Kaagad naman na sumilay ang malawak na ngiti sa labi ni Aaron, nang makita ang munting sanggol, ang anak ng kababata. “You’re right. She’s cute and tiny,” Aaron agreed with Justine, when a soft chuckle escaped from his lips right after the baby opened her little innocent eyes. Katulad niya ay malawak din ang ngiti sa labi ni Justine, lalo na si Arlene. “Mukhang kay nanay siya nagmana,” komento ni Aaron, habang pinagmamasdan ang bata. Sumagi na naman tuloy sa kaniyang isipan ano ang magiging itsura ng baby nila ni Justine, at kung sakali kanino ito magmamana? Mabilis naman siyang napailing sa sariling ideya at imahinasyon. “Wala man lang namana kay Keith,” natatawa na komento niya pa. “Anong sinabi mo? Tingnan mo kaya nang mabuti!” Keith roared at Aaron while pointing his finger tow

