“Mukha po yatang good mood kayo ngayon, Sir Aaron,” puna ni Ada, nang pumasok siya sa opisina ng binata. “Paano mo naman nasabi?” nagtatakang tanong ni Aaron. “Eh, kasi po kanina pa po kayo nakangiti. Halos mapunit na po ‘yang pisngi mo, Sir. You’re smiling from ear to ear,” She said, pointing to Aaron’s wide smile. “Ganoon ba? Anyway, may kailangan ka ba?” tanong niya sa kaharap ng maging pormal ang tono ng kaniyang boses at ekspresyon sa mukha. Ngunit hindi pa rin mabura sa kaniyang labi ang ngiti kahit na anong pilit niya na gawing pormal ang ekspresyon ng mukha. “Ito po ang bagong story draft ng isa sa best selling author natin at ang progress report ng sales natin ngayong buwan,” sagot ni Ada, nang ipatong niya sa table nito ang folders na dala. “Okay, I’ll take a look on this

