
Sadako, siya yung babaeng naninirahan sa gubat dahil wala na siyang kapera-pera.
Dagdag gastos lang daw ang pagrerenta ng matitirahan kaya napagdesisyonan niyang bumili ng tent at isang solar na kuryente para may roon siyang ilaw kapag sa gabi.
Hindi siya takot sa dilim o sa kahit anong aswang dahil yun naman talaga ang pinapanood niya sa pelikula lagi.
Siya ang babaeng kinatatakutan ng lahat lalo na kapag nakatingin siya sa ibang tao ay lagi siyang iniiwasan ng mga ito sa takot na baka kainin sila ng buhay.
