig na simoy hangin ang dumadampi sa balat niya. It gives her chills. Mas binilisan niya ang paglakad at bumilis din ang lakad ng anino sa kaniyang likuran. Samo't-sari na ang ginawang n'yang dasal pero 'di iyon sapat para bawasan ang kaba at kilabot sa sikmura niya. Her pace accelerated. Napatingin siya sa likod. At halos mapamura siya dahil maliit na lamang ang distansya niya sa sumusunod sa kaniya. “Lintik naman... bakit ba kasi ako napadpad dito!” Malapit nang siyang maiyak. Kinikilabutan siya. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil tinatakpan iyon ng hoodie. “Daddy... mommy...” Napapaos niyang bulong. Calm down, Dina... Calm down... Coincidence lang ang lahat. Coincidence lang... nag-o-overthink ka lang... bulong niya sa sarili. Pero kahit siya, hindi naniniwala sa sinabi niya. With all the strength left in her, she runs... at tumakbo rin ang lalaki. Doon niya na napagtanto na sinusundan talaga siya. Nasa delikadong sitwasyon na siya. Everything just sunk in. “You have nowhere to go, Amoretto...” Kinilabutan siya nang marinig ang boses ng lalaki. Sobrang lalim ng boses, parang galing sa hukay. At batid din sa boses nito ang galak na parang natutuwa pa ito na takot siya. At Amoretto? Iyon palagi ang nakasulat na letra sa bawat liham na natatagap niya mula sa kaniyang stalker! “Gago!” tanging nasabi niya at mas lalong binilisan ang takbo. She started to feel the exhaustion. Pero kahit na, hindi pa rin siya tumigil pagtakbo. “Konti na lang... konti na lang...” bulong niya. “Coke on, Dina... run!” Gano'n na lang ang ginhawa niya nang may marinig na ugong ng mga sasakyan. Parang malapit na s'ya sa highway. Mas binilisan niya ang takbo. Pero nang papalapit siya, bigla nalang may humablot a kaniya mula sa gilid. Nanlamig ang buong katawan niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Para siyang mawawalan ng malay. She felt like her heart was about to explode. ”No! No! No! Please... no! Huwag po! Please don't hurt me! Please...” Nagpumiglas siya mula sa taong humablot sa kaniya. Her eyes was closed. Ayaw niyang nakita kung sino Napaiyak siya, halos mapahiyaw sa takot. “Hey! Hey! Hey, Miss... are you okay?” “Please... maawa kayo! Please...” Nawala na siya sa tamang pag-iisip. She started crying. Tuluyan siyang nanlumo at nawalan ng pag-asa. Ito na ba 'yon? Ito na ba ang katapusan ko? “Shh... Shh... you're safe now... you're safe...” Dahan-dahan na iniangat ni Dina ang paningin at binuksan ang mata. Nakita niya ang isang lalaki na inaalo siya. Napansin din niya na nasa kaldasa na siya na puno ng kotse at maliwanag na kumapara kanina. Nilingon niya ang madilim na eskinita, wala na roon ang lalaking humahabol sa kaniya. Nakahinga siya nang maluwag. Isinandal niya ang ulo sa dibdib ng lalaki. She cried. Umiyak siya nang umiyak. She let her fear consume her. Iniyak niya ang lahat ng takot na naramdaman kanina. Hindi niya na napigilan na umiyak dahil sa wakas... ligtas na siya. Hinayaan niyang maging mahina siya sa harap ng hindi niya kilalang tao. “Cry... Just cry... you're safe now.” Ani ng lalaki habang hinihimas ang likod ni Dina na panay ang iyak ngayon. Ngayon lang naramdaman ni Dina ang pagod mula sa walang humpay na takbo na ginawa niya. She felt she was collapsing... unti-unti, naramdaman niyang bumibigat ang kaniyang talukap. And before she knew it... she lost consciousness. Nawalan ng malay si Dina, pero bago pa man magdilim ang lahat, nakita niya ang pares ng berdeng mga mata at ngisi ng lalaking tumulong sa kaniya. “Nice to finally meet you... Amoretto.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD